Chereads / Moonville Series 1: Secret Lovers / Chapter 18 - That. Kiss

Chapter 18 - That. Kiss

Marami ring mga estudyanteng nasa library nang magpunta doon sina Angel at Bryan. Ganoon pa man, kaagad pa ring namataan ni Angel si Alex. Itinuro niya ito kay Bryan at saka sila nagtago sa isang bookshelf kung saan nila iyon lihim na mamamatyagan. At dahil nga sa tahimik ang buong library, bulungan sina Angel at Bryan habang nag-uusap.

"She's alone," bulong in Angel.

"Baka naman mag-isa lang talaga siya?"

Saka lang naramdaman ni Angel na nasa likuran pala niya si Bryan. At dahil hindi sila pwedeng mag-usap sa normal na boses, sobrang lapit nito sa kanya. Para tuloy silang magkasintahan na magkayakap tulad nung mga napapanood niya sa mga pelikula.

At dahil matangkad si Bryan sa kanya, yumuyuko at inilalapit pa nito ang bibig sa taynga niya kapag kinakausap siya nito.

"Wala naman si Richard, eh," ang sabi pa ni Bryan.

Lalo tuloy nailang si Angel. Hindi naman siya makapagreklamo dahil baka anong isipin ni Bryan. Baka tuksuhin pa siya nito na imbes na mag-concentrate sa pakay nila ay kung anu-anong maduming bagay ang pumapasok sa isip niya.

"Tignan mo, oh. Mukhang nag-aaral lang talaga ang kapatid mo."

"Should we leave her now?"

"I guess so."

Wala nga sigurong relasyon sina Alex at Richard. Gawa-gawa lang siguro talaga iyon ni Gina. Pero bakit maging kay Bryan ay iyon din ang sinabi nito? Imposible kasing pagsinungalingan din nito si Bryan lalo na at boyfriend niya ito. Biglang nainis si Angel dahil sa naisip.

Nang biglang lumabas si Richard mula sa isang bahagi ng library na natatakpan ng mga nagtataasang bookshelf.

"Wait, there he is," bulong ulit ni Bryan.

Lumapit si Richard kay Alex at saka umupo sa tabi nito. Hindi naman siya pinansin ni Alex. Nagsimula nang buksan at basahin ni Richard ang kinuha niyang libro.

"Para namang hindi sila magkasama," ani Bryan. "Hindi nga sila nag-uusap."

Pero minali si Bryan ng sumunod na nangyari. Kinausap ni Alex si Richard. May pinakita ito sa kinokopya nitong libro. Lumapit si Richard kay Alex at nakibasa sa libro. Pagkatapos ay kinausap niya ito. Wari'y tinuturuan siya nito ng kung ano. Hindi naman naririnig nina Angel at Bryan ang pinag-uusapan nila dahil na rin sa malayo sila sa mga ito.

"Eh mukhang wala naman silang ginagawang masama. Nagpapaturo lang naman ang kapatid mo kay Richard."

"Isn't Richard too close to Alex?"

Hindi nakasagot si Bryan. Medyo iba na rin kasi ang tingin nito sa paglalapit at pagtitinginan ng dalawa. At nakumpirma nga ng mga sumunod na nangyari ang hinala niya. Lambingan overload na ang sunod na nasaksihan nila ni Angel.

"I think they really like each other," bulong niya kay Angel habang ang mga mata ay nasa dalawang subjects pa rin.

"Hindi nga ako nagkamali."

"Richard seems to like your sister. Really like her. A lot." Base iyon sa kung paano tignan ni Richard si Alex. Lalaki din siya kaya alam niya ang bagay na iyon.

"Mukhang ganoon din si Alex." Hindi pa nga siguro siya nagkaka-boyfriend, pero alam naman ni Angel kung paano kumilos ang isang babae kapag gusto niya ang lalaking kasama. Bigla siyang nakadama ng lungkot dahil sa natuklasan niya.

So, ito pala ang lihim na hindi masabi-sabi sa kanya ni Alex. Bakit ba hindi niya iyon masabi sa kanya? Ang alam niya, mag-bestfriend silang dalawa. Pero bakit ang napakaimportanteng bagay na iyon, hindi nito masabi sa kanya?

Bukod pa doon, may isa pang nagpalungkot kay Angel. Bakit si Richard pa? Hindi niya naiwasang malungkot para sa kapatid. Sa dinami-dami ng mga lalaking pwede nitong magustuhan, kay Richard Quinto pa bumigay ang puso nito. Sa tao pang hindi nito pwedeng magustuhan at mahalin. Hindi niya maiwasang maawa sa kapatid.

"Sila na kayang dalawa?"

Hindi na nasagot pa ni Bryan ang tanong ni Angel. Hindi nga yata nito iyon narinig, dahil sobrang hina ng pagkakasabi niya doon. Isa pa'y biglang tumayo si Richard para yata kumuha ulit ng libro.

"Parang papunta siya sa direksiyo natin," ani Bryan.

"Shucks!" Papunta nga si Richard sa direksiyon nila. Napaharap siya kay Bryan. "Ano'ng gagawin natin?"

Hindi makasagot si Bryan. Mukhang nataranta na rin ito dahil sa patuloy na paglapit ni Richard sa kanila. Wala na rin kasi silang lalabasan dahil pader na ang nasa dulo ng bookshelf na pinagtataguan nila.

Ngunit parang may iba pa sa reaksiyon ni Bryan. Parang may ibang dahilan kung bakit hindi ito makapag-isip ng maayos.

"Malapit na ba siya? We have to go!"

"Malapit na siya. Makikita niya tayo kung bigla tayong lalabas dito sa kinalalagyan natin," sagot ni Bryan.

"Eh ano pala ang gagawin natin?"

Hindi pa rin makasagot si Bryan.

"Bryan, we should do something. Or else, makikita niya tayo dito at malalaman niyang minamanmanan natin sila ni-"

Hindi na natapos pa ni Angel ang kanyang sasabihin. Hindi na rin siya nakapagsalita pa pagkatapos noon. Hindi lang dahil sa nabigla siya sa sunod na ginawa ni Bryan. Hindi talaga siya makakapagsalita dahil sakop na ng mga labi nito ang kanyang bibig.

Nagulat siya sa nangyari. Hindi siya nakagalaw. Hindi niya malaman kung ano ang iisipin, o kung ano ang mararamdaman. Parang biglang tumigil ang oras, at biglang nawala ang lahat ng nasa paligid niya. Silang dalawa lang ni Bryan ang nandoon, at sa kanilang dalawa lang nakatuon ang atensiyon niya.

It was just a smack kiss. Idinikit lamang ni Bryan ang mga labi nito sa kanya. Maybe he did it to stop her talking. That's what they usually do in the movies. Or maybe, he just wanted to kiss her. And it made her wonder why. Why would he want to kiss her? What made him feel that way? Was it because they were too close, the moment felt right, the feeling was so strong?

Before she could think more, and before she could start feeling something because of the kiss, Bryan ended it and pulled back. Hindi yata ito nakahinga ng maayos kaya hinihingal ito. Maging siya ay hindi rin nakahinga ng maayos dahil na rin sa pagkabigla. But before she could breathe normally again, he already pulled her arm and dragged her downstairs.

Binitiwan lamang siya nito nang makababa na sila sa second floor. At parang pagod na pagod itong yumuko at itinukod ang mga kamay sa tuhod nito. Para itong isang atleta na katatapos lang lumahok sa isang marathon race. Nakatalikod ito sa kanya pero alam niyang hinihingal pa rin ito.

At noon lang na-realize ni Angel kung ano ang nangyari. Hinalikan siya nito. Sa loob ng library. Ng mga ilang segundo. Sa loob ng library. Hinalikan siya nito.

Bigla ang dagsa ng emosyon kay Angel. No! Hindi maaari iyon. Hindi pwedeng mangyari iyon. Pero nangyari na. And it was nothing like how she imagined it to be. It was not as special as she thought it would be. 𝘔𝘺 𝘧𝘪𝘳𝘴𝘵 𝘬𝘪𝘴𝘴... Sinira ni Bryan de Vera ang pangarap niyang perfect first kiss moment!

