Chereads / Moonville Series 1: Secret Lovers / Chapter 20 - All is Well

Chapter 20 - All is Well

Magkakasabay nang pumunta sa may parking lot ang apat. Inaalalayan ni Alex si Angel habang nakasunod naman sa kanila sina Bryan at Richard. Ang dalawang lalaki din ang may bitbit ng mga gamit nila.

"Ako na lang ang magda-drive, Ate," ani Alex.

"Sige," sang-ayon naman ni Angel.

"Kung pwede lang sana namin kayong isabay na pauwi," ang sabi naman ni Richard.

"Someday," ani Alex, "we might be able to do that."

"Ayaw mo bang magpatingin muna sa ospital?" tanong naman ni Bryan kay Angel.

"Okay lang ako," ang sabi naman ni Angel. "Muscle pain lang ito."

"Basta kapag may naramdaman kang kakaiba, magpatingin ka na kaagad," ani Bryan.

Una nilang narating ang kotse ni Richard.

"Can I talk to Alex first?" tanong nito kay Angel.

"Sure. Just make it quick," ang sabi naman ni Angel.

Si Bryan na ang umalalay kay Angel. Naiwan sina Richard at Alex sa may kotse ng lalaki.

"I'm glad na nagkaayos na kayo ng ate mo," ani Richard.

"Salamat sa lahat."

Richard held her hand. "Thank you for not giving up on me."

Nginitian lamang siya ni Alex.

"I promise that I won't give up, too," ani Richard. "I will do everything para maayos ito. Even if I have to face your parents and take their anger."

"Sana'y huwag nang umabot pa doon. Sana ay maayos na ito kaagad."

Tumango si Richard. "Let's hope and pray for that."

They both looked at their hands. Mahigpit na magkahawak ang mga iyon. Parang ayaw nilang bitiwan ang isa't isa. Kalakip ng mahigpit na hawak na iyon ang pangako ng pag-asa at ng espesyal na damdamin para sa isa't isa.

๐Ÿ’Ÿ๐Ÿ’Ÿ๐Ÿ’Ÿ

Nakaakbay si Bryan kay Angel habang naglalakad sa parking lot. Binitiwan lamang niya ito nang makarating na sila sa kotse ni Angel.

"Salamat," ani Angel kay Bryan.

"Wala iyon. One is glad to be of service."

Napangiti si Angel. "Bicentennial Man?"

"My dad's favorite," ani Bryan. "Paulit-ulit niyang pinapanood iyon. Hindi siya nagsasawa."

"Parang Titanic lang ni Mommy," ang sabi naman ni Angel. "Tingin ko nga kung hindi lang mahal ni Daddy si Mommy hindi iyon magtityagang samahan siyang panoorin ng paulit-ulit ang Titanic."

"Actually, ganoon din si Mommy."

Nagkatawanan ang dalawa.

"What will you tell your parents?" tanong ni Bryan pagkatapos.

"Na nadulas ako and napaiyak because of humility."

"Do you think they will believe that?"

"Wala na akong maisip pang dahilan para ipaliwanag ang pamumugto ng mga mata ko," sagot ni Angel.

"Are you sure you'll be okay?"

"Oo."

Bryan looked at her intently. Hindi niya malaman pero she suddenly felt the warmth of his gaze. She felt he wanted to hold her, embrace her to console her, to make sure that everything will be alright.

And she felt awkward. "Ahm... Sa kotse ko na lang hihintayin si Alex."

She opened the door and tried to get inside her car. Sumakit nga lang bigla ang paa at binti niya kaya medyo nahirapan siya. Kaagad naman siyang tinulungan ni Bryan, bagay na biglang nagpabilis ng tibok ng puso niya. Hindi na nga lang siya makatanggi dahil na rin sa hindi siya makapagsalita.

Nagawa siyang maiupo ni Bryan ng maayos sa may passenger seat ng kanyang kotse. "Okay ka na?"

Tumango na lamang siya.

"Kung sumakit ang likod mo or you feel something's wrong, patingin ka na sa doktor, ha?" paalala pa nito.

Muli'y tumango lamang si Angel. Siya namang pagdating ni Alex.

"Salamat, Bryan," ani Alex dito.

"No problem. Sige, maiwan ko na kayo. Drive safely, Alex, ha?" bilin pa nito.

"Yes Boss," pabirong sagot ni Alex.

"Nakasunod lang ako sa inyo," ang sabi pa nito.

"That makes two of you and Richard," ani Alex.

Ngumiti si Bryan. "Bye!" Kumaway pa ito bago tuluyang iniwan ang dalawa.

"Bryan's so nice, ano?" ani Alex habang ini-start ang engine ng kotse.

"Yeah..."

Sinundan na lamang ng tingin ni Angel ang palayong lalaki. Bryan is so nice, really very nice. At mukhang hindi siya nakaligtas sa mahika ng pagiging nice ni Bryan de Vera. Mukhang unti-unti na niyang nagugustuhan ang pagiging 'nice' nito.

๐Ÿ’Ÿ๐Ÿ’Ÿ๐Ÿ’Ÿ

Back to normal na nga ulit ang lahat. Bati na ulit sina Angel at Alex. Nang gabing magka-komprontahan ay natulog sila ng magkasama sa kwarto ni Angel. At balik na rin sa dati ang pag-uusap at huntahan nilang dalawa. Kaya nagbalik na rin ang masayahing disposisyon ni Alex.

Muli'y mag-isa na namang kumakain si Angel sa canteen. Nang mga nakaraang araw, nalulungkot siya na mag-isang kumain dahil naiisip niya iyong pinagdadaanan nilang magkapatid. Ngunit ngayong nagkaayos na sila ay okay na ulit kahit na mag-isa na naman siyang kumakain sa cafeteria.

Marami namang paraan para libangin niya ang sarili. May cellphone naman, laptop. Pwede siyang mag-surf sa internet, mag-browse sa kanyang Facebook account, o kaya ay maglaro sa mga games sa cellphone o laptop niya. Pwede rin naman siyang magbasa ng eBook, o kaya naman ay ng totoong libro. Wala siyang pakialam kung sino man ang makakita sa kanya, o kung sino man ang tumingin. Basta kakainin niya ang lunch niya at gagawin ang gusto niyang gawin habang kumakain.

Kagaya na lamang ngayon. Habang ine-enjoy ang kanyang paboritong pimiento pasta with roasted brocolli ng Roberto's ay nagbabasa siya ng eBook version ng He's Just Not That Into You by Greg Behrendt and Liz Tuccillo. Engrossed na engrossed siya sa pagkain at pagbabasa kaya hindi niya namalayan ang pagdating ni Bryan sa harapan niya. Ilang segundo na ngang nakatayo si Bryan sa harapan niya ay deadma pa rin si Angel.

Napangiti si Bryan. Nang hindi pa rin siya pansinin ni Angel ay umupo na ito sa may tapat niya. Tsaka nito inilapag sa mesa ang dala nitong tray na naglalaman ng lunch nito for today, which is creamy cheese pimiento pasta from Roberto's din, pati na ang katerno nitong mango juice. Inilipat nito sa mesa ang mga pagkain at saka itinabi ang food tray.

Kung hindi pa uminom ng Coke Zero in can si Angel ay hindi pa niya ito makikita. Nang tignan niya ito ay nginitian siya ni Bryan. Sa sobrang pagkagulat ay nasamid si Angel. Naubo tuloy siya dahil doon.

"O, dahan-dahan lang kasi." Iniabot ni Bryan dito ang panyo nito.

Tinanggap naman iyon ni Angel. "Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong niya nang makabawi na mula sa pagkakasamid.

"Sinasamahan kang kumain," walang-anumang sagot ni Bryan. Tsaka ito saglit na pumikit at nagdasal bago nagsimulang kumain.

Si Angel naman ay nakatulala lang dito.

"Ano'ng binili mo?" Tinignan ni Bryan ang pagkain nito. "Hmn! Pimiento pasta with roasted brocolli. Masarap iyan. The best ang recipรฉ ni Tito Roberto." Saka nito napansin na nakatitig lamang ito sa kanya. "O, bakit hindi ka pa kumakain?"

Napayuko si Angel. Ang totoo niyan, bigla na lang bumilis ang tibok ng puso niya. Ewan niya kung dahil ba iyon sa pagkakasamid niya kanina, o dahil sa bigla na lamang pagsulpot ni Bryan sa harapan niya. Either way, si Bryan pa rin ang dahilan dahil ang pagkakasamid niya kanina ay dahil sa pagkagulat niya sa biglang pagsulpot nito.

"Hindi ka siguro sanay kumain ng may kasama, ano?"

Muli siyang napatingin kay Bryan. Muli siya nitong nginitian. Pakiramdam ni Angel ay lalong bumilis ang tibok ng puso niya.

"Noon lagi kong iniisip kung bakit ba lagi kang mag-isang kumain ng lunch. Pati iyong mga kabarkada ko nagtataka din. Curious kaming lahat kung bakit wala kang kaibigan."

Nawala na ang kabang nararamdaman ni Angel. Nabalik na iyong fierceness and toughness ng kalooban niya. Dahil yata iyon sa sympathetic na tingin sa kanya ni Bryan. The last thing she wants kasi ay kaawaan siya ng ibang tao.

"Ganoon na ba ako sobrang nakakaawa?" Sinimulan niyang kumain ulit.

"Hindi naman. Actually, natatakot silang makipagkaibigan sa iyo. Ang sungit mo daw kasi,eh."

Lalong tumindi ang nararamdamang inis ni Angel. Alam niyang madalas siyang pagtsismisan ng mga tao dahil lagi siyang nag-iisa. At alam din niyang hindi minsan na natawag siyang masungit o mataray, dahil na rin sa katotohanang hindi siya gaanong nakikisalamuha sa mga kapwa niya estudyante.

"But now I know the reason why you're like that."

Muli siyang napatingin kay Bryan. This time, hindi na tumigas ang loob niya sa nakitang sympathy sa mga titig nito. She felt her heart warmed up at Bryan's sympathetic gaze.

"You don't want to make friends because you're afraid to lose them."

Nahihiyang napayuko na lamang si Angel. Itinuon na lamang niya ang pansin sa kinakaing pasta.

"And sadly, nobody had the guts to approach you and make friends with you."

"They don't want me to be their friend."

"They're just not brave enough," ani Bryan.

"Eh anong gusto mong gawin ko? Baguhin ko ang sarili ko para lang magkaroon ng kaibigan? Well, siguro nga ganoon ang dapat kong gawin."

"No, you don't," ang sabi naman ni Bryan. "Real friends should be able to accept you whatever you are. Gaya nga ng sabi ko, they should be brave enough to take the risk and enter your world."

"Well, I guess, my world is not worth their courage."

"It is."

Napatingin si Angel dito. Seryoso si Bryan na nakatitig sa kanya.

"It's all worth it. And I want to be brave enough to get inside your world."

And with his gaze, Bryan made sure to make her feel he meant every word he said. It's the kind of look that made her almost forget that he always mocks her and he always likes to tease her. But even so, it didn't seem to matter anymore. Bryan seems to have changed her views on him. Parang puro kabaitan na lamang ang kaya nitong ipakita sa kanya mula nang mga sandaling iyon.

Si Angel ang unang bumitaw. She looked down at her plate. "You would not want to be my friend."

"Bakit naman? Hindi ka naman siguro nangangain ng tao."

She looked at him.

"Pero kung ganoon nga... well, hindi ako masarap kaya huwag mo akong kakainin, ha?"

Napangiti siya sa biro nito. "I will not dare, Mr. Bryan de Vera."

"Buti naman." Saka na rin nagpatuloy sa pagkain si Bryan. "Mula ngayon, sasabayan na kitang mag-lunch lagi. Para hindi ka na nag-iisa. Tsaka bilang tulong ko na lang sa Richlex."

"Huh?" Napakunot ang noo ni Angel.

"Richlex. Richard and Alex. Di ba iyon ang uso ngayon? Iyong pinagