NAG-FILE ng one week leave si Abigail sa trabaho dahil hindi talaga siya makapag-concentrate. Ayaw naman niyang madamay ang kanyang trabaho sa personal niyang pinagdaraanan ngayon. The career that she has now was all that she had anyway. Hindi niya hahayaang wala na nga siyang lovelife ay mawalan pa siya ng trabaho.
She decided to make her leave worthwhile. At dahil goal-oriented siyang tao, she created a new goal for herself. And that's to completely move-on from her ex, Francis. Gumawa siya ng note sa kanyang cellphone na pinamagatan niyang "How To Completely Move-On From Your Ex Eight Years After Your Breakup" in bold letters.
Step Number One: Lunurin mo ang sarili mo sa pagtingin sa pictures nila ng bago niyang girlfriend. Sa pagbabasa ng sweet posts nilang dalawa para sa isa't-isa.
Kung sinasabi ng karamihan na tigilan mo ang kaka-check sa social media accounts ng ex mo, Abigail decided to mark her ex's Facebook wall as "see first". Ano ba kasi'ng kinalabasan nang pag-iwas-iwas niya noon dito? Eh 'di heto't binulaga na lang siya bigla ng sarili niya. Akala niya nakapag-move-on na siya. Iyon pala, hindi pa talaga!
Kahit ano rin naman kasing pigil ni Abigail sa sariling mga daliri ay kusa niyong pinipindot ang kanyang cellphone para tingnan nang pa-ulit-ulit ang picture na ipinost ng kanyang ex. Sa ilang ulit na niyang pag-check niyon ay halos memoryado na yata niya ang lahat ng comments at kung sino ang mga taong nag-react doon. Yes, she was that pathetic.
Step Number Two: Ilabas mo lahat ng hinanakit mo sa kanya kahit man lang habang nakatingin ka sa picture niyang naka-zoom sa cellphone mo.
At least, kahit hindi naman talaga niya iyon marinig ng personal, basta't nakapaglabas ka ng sama ng loob sa pagmumukha niya. May psychological effect na pa rin iyon. Pagtiisan ang naka-zoom na picture dahil wala ng chance na magkaharap pa kayo ulit para lang masabi mo sa kanya ang mga hinanakit mo. Remember, may iba na nga kasi siya, 'di ba?
"So, nag-apply ka na pala sa ospital." Abigail sarcastically blurted out after reading one of his sister's comments. Tinungga niya ang Tanduay Ice vodka cranberry na nasa baso pagkaraan.
Abigail went to Jack's Ridge Resort and Restaurant where they used to date before. Tumambay siya sa Karlo's Gourmet and Coffee, isa sa mga establishments na nasa loob ng Jack's Ridge. Overlooking ang lugar kaya doon siya pumunta dahil gusto niyang mapag-isa. Gusto niya ng katahimikan. Mas nakadagdag nga lang iyon sa pag-antak ng kanyang puso dahil ang dami nilang alaala sa lugar na iyon. Siguro nga ay masokista siya. Dahil iyon pa ang napili niyang lugar na puntahan. But, what can she do? She wanted to relive the memories that they had together.
She celebrated her eighteenth birthday there with him. Seventeen lang siya nang sinagot niya ito habang nineteen years old naman ito. They were so in love back then that she was already too happy celebrating her debut even just with him alone. Wala siyang pakialam kahit wala siyang debut party kagaya ng iba. Masaya na siyang ito ang kasama niya nang mga panahong iyon.
"Bakit ngayon lang?" Sumbat ni Abigail kay Francis habang nakatingin sa mukha nitong naka-zoom sa kanyang cellphone pagkatapos niyang ubusin ang Tanduay Ice na nasa baso. "Bakit noon, 'di ka naghanap nang maayos na trabaho no'ng kinukulit kita? Alam mo namang iyon ang issue ko sa'yo. Bakit 'di mo'ko pinagbigyan? Bakit sa loob ng walong-taon na magkahiwalay tayo at kinakamusta kita tungkol sa buhay mo, tinatanong kung may maayos ka ng trabaho, hindi ka pa rin naghanap at sinubukang makipagbalikan sa'kin? Eh 'di sana tayo pa rin hanggang ngayon. Siguro nga ikinasal na tayo. Bakit ngayon lang?" Kusang tumulo ang mga butil ng luha sa pisngi ni Abigail. "Bakit nang dumating siya sa buhay mo saka ka kumilos? Was I not enough to inspire you? Samantalang ang sabi mo sa'kin no'n, ako ang buhay mo. Sinungaling!" Napahikbi na si Abigail. Itinakip niya ang isang kamay sa kanyang mukha habang hinahayaan ang pamamalisbis ng mga luha sa kanyang mga mata. "I hate you…" Parang pinipiga ang kanyang puso nang mga sandaling iyon.
Kapagkuwan ay humugot si Abigail nang malalim na hininga saka hinamig ang kanyang sarili. Pinuno ulit niya ang baso ng alak. Isang bote pa lang ang napapatumba niya pero dahil mahina siya sa alak ay naramdaman na niya ang pag-iinit ng mga pisngi. Akmang iinumin na niya iyon nang may pumigil sa kanyang kamay. Pag-angat niya ng tingin sa taong may hawak sa kanyang kamay ay napakunot-noo siya. He looked familiar.
"Namumula na ang mukha mo, Miss. Hindi naman kita pipigilang ubusin iyang inumin mo, but maybe you'd want to take a break? Maya-maya ka na ulit uminom. Baka biglang sumama ang pakiramdam mo kapag dinire-diretso mo iyan."
"And may I know who you are?" Matabang niyang angil dito.
"I'm David. We've met at the gym."
Napaawang ang bibig ni Abigail. "Ikaw nga. Kaya pala familiar ang itsura mo. Fancy meeting you again."
"Would you mind if I join you?" Tanong nito. Nag-aatubili ito nang hingin ang permiso niya at iyon mismo ang dahilan kaya pumayag si Abigail. At least hindi presko ang dating nito.
"Kung kaya mong makakita ng babaeng bigla-bigla na lang napapahagulhol at kung kaya mong makarinig ng mga sikmat ng taong iniwan ng minamahal niya at ipinagpalit sa iba."
"Exactly the reason why I wanted to join you. Para hindi ka naman gano'n ka-kawawang tingnan. At least may karamay ka." Anito saka umupo sa katapat niyang upuan. "So… Kahihiwalay n'yo lang ng boyfriend mo? Umiyak ka rin nang ganito sa gym no'ng una tayong magkita eh. Sabi mo pa nga, sana ako na lang ulit." Pabiro nitong sabi.
Napangiti nang mapait si Abigail sa ipinaalala nito. "Eight years ago na kaming naghiwalay." Aniya.
Napakunot-noo ito. Siguro ay naguluhan sa sinabi niyang iyon. "Bakit kung makaiyak ka, parang nitong linggo lang kayo nagkahiwalay?"
"Iyon na nga eh." She chuckled. "Iyon din mismo ang tanong ko sa sarili ko. Akala ko talaga matagal na akong nakapag-move-on sa kanya. Eight years have freaking passed, pero heto ako't parang baliw na iniiyakan ulit siya."
"You still love him?"
Ilang sandaling nanahimik si Abigail hanggang sa nanlabo ang kanyang paningin. Nagtutubig na naman pala ang kanyang mga mata. Napapikit siya sa pag-antak ng kanyang puso. "Unfortunately, ngayon ko lang na-realize na oo. Mahal ko pa rin pala siya. Akala ko lang pala na nakapag-move-on na ako. Nagawa ko pa ngang magkaro'n ng boyfriend four years after we broke up. Iyon pala, kaya apat na buwan lang ang itinagal namin no'ng sumunod sa kanya dahil siya pa rin pala ang nasa puso ko. Hindi ko lang agad na-realize kasi kampante ako. Wala kasi siyang naging girlfriend ever since after me. Ngayon lang… And she looks so fine." Napalabi siya hanggang sa nauwi iyon sa paghikbi. "She looks like she won't hurt him the way I did. She looks like she can offer him more than what I had offered before. Understanding, patience, encouragement, inspiration, unconditional love…"
"Hey… You don't have to be so mean to yourself."
"Iyon naman kasi ang totoo eh." Tumawa siya nang pagak matapos pahirin ang kanyang mga luha. "Naghiwalay kami kasi napagod na ako sa kanya. Napagod akong maging leader sa'ming dalawa imbes na siya dapat iyon. Natakot ako para sa kinabukasan naming dalawa. I feared because I was so fucking tired living in nothingness. Ayo'ko na nang ganoong klaseng buhay para sa magiging pamilya ko. Kaya nang makita kong wala siyang plano sa buhay niya, nakipaghiwalay ako. But, I kept in touch. We remained friends no'ng akala namin nakapag-move-on na kami sa sakit ng hiwalayan naming dalawa. Kinakamusta ko siya. Pero wala pa rin naman siyang ginawa. Walang nagbago sa kanya. Pagkatapos ngayon malalaman kong kaya naman pala niyang maging responsable? Ngayong may iba na siya? So, ano pala'ng tawag sa'kin no'n sa buhay niya? Dekorasyon?" Aniya sa tonong nanunumbat. Nang hindi sumagot si David at mataman lang siyang pinakinggan ay tinungga ulit ni Abigail ang baso. Inisang lagok niya iyon.
"Leche siya." Mura niya sabay pahid ng likod ng kanyang kamay sa kanyang bibig na nabasa ng alak. Tumingin ulit si Abigail sa malawak na kapaligiran. Saka nagsulputan na naman ang mga alaala sa kanyang isipan. "Leche din `tong puso ko." Nagtubig na naman ang kanyang mga mata. "Kung bakit kasi napagod-pagod pa ako sa kanya no'n tapos ngayon masasaktan akong may iba na siyang minamahal? Kung 'di ba naman ako isa't-kalahating tanga. Eh 'di sana hinabaan ko na lang talaga ang pasensiya at pang-uunawa ko sa kanya, 'di ba? Sana nanatili na lang ako sa tabi niya, kasi ang totoo mahal ko pa naman talaga siya no'ng makipaghiwalay ako sa kanya. Pero malay ko ba naman kasing darating pala ang panahong `to? Na magbabago naman pala talaga siya? Kung kelan naman hindi na ako ang nasa tabi niya. Bwiset na buhay `to." Yumuko si Abigail at ipinatong ang kanyang mukha sa braso niyang nasa mesa saka hinayaan ang sariling umiyak.
Maya-maya ay naramdaman niyang may humahaplos sa likod niya. Si David siguro. At talagang tama ang sinasabi ng iba na kapag may umaalo sa'yo habang umiiyak ka ay lalo ka lang mapapaiyak. Dahil iyon ang nangyari sa kanya ngayon. She poured her heart out. Wala na siyang pakialam kung pagtinginan man siya ng iilang taong nandoon.
"Ang sakit-sakit sa pakiramdam na nagawa niyang magbago para sa ibang babae pero hindi niya nagawa para sa'kin noon. Apat na taon. Apat na taon akong nanatili sa tabi niya. Ini-encourage siya. Pinipilit na lagyan ng direksiyon ang buhay niya, kasi nga mahal ko siya! Pagkatapos ngayon, ke-bago-bago pa lang ng babaeng iyon sa buhay niya, nagawa na niyang magbago para sa kanya? Hinayupak siya!" Puno ng hinanakit na bwelta niya.
"Baka naman kasi hindi lang talaga kayo ang para sa isa't-isa." Ani David sa malumanay na boses. Tila tinatantiya ang magiging reaksiyon niya.
"Eh bakit nasasaktan pa rin ako?!" Marahas niyang iniangat ang kanyang mukha mula sa pagkakayuko at sinikmatan ito. "Bakit nasasaktan na naman ako? Ilang beses ko ba siyang iiyakan? Isang beses lang kaming naghiwalay pero bakit heto't umiiyak na naman ako ngayon nang dahil sa kanya? Bakit ang sakit-sakit na naman?" Animo walang lakas na dinamba ng mga kamay niya ang dibdib ni David. "Sagutin mo'ko… Sabihin mo kung b-bakit…" Umaalog na ang mga balikat niya sa paghagulhol.
"Ssshh…" Hinapit naman siya ni David palapit sa katawan nito at niyakap nang mahigpit. Hinimas-himas nito ang kanyang buhok kagaya nang ginawa nito noon sa gym nang bigla siyang mag-breakdown sa harap nito. "Hindi ko alam kung ano ang sagot sa mga tanong mong iyan. All I know is that, you should let your heart feel the pain. Let it all flow from within you. Pain deserves to be felt and acknowledged. Or else, hindi ka lubusang makakapag-move-on."