"You kissed me!" she whispered.

Nasa second floor sila noon, sa library naman ng mga high school students. Kaya pabulong pa rin silang mag-usap. Pero kahit bulong lang ang tanong ni Angel ay may diin pa rin ito.

Napaharap sa kanya si Bryan. Halata ang pagkataranta sa mukha nito. Hindi rin ito kaagad nakasagot.

"Why did you kiss me?"

Pabulong ding nagsalita si Bryan. "I-I have to! Makikita na tayo ni Richard so I had to make a move! I mean, hindi niya tayo pwedeng makita. Doon mismo sa katabing shelf siya nagpunta, sa may likuran-"

"You didn't have to kiss me!" Nang-uusig pa rin ang tono nito.

"Wala na akong maisip na paraan. Kailangan kong maitago ang mga mukha natin para hindi niya tayo makita. Tsaka naisip ko, maiilang siyang tumingin kapag nakita niya tayong naghahalikan..."

Nagsimula nang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Para namang biglang nakonsensiya si Bryan.

"I-I'm sorry... Hin-di ko naman sinasadya. Wala lang akong ibang maisip-"

"You didn't have to kiss me!" Tuluyan na siyang napaiyak. Sira na ang pangarap niya na isang perpektong first kiss moment. And it was because of this guy Bryan de Vera.

"I-I... I'm sorry..."

Umiiyak na nag-walk out si Angel. Naiinis siya hindi lamang kay Bryan, kundi maging sa sarili niya. Naiinis siya sa sarili dahil hinayaan niyang mangyari ang nangyari kanina. Ni wala man lang siyang nagawa para hindi ito tuluyang mangyari, o kaya naman, para kaagad itong matapos at hindi na magtagal ang halik na iyon na parang hindi na rin ito nangyari. Wala namang ginawa si Bryan. Idinikit lamang nito ang mga labi nito sa mga labi niya. Kahit na anong oras ay pwede niya itong itulak palayo. Pero hinayaan niya lang na mangyari ang lahat.

𝘕𝘢𝘨𝘶𝘭𝘢𝘵 𝘢𝘬𝘰, pagtatanggol niya sa sarili. Pero ganoon ba siya katagal magulat para hindi makagawa ng agarang aksyon? Ilang sandali rin nagtagal ang halik na iyon. Kung nagulat man siya sa unang pagdampi ng mga labi ni Bryan, pwedeng-pwede sana siyang kumawala doon. Pero wala siyang nagawa.

Malamang na iisipin ng iba na masyado siyang OA. Para halik lang, nagkakaganoon na siya? Para namang napakalaking trahedya ng nangyari sa kanya.

𝘉𝘶𝘵 𝘪𝘵 𝘸𝘢𝘴 𝘮𝘺 𝘧𝘪𝘳𝘴𝘵 𝘬𝘪𝘴𝘴!

Isa siya sa mga self-confessed hopeless romantic sa mundo. Isa siya sa mga naghahangad ng isang perfect moment para sa first kiss niya. At ngayon ay hindi na mangyayari iyon. At ang masama pa nito, hindi niya ito pwedeng isiwalat at iiyak sa ibang tao, kahit kay Alex pa. Isa iyon sa nagpapadagdag ng bigat ng kalooban niya.

Hindi niya alam kung saan na siya pupunta. Basta lumuluha siyang bumaba sa first floor. Muntikan pa siyang mahulog sa hagdan dahil sa pagmamadali. Mabuti na lang at nakahawak siya sa railing ng hagdanan.

Pero ang pababang driveway sa labas ng library ay hindi niya natantiya at naiwasan. Hindi niya na-anticipate ang ilang pulgada ring taas ng sidewalk. Kaya pagtapak nito sa daan ay natapilok ang paa niya.

Bumagsak siya sa sahig. Her butt hurt. But it was nothing compared to the pain of losing that perfect first kiss moment and the realization of what Alex did. Napaupo na lamang siya sa may sidewalk at doon humagulgol.

Bahagya siyang natigilan nang makita ang dark blue na panyo sa kanyang harapan. Napatingin siya sa nagbigay, and she saw Bryan na parang hiyang-hiya at hindi makatingin sa kanya.

"I'm really sorry," anito sabay lapit ng panyo sa mukha niya.

Tinanggap iyon ni Angel at saka nagpunas ng luha. At dahil sa sama ng loob sa pagkasira ng pangarap niyang perfect first kiss moment, siningahan niya ang panyo.

"Right," ani Bryan. "It's fine. You can do that."

"You stole a kiss from me." Puno ng hinanakit ang sinabi niyang iyon.

"It was just a smack. It was not even a real-" Napatingin si Bryan sa kanya. "Wait! Don't tell me you're acting like that because it was your..."

Napaiwas siya ng tingin kay Bryan. O sige na, na-decipher na nito ang pinagpuputok ng butse niya. Pero masisisi ba siya nito? Pangarap niya ang bagay na iyon simula noong magsimula siyang kiligin at maniwala sa true love and happy ever after.

"I'm really sorry... " muli'y wika ni Bryan. "But, like what I've said, it was not a real kiss. Alam mo iyon? Pwede mo iyong i-disregard lang kapag dumating na talaga iyong first real kiss mo."

"Hayaan mo na," aniya. Gusto na niyang matigil ang usapan tungkol sa first kiss niya dahil medyo nahihiya na siya.

"Okay... So, ano nang balak mo kay Alex?"

Muli niyang pinunasan ang mga luha sa malinis na parte ng panyo. "This has to stop. Baka mamaya, mapahamak pa si Alex dahil sa ginagawa niyang iyan."

"Anong gagawin mo?"

"Kakausapin ko siya," sagot ni Angel. Kinuha niya ang cellphone at saka idinial ang number ni Alex.

Kaagad naman nitong sinagot ang tawag niya. "Hello, Ate?"

"Nandito ako sa labas ng library. Hihintayin kita dito."

Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito. Ibinaba na niya ang telepono at muling inilagay sa loob ng bag niya.

"You can leave me," aniya kay Bryan. "Salamat sa tulong. Tsaka sa panyo. Ibabalik ko na lang sa'yo kapag nalabhan ko na."

"It's okay," ani Bryan. "Itago mo na lang. Para naman may remembrance ka sa akin. Tsaka, I can stay here with you."

Napatingin siya dito.

"I mean, pwede kitang samahan sa pakikipag-usap mo kay Alex. Alam ko naman na hindi madali ang mangyayaring komprontasyon. I could be with you. Bilang suporta."

Sincere naman si Bryan sa sinabi nito. At ramdam ni Angel na maaasahan niya ito sa mga oras na iyon. At ramdam niyang kailangan niya nga ng kasama sa paghihintay kay Alex, at suporta sa pag-confront dito mamaya.

"But, if you want me to go-"

"You can stay."

Nagulat si Bryan sa sinabi niya. Pero kaagad din naman itong nakabawi. "Okay. I'll stay."

Tinabihan ni Bryan si Angel sa pagkakaupo nito sa may sidewalk. Magkatabi nilang hinintay ang paglabas ni Alex. Madilim na noon ang langit at wala nang gaanong estudyante sa CPRU. Wari'y nakikisama talaga sa nararamdaman ni Angel ang pagkakataon.

♥︎♥︎♥︎ 𝘈 𝘬𝘪𝘴𝘴 𝘪𝘴 𝘢 𝘭𝘰𝘷𝘦𝘭𝘺 𝘵𝘳𝘪𝘤𝘬 𝘥𝘦𝘴𝘪𝘨𝘯𝘦𝘥 𝘣𝘺 𝘯𝘢𝘵𝘶𝘳𝘦 𝘵𝘰 𝘴𝘵𝘰𝘱 𝘴𝘱𝘦𝘦𝘤𝘩 𝘸𝘩𝘦𝘯 𝘸𝘰𝘳𝘥𝘴 𝘣𝘦𝘤𝘰𝘮𝘦 𝘴𝘶𝘱𝘦𝘳 𝘧𝘭𝘶𝘰𝘶𝘴. ♥︎♥︎♥︎