Wala nang nagawa si Richard kundi ang sundan na lamang ng tingin ang palayong si Alex. Saka pa lamang naproseso ng utak niya ang sinabi nitong dahilan ng bigla nitong pag-alis. Isang kapitbahay daw ang nakita nito. Ganoon ba kalapit ang kapitbahay na ito sa kanilang pamilya na maaari nitong mabanggit sa mga parents niya ang tungkol sa pagkikita nilang dalawa?
Napalingon tuloy siya sa may likuran niya. Hindi naman niya kilala ang sinabi nitong kapitbahay, pero ang babaeng palapit sa kanyang kinatatayuan ngayon ay kilalang-kilala niya.
"Richard!" anito sabay tapik sa braso niya.
"Hey! Margareth!" ganting bati niya sa pinsang si Garee. Taliwas ang super feminine na pangalan nito sa ayos nitong loose shirt and baggy pants with snickers and backpack. Kaiba talaga ito sa mga kaedaran nitong babae.
"Siya nga pala, si Joshua, friend ko," pakilala ni Garee sa lalaking katabi nito.
"Friend? As in boyfriend?" Kinamayan ito ni Richard.
"I'm not gay," ani Joshua.
Natawa si Richard sa sinabi nito. "Kasi naman, Pinsan," aniya kay Garee. "Isuot mo kaya iyong mga regalong damit sa iyo ni Tita Badette? Napagkakamalan ka tuloy lalaki sa ayos mo."
"Mas malaki pa nga ang muscle niyan kaysa sa akin, eh," ang sabi pa ni Joshua.
"Tigilan n'yo nga ako," saway naman ni Garee sa kanilang dalawa. Tsaka niya siniko si Richard. "Mag-isa ka lang?"
"Ahm..." Napatingin si Richard sa inuupuan kanina ni Alex. "I'm with someone, pero may emergency lang so she has to leave immediately."
"Uy, babae ba?" tudyo sa kanya ni Garee. "One month ka pa lang dito sa Tarlac may nililigawan ka na."
Bago makasagot ay biglang tumunog ang black iPhone 5S ni Richard. Isang Facebook Messenger notification iyon, mula kay Alex.
𝙎𝙤𝙧𝙧𝙮 𝙞𝙛 𝙄 𝙝𝙖𝙫𝙚 𝙩𝙤 𝙡𝙚𝙖𝙫𝙚 𝙞𝙢𝙢𝙚𝙙𝙞𝙖𝙩𝙚𝙡𝙮. 𝙅𝙤𝙨𝙝𝙪𝙖 𝙄𝙜𝙣𝙖𝙘𝙞𝙤 𝙞𝙨 𝙤𝙪𝙧 𝙣𝙚𝙞𝙜𝙝𝙗𝙤𝙧. 𝘼𝙣𝙖𝙠 𝙥𝙖 𝙨𝙞𝙮𝙖 𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙧𝙩𝙣𝙚𝙧 𝙣𝙞𝙣𝙖 𝘿𝙖𝙙𝙙𝙮 𝙨𝙖 𝙈𝙋𝘾𝙁. 𝘽𝙖𝙠𝙖 𝙢𝙖𝙗𝙖𝙣𝙜𝙜𝙞𝙩 𝙣𝙞𝙩𝙤 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙣𝙞𝙡𝙖 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙠𝙞𝙩𝙖 𝙣𝙞𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜𝙠𝙖𝙨𝙖𝙢𝙖 𝙩𝙖𝙮𝙤. 𝙎𝙤𝙧𝙧𝙮 𝙩𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖.
Napatingin si Richard sa dalawa. "Ahm, I have to go. May pasok na pala ako."
"O sige," ani Garee.
"See you around na lang," paalam ni Richard bago niya kinuha ang kanyang mga gamit at lumabas na ng cafeteria. Nireplayan niya iyong message ni Alex sa kanya kanina.
𝙎𝙖𝙖𝙣 𝙠𝙖?
Pag-angat niya ng tingin ay nasa harapan na niya si Alex.
"Sorry, ha?" anito.
"Okay lang. Buti kaagad mo siyang nakita."
"Oo nga."
Lumakad sila papunta sa pinakamalapit na student lounge at naupo roon.
"Iyong kasama ni Joshua Ignacio, pinsan ko. Si Margareth Gonzalez.
"Pinsan mo si Garee?"
Tumango si Richard. "Kilala mo siya?"
"Oo. Lahat naman yata ng mga nakatira sa Moonville magkakakilala."
"Iyong Mommy niya, kapatid ni Daddy."
Saglit silang natahimik.
"So, saan mo gustong pumunta?" tanong ni Alex sa kanya.
"Wherever you like. Ano ba yung favorite place mo dito sa CPRU?"
"Bukod sa canteen?"
Napangiti si Richard. "Oo. Bukod sa canteen."
Napangiti rin si Alex. "Sa library."
Magkasabay silang nagtungo sa library. Habang naglalakad ay panay ang kwento ni Alex tungkol sa library nila.
"Actually, katatapos lang ng construction ng bagong library. Yung mga huling buwan nga last year eh sinarado yung old library dahil naglipat sila ng books. Tsaka nagdagdag na rin sila ng mga bagong libro."
"What happened to the old library?" Richard asked.
"Hayun, old na," pabirong sagot ni Alex. "But seriously, it was really old. It was 40 years old already. Tapos iyong mga estudyante madalang na lang pumunta doon. Alam mo yung mga lumang library na medyo nakakatakot na ang ambience? Ganoon siya."
"I guess, mas gusto na ng mga estudyante na mag-Google na lang kaysa magbasa ng libro."
"Iyon pa. Kaya naisip ng Management ng CPRU na magpagawa ng isang modern and cool library. Iyong magiging interesado ang mga estudyante na tumambay doon at magbasa. So they purchased the lot adjacent to the university and constructed a library there. Halos more than a year din tumagal ang construction. Pero worth it naman."
"Eh iyong lumang library ninyo?"
"Papagawan daw ng soccer field. Para sa mga elementary students. Nakikilaro lang kasi sila sa open field ng mga high school eh. Hindi tuloy sila masyadong nakakalaro."
Nakarating din naman sila kaagad sa nasabing library. Buong pagmamalaking ipinrisinta iyon ni Alex sa kanya.
"Welcome to the new CPRU library!"
Napatingin si Richard sa gusaling nasa harapan. Apat na palapag iyon at ceiling to floor ang mga glass window. Mukha ngang moderno na ang tema ng bagong silid-aklatan.
"Halika na."
Pumasok na sila ni Alex sa loob ng gusali.
"Sa third and fourth floor yung para sa higher education. Ang first floor, para sa pre-schoolers at elementary students."
Nilibot muna ni Alex si Richard sa ibang mga palapag, dahil na rin sa madadaanan nila ito paakyat ng third floor. Modern ang buong theme ng libray. Sa mga basic ed ay fantasy forest ang theme at sa secondary education naman ay parang hybrid ng library at computer shop.
"Alam mo naman ang mga kabataan ngayon, mahilig sa computers. Panghatak nila iyan para mas marami ang pumasok na students dito. Iyong mga libro diyan, iyong talagang kailangan lang at mahirap hanapin," paliwanag ni Alex.
And then, tumuloy na sila sa third floor. Di tulad sa second floor, mangilan-ngilan lang ang mga computers sa floor na ito. Marami ang mga booksheleves at maluwang din ang reading area.
"And here is our destination," ani Alex.
"Nice! Parang ang sarap magbasa dito."
"Well, totoo iyan." Umupo ito sa may reading area.
Sinundan ito ni Richard at tinabihan. "So, this is where we are staying?"
"Ayaw mo ba? I really love books kasi, eh."
"Not really. Kaya lang, baka mangyari na naman iyong nangyari kanina sa canteen. Bigla ka na namang aalis at iiwan ako."
"Well, I guarantee you that Joshua Ignacio doesn't go in this place."
Napangiti si Richard. "You're sure of that, ha?"
"Of course. Niligawan kasi ako non. Naikwento niya noon na hindi siya mahilig magbasa."
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Richard. "Naging kayo ba?"
"Mga bata pa kami kaya binasted ko siya kaagad. Pero kahit na pwede na akong mag-boyfriend, hindi ko pa rin siya sasagutin. Hindi ko siya gusto, eh."
"Ngayon ba, pwede ka nang mag-boyfriend?"
Napatingin si Alex kay Richard. Nagtama ang kanilang mga mata at parang nagkakaintindihan sila by just looking at each other's eyes.
Napangiti si Alex. "Depende sa manliligaw."
And from that moment, Richard knew that he has a chance.