Chereads / The Tenses Of Love / Chapter 3 - Chapter Three

Chapter 3 - Chapter Three

TINATANAW ni David si Abigail habang nakaupo ito sa kahoy na upuan sa lilim ng dalawang magkatabing puno ng niyog at nakatingin sa dalampasigan habang siya naman ay bumibili nang maiinom nilang pineapple juice in can.

Nasa Siargao sila. Biglaan lang ang pagbu-book nila ng flight. Noong nakaraang gabi nang nasa Jack's Ridge sila ay naisip niyang ayain itong pumunta sa lugar na hindi pa nito napupuntahan. Where she think she could rest her troubled soul.

Sa una ay pinandilatan lang siya nito ng mga mata. Kesyo hindi pa raw siya nito lubos na kilala para sumama ito sa kanyang pumunta sa malayong lugar. So, he showed her his SSS ID, driver's license, at lahat na ng ID na meron siya. Pati PhilHealth ID ay ipinakita niya. Kahit nga ang certification niya bilang trainer ng IFPA o International Fitness Professionals Association na nakunan niya ng picture sa cellphone ay ipinakita rin niya rito.

Nang itsurang nagdududa pa rin ito ay pinakunan niya ng picture ang lahat ng ID niya at sinabihan itong ipadala iyon sa pinagkakatiwalaan nitong kaibigan o kapamilya at sabihing i-report siya sakaling may mangyaring masama rito sa Siargao. Sa wakas ay nagtiwala rin ito sa kanya. So, they looked for a flight online and booked for the both of them. And now, here they are in Siargao's most sought-after tourist spot, Cloud Nine.

Kahit nakatingin sa karagatan si Abigail ay halatang wala roon ang isipan nito. At nasisiguro na ni David kung saan na naman patungo iyon. Sa ex nito. Gusto niyang tadyakan ang lalaking iyon sakaling magkita sila dahil sa lungkot na makikita sa magandang mga mata ni Abigail nang dahil dito. Pero gusto rin niyang pasalamatan ang lalaki dahil kung hindi dahil dito ay hindi siguro siya magkakaroon ng tsansang mapalapit kay Abigail. Kahit pa sa ganitong paraan lang muna.

Nang marinig ni David ang boses na nagsalita mula sa kanyang likuran no'ng una sila nitong magkita sa gym ay literal na parang tumigil sa pagtibok ang puso niya. Her voice was so sweet and fragile. At paglingon niya, napatunayan niyang umayon ang boses sa mukha nito.

She had a sweet face. Heart-shaped ang mukha nito. Maliit ang baba at may kabilugan ang mga pisngi. She had a cute nose. Hindi matangos pero hindi rin pango. Parang sa kanya rin. Pati ang pinkish lips nito ay cute din. Ang liit-liit na parang laging nakatikom. But, it was her eyes that really pulled his soul out of his body and she seemed to drag it with her. Kaya napasunod na lang siya rito nang maglakad na ito palayo kahit hindi pa man niya sinasagot ang sinabi nito kung pwede niya itong tulungang gawin ang circuit training.

And when he saw her tears without her even knowing that she's already crying, it seemed like his heart was crushed into pieces. Ayaw talaga niyang makakita nang umiiyak na babae kaya sa abot nang makakaya niya ay pinipilit niyang tratuhin nang maayos ang mga babaeng dumadaan sa buhay niya. Pero iba ang naramdaman ni David nang makitang lumuluha si Abigail. Hindi lang siya basta naawa rito. He felt that there's something inside him aching to protect her…to comfort her. That's why he did.

Nang makita itong muli ni David sa Jack's Ridge kung saan kasama niya ang ilan sa mga empleyado niya sa gym para sana i-treat ang mga ito—yes, he wasn't just a gym instructor but also the owner of it and it's other branches—hindi siya nagdalawang-isip na iwan ang mga kasama para samahan si Abigail sa pag-iisa nito. Ramdam ni David ang sakit at pighati sa bawat salitang binibitawan nito. Sa bawat luha, paghagulhol at impit na pag-iyak para sa ex nito. And he adored her because of that. She had such a big heart.

Nainggit pa nga siya sa ex nito. Mabuti pa ito at nagkaroon ng pagkakataong makasama si Abigail sa buhay nito sa loob ng mahigit apat na taon. Kung saan sobra itong minahal ng babae. Oo at hindi pabor si David sa ginagawa ng ibang taong nasa loob ng isang relasyon kung saan pinipilit ng mga itong baguhin ang partner para umayon sa kagustuhan ng mga ito. Pero naiintindihan din naman niya ang pinanggalingan ni Abigail. And he agrees that a man should know how to lead and of course provide. Kaya nga ito tinatawag na padre de familia, hindi ba? If not, then he shouldn't be called a man, but a mere boy.

The guy was so blessed that he had Abigail to love him, who gave him a chance to become a better person, to become a man. Pero sinayang lang nito ang pagkakataong iyon. Samantalang siya, he was never that lucky in love and relationship.

Pareho lang silang twenty-nine years old ni Abigail, pero lamang ito sa kanya. Dahil ito, nagawa nang magmahal at minahal nang totoo. Samantalang siya, nakatatlong relasyon na pero wala pa ring nagparamdam sa kanya nang ganoong kalalim na pagmamahal. His exes just admired him, but did not really love him. Kaya nga tumigil na muna siya sa pakikipagrelasyon. He did not see the reason for it. O baka napagod lang siya dahil puro mabababaw iyong huling mga nakarelasyon niya. A total opposite of Abigail.

Kaya nang makilala niya ito, hindi niya na pinakawalan pa ang pagkakataon. Maybe it's his chance to try again. Baka ito ang babaeng matagal na niyang hinahanap sa mga naging exes niya. Baka ito ang makakapagparamdam sa kanya kung paano magmahal ng tunay.

"Care to share what you're thinking about?" Iniabot ni David kay Abigail ang nabili niyang canned pineapple juice nang makaupo na siya sa tabi nito.

"Thank you." Tipid nitong pasasalamat matapos tanggapin iyon atsaka muling ibinalik ang tingin sa kawalan.

"Your ex again?" He prodded when she didn't answer him.

"Sino pa nga ba?" Matamlay nitong sagot kapagkuwan saka sinubukang buksan ang canned juice kaya lang ay nahirapan ito dahil sa mahahaba nitong kuko.

"Let me." Kinuha iyon ni David kay Abigail at binuksan saka muling ibinalik dito.

Tipid itong ngumiti sa kanya atsaka muling nagpasalamat. She still didn't look fine, but what the heck? His heart just skipped a beat once more. Iba talaga ang epekto sa kanya ni Abigail. He should be afraid because he knows for a fact that she's still aching and hurting for somebody else. Pero ayaw na talagang pakawalan pa ni David ang pagkakataong ito.

Ngayon pa ba siya matatakot? Hindi ba't iyon ang hinahanap niya sa mga huling nakarelasyon? Ang bigat na dala ng tunay na pag-ibig. Hindi iyong puro saya lang. Hindi iyong puro kababawan lang. To hell with pain! Kung ito rin naman ang magiging dahilan, she's all worth it! And he's willing to do everything for her just so she'd be able to really move-on from her past relationship.

"Alam mo bang hindi dapat mahaba ang mga kuko ko?" Saglit siya nitong nilingon saka muling tumingin sa karagatan. "Medtech ang tinapos ko. Dapat mag-a-abroad ako—kami, after a few years of hospital experience. Natuloy naman ako, pero isang taon lang at umuwi na ako. I didn't feel like pursuing my profession anymore. Akala ko no'n nag-iba lang talaga ang taste ko sa career. Ngayon ko lang na-realize na siguro nawalan ako ng gana kasi hindi ko siya kasama kagaya nang pinangarap namin noong dalawa. Kaya ayun," pagkibit-balikat na anito, "naiba ako ng landas. Napadpad ako sa digital marketing. Nagsimula ako sa pa-poochoo-poochoo lang, until I became a marketing analyst after some time. Okay naman na ako sa buhay ko eh. Akala ko, okay lang ako… Pero no'ng makita ko sa Facebook feeds ang post niyang iyon, para akong sinampal ng katotohanan." Umiling ito. "Hindi pala ako okay." Nanubig na naman ang mga mata nito. Tumingala ito sa langit pagkaraan. Maybe she's trying to stop her tears from falling.

"I'm the owner of the fitness center where we met." Biglang sabi ni David. Nagtagumpay naman siyang makuha ang atensiyon ni Abigail. Nakamulagat ang mga mata nito ngayon sa kanya. Natawa tuloy siya.

"Naisip ko lang sabihin sa'yo, since you mentioned a bit about your career."

"Hindi ka gym instructor do'n?!" Gulat na bulalas nito.

"Well, I'm a certified trainer from International Fitness Professionals Association here in the Philippines. Pinakita ko pa nga sa'yo `yung certification ko, 'di ba? So…"

"Pero hindi ka basta instructor lang do'n kundi pagmamay-ari mo `yung gym? I mean, hindi naman sa nila-lang ko lang ang pagiging gym instructor, pero ikaw talaga ang may-ari no'n?"

Tumango siya. "Yup! You got it right." Uminom na rin si David sa kanyang canned juice.

Samantala, nakanganga naman si Abigail habang nakatingin sa kanya. "Kaya pala parang hindi ako maintindihan no'ng receptionist mo no'ng sinabi ko sa kanyang ikaw `yung gym instructor na bibigyan ko ng magandang feedback.

Tumango ulit si David.

"Bakit 'di mo itinama `yung maling-akala ko?"

"There's a right time for everything."

"Pa'no kung hindi tayo nagkita ulit?"

"But we did." Nginisihan niya ito. "Heto nga't magkasama pa tayo sa Siargao, 'di ba?"

Inirapan siya nito. "Kaya nga ang sabi ko, paano kung hindi tayo nagkita ulit?" Diniinan pa talaga nito ang salitang paano na para bang pinanggigigilan siya nito. Natawa na naman tuloy si David sa ka-cute-an nito.

Nagkibit-balikat siya kapagkuwan. "It doesn't really matter. Naisip ko lang na maiba naman. Iyong huling exes ko kasi, aware na businessman ako. That I own a few branches of fitness centers. And I'm not sure, but maybe…just maybe. Maybe they only found me interesting kasi businessman ako. Masyado yata silang nalula at doon na lang sila naka-focus imbes na sa buong pagkatao ko. Kaya no'ng inakala mong empleyado ako do'n, hindi ko na muna itinama. Because I was already interested in you back then." Tinitigan niya ito pagkasabi niyon.

Pinamulahan naman ito ng mukha. At mapangahas na kung mapangahas pero hindi pinigilan ni David ang sarili na pisilin ang napaka-cute nitong pisngi. Agad naman nitong pinalis ang kamay niya na ikinatawa lang niya.

"Huwag ka nga! Puro ka naman ewan eh." Inirapan siya nito.

"But, it's true. Ever since I heard your voice that seemed so fragile when you called me for help, and when I laid my eyes on your sweet face, my heart already fell on your heels. You unintentionally put a leash on my soul and then you had me following your footsteps."

Seryoso ang mukha ni Abigail na nakatingin sa kanya pero maya-maya ay ngumiwi ito. "Sweet na sana pero 'di ba nga, magmo-move-on pa ako? Sabi mo handa kang maghintay? Ba't dumidiga ka na diyan?"

Natatawang pinisil niya ang ilong nito. Hindi na ito nakaangal pa dahil mabilis lang naman iyon. "I'm just trying to remind you that he's not the only guy in this world. He's not the only one who can see how great of a person you are. That there's someone out here who can love you more than he did."

Bumalik na naman ang lungkot sa mga mata nito. "Pa'no ka naman nakasisiguro na magagawa mo'kong mahalin nang higit pa sa pagmamahal na ibinigay niya?"

"Katulad nang sabi do'n sa nakita ko noong TV ad para sa palabas na Love You To The Stars And Back, walang sigurado pero minsan kailangan mo lang maniwala."

Malapad ang ngiti sa mga labi ni Abigail nang lingunin siya. And that bright smile assured him that he's doing the right thing.

"At talagang nanood ka ng palabas na iyon, ha? Sa laki ng katawan mong iyan?" Tiningnan pa talaga nito ang kabuuan niya.

"Sabi ko nga, 'di ba? TV ad lang?" Pangangalandakan niya rito kapagkuwan.