Step Number Three: Sabi nitong machong mama na yumayakap sa'kin, I should let my heart feel the pain because it deserves to be felt and acknowledged.
"Kaya nga siguro nasasaktan pa rin ako… Kasi hindi ko hinayaan ang sarili ko noong damdamin nang matagal ang sakit ng paghihiwalay namin. I was consumed with anger. Tuloy akala ko okay na ako kasi hindi na ako umiiyak. Iyon pala, mas nanaig lang `yung sobrang galit ko sa kanya." Ani Abigail sa pagitan nang paghikbi.
"Kaya ngayon, hayaan mo lang ang sarili mong umiyak. Ilabas mo na lahat iyan. Lahat ng hinanakit mo sa kanya. Kung nami-miss mo siya at ang mga alaala n'yo, let your heart feel it. Huwag mong pigilan ang sarili mo."
"Pakiramdam ko mamamatay ako sa sakit. Okay lang ba kung mamatay ako bigla?" Inosente niyang tanong dito nang mag-angat siya ng mukha.
Ngumiti nang matamis si David sa kanya. "Hindi ka mamamatay. I'll be here beside you. I'll make sure na hindi ka mamamatay." He gently pinched her chin.
Idinikit ni Abigail ang mukha sa matigas nitong dibdib. She felt secured while she's enclosed in those strong arms. While she's resting her face on his chest, she can hear his heartbeat that seemed like music to her ears. Nang may maalala na naman siya. Ganito rin si Francis sa kaya noon kapag umiiyak siya. Inaakap siya nito habang inaalo.
Impit na namang umiyak si Abigail dahil sa naalala. "Ayaw tumigil ng mga lecheng alaala sa pagsulputan. Kailan ba `to matatapos? Ang sakit-sakit na talaga…"
"I'm here. Hindi kita pababayaan."
"Sinabi niya rin sa'kin iyan noon pero nasa'n na siya ngayon? Hayun at may iba nang pinangangakuan." Mapakla niyang sabi saka suminghot.
"Hindi ako ang ex mo." Mariin nitong saad.
Kumalas si Abigail sa pagkakayakap ni David. Sinalubong niya ang mga mata nitong matamang nakatingin sa kanya. "Ba't mo ginagawa `to?"
"Gusto ko lang makatulong."
Tumawa si Abigail nang pagak. "Iyon lang ba talaga?"
Tila sandaling nawalan ng kombiksiyon si David sa sarili pagkatapos ay lumunok ito atsaka matapang na muling sinalubong ang kanyang mga mata. "Okay. I like you."
Kahit may hinala na si Abigail ay nagulat pa rin siya sa biglaang pag-amin ng lalaki ng nararamdaman nito tungkol sa kanya. Napakurap-kurap siya ng mga mata.
"Alam mong heartbroken ako."
"Right. And I intend to comfort you along the way hanggang sa tuluyan ka nang makapag-move-on sa kanya. Iyon ay kung hahayaan mo'kong gawin iyon…"
"Hindi ka ba natatakot maging rebound ko lang?"
"I'll make sure that that won't happen. We're both adults, Abigail. Alam na natin ang takbo ng mundo."
"Iyon na nga mismo. Alam mong malaki ang tsansang maging rebound ka lang sa puso ko. You know that I'm vulnerable at this moment. And yes, I might like the feeling—no, let me rephrase that. I actually like the feeling that I have someone to comfort me. Pero hindi nangangahulugan iyon na magagawa kitang mahalin. Maaaring masanay lang ako sa presensiya mo. Pero hindi aabot sa puntong mamahalin kita nang totoo sa loob ko. Kagaya ng pagmamahal na naramdaman ko sa kanya…"
"I don't want you to love me the way you loved him, because I am not him, Abigail." May diin nitong sabi. "And I'd make you love me the way you think you should, in time… Hindi naman natin kailangang magmadali eh. I simply said that I like you. Hindi pa naman pagmamahal `tong nararamdaman ko sa'yo, so you shouldn't worry too much about me. Ano'ng malay mo, ikaw pa pala ang maunang ma-in-love sa'kin, 'di ba?" Pabirong anito pero hindi tumawa si Abigail. Pero aaminin niyang gumaan lalo ang pakiramdam niya rito. He has his way of making things lighter kahit gaano pa kaseryoso at kabigat iyon.
"Basta, binalaan na kita. Huwag mo'kong masisi-sisi kung dumating ang panahon na nasasaktan ka na pala." Ani Abigail saka muling nilagyan ng alak ang kanyang baso.
"Kumain ka man lang ba bago ka nag-iinom ng alak diyan?" Tanong nito bago pa niya mahawakang muli ang baso para sana inumin iyon.
"Kumain na ako ng sandwich kanina bago ko pa hinarap `tong picture nila." Ipinakita niya ang cellphone kay David na may picture ni Francis at ng bago nitong girlfriend. Saglit lang nitong tiningnan iyon.
"Mag-a-alas-ocho na ng gabi, Abigail. You should eat dinner."
"Wala akong gana." Matabang niyang sabi.
"Malamang." Papilosopo nitong sagot. Natapunan tuloy ito nang masamang tingin ni Abigail. "Pero hindi ibig sabihin na wala kang gana ay hindi ka na lang kakain. Pagkatapos ay mag-iinom ka. Pangatlong bote mo na iyan, `ne. Kung hindi mo pa namamalayan. Tapos itsurang hindi ka pa naman sanay sa alak." Sermon nito sa kanya. Pagkatapos ay walang anu-anong tumawag ito ng waiter atsaka tinanong siya kung ano ang gusto niyang kainin. Nang magkibit-balikat siya ay pasta ang in-order nito para sa kanilang dalawa.
"Bakit pasta?" Wala sa loob na tanong ni Abigail.
"Hindi gano'n kataas ang carbohydrates ng pasta." Kibit-balikat na sagot nito.
"Binabantayan mo'ng diet mo?"
"More of mindful eating lang. Kumakain pa rin naman ako ng kung anu-ano once in a while."
"Sabagay, baka masibak ka sa trabaho mo kung tumaba ka. Alagaan mo ngang mabuti `yang maganda mong katawan. Sayang naman kung mawawalan ka ng trabaho."
"So, nagagandahan ka sa katawan ko?" He playfully asked.
Ngayon lang napagtanto ni Abigail na pinuri nga pala niya ito. Nag-init tuloy ang kanyang mga pisngi sa pagkapahiya. Iniiwas niya ang tingin dito. "C'mon, that should be a given fact, right? Gym instructor ka kaya natural na maganda ang katawan mo."
Bahagya itong tumawa. "That's a good start."
"Ano'ng ibig mong sabihin?" Naguguluhang baling ulit ni Abigail kay David.
"Na hindi lang ang pagko-comfort ko sa'yo ang nagustuhan mo sa'kin. That you're also attracted to me."
"Physically, yes." Pagtatama ni Abigail sa iniisip nito.
"Sa'n ba kadalasang nagsisimula ang pagkakagusto ng isang tao sa iba? Hindi ba't sa pisikal naman talaga?" Kumpiyansang sabi nito.
"But that's too shallow."
"At sino'ng may sabing hanggang doon na lang natin gugustuhin ang isa't-isa? We have lots of time to get to know each other, Abby. For now, let's focus on your heartbreak so you can move-on and be free from your memories of him. That way, magawa mo nang buksan ulit ang puso mo at baka magkaro'n na ako ng tsansang makapasok."
"Lakas din ng fighting spirit mo eh, `no?"
He gave her a sheepish smile. And Abigail realized that she was no longer crying. David gave her heart a time to rest. At totoo sa puso ni Abigail ang nararamdamang malaking pasasalamat para sa lalaking ito na hulog yata ng langit sa kanya nang mga panahong iyon.
She was already feeling hopeless and worthless, but he came and rescued her from feeling miserable. He didn't promise to love her but he said that he'd be there for her. At sapat na sapat na iyon para magkaroon ng lakas ng loob si Abigail na harapin ang sakit na dulot ng nakaraan. It's enough for her to know that there'd still be sunshine after the rain…
Step Number Four: Let someone help you.
Minsan mas masarap sa pakiramdam kapag ang someone na iyon ay isang complete stranger. Siguruhin mo lang na hindi ka mapapahamak. At 'wag makasarili, siguruhin ding 'wag kang makapanakit sa kanya.
'In David's case, sabi nga niya ay pareho naman kaming adults. Alam na raw namin ang takbo ng mundo. Eh 'di tanggapin ang tulong na inaalok. Because truth be told? I badly need it anyway.'