"Oo nga pala. Sorry, sorry." Nag-peace sign ito sa kanya nang natatawa. Mukhang gumaan-gaan na ang pakiramdam nito. And that comforted his soul.

"Seriously though, sinabi ko nga sa'yo na maghihintay ako na makapag-move-on ka sa kanya. Pero hayaan mo rin sana akong iparamdam sa'yo ang nararamdaman ko. Yes, I want to comfort you from the pain that you're feeling and protect you from misery, but at the same time, I also want to make you feel worthy again. Because you are, Abby. So, please just let me. Okay? Kahit paminsan-minsang diga lang. Pagbigyan mo na ang mamang `to." Pabirong aniya na ikinangiti na naman nito.

"Oo na, dambuhalang mama." Nangingiting anito.

"Gwapo naman, 'di ba?" Nagpa-cute siya. Natawa naman ito.

"Huwag ka nga! Tumigil ka, Dambo! Hindi bagay sa'yo." Hinampas siya nito sa braso.

"Dambo?" Nagtaas siya ng kilay.

"Oo. Short for dambuhala."

"Ah, gano'n?" Nag-aamok na aniya.

"Sige, ayaw mo ba ng Dambo? Eh 'di Goliath na lang?" Nang makita nitong naningkit ang kanyang mga mata ay agad itong tumayo at tumakbo. Hinabol naman agad ito ni David.

"Halika rito, Aping!" Sigaw niya, na ang ibig sabihin sa bisaya ay pisngi, habang hinahabol ito. Nagmenor naman si Abigail sa pagtakbo. Nakaharap ito sa kanya habang humahakbang nang paatras ang mga paa. Ayaw pa ring magpahuli sa kanya.

"Aping?"

"Oo. Ang tambok kasi niyang mga pisngi mo."

"Ah, gano'n?" Ito naman ngayon ang nag-aamok. At si David naman ang tumakbo palayo rito habang hinahabol siya nito. Pero hindi napaghandaan ni Abigail ang bigla niyang pagtigil at pagharap dito kaya bumagsak ito sa kanyang mga bisig. She felt like heaven in his arms. And he would like to hold her forever.

David looked straight into her eyes which were reflecting the sunset. Para siyang na-possess ng mga matang iyon, looking so vulnerable and yet still strong. He wanted to kiss her.

"You're so damn beautiful… Do you even know that?" Anas niya habang marahang bumababa ang kanyang mukha palapit sa mukha nito.

"Are we supposed to kiss already? What happened to the moving-on and waiting stage?" She dreamily asked. Dumadampi na sa mukha ni David ang mainit na hininga nito. Ganoon na kalapit ang kanyang mukha kay Abigail pero nagagawa pa rin nitong magtanong at mag-analyze ng mga bagay-bagay.

How silly of her, right? And yes, she's that lovely and adorable.

And so David claimed her lips, not giving her a chance to think anymore. At first, it was like she was still trying to process everything in her mind. But when he deepened it, kissing her passionately, she finally succumed to the moment…to their moment.

Pumaikot ang mga braso nito sa leeg niya pagkaraan habang siya naman ay nakahawak sa gilid ng leeg nito para mas laliman pa ang halik na kanilang pinagsasahulan. They were both kissing each other passionately and David wouldn't mind kissing her like that forever. She was so soft in his arms, so fragile. He would want to protect this woman forever.

Maybe forever with her doesn't sound so bad, right?

"Way to go, honeymooners!" Tukso sa kanila ng mga nakainom na yatang foreigner. Tila tuwang-tuwa naman ang mga ito sa pagpi-PDA nila.

Agad na kumalas si Abigail sa pagkakayakap sa kanya dahil doon. Tila hiyang-hiya ito sa iniakto.

"Hey…" He reached for her cheek and caressed it. "It's okay. No need to be shy. Wala namang manghuhusga sa'tin dito."

"Balik na tayo sa hotel." Anito saka walang anu-anong nauna nang maglakad sa kanya.

Okay, maybe that was not the right time yet? Pero may right time ba talaga? Can't they just make everytime the right time? Maybe his forever with this woman really needs some more time. And he's willing to give her that. Basta't huwag lang itong lumayo sa kanya.

Kibit-balikat na sumunod na lamang si David dito kapagkuwan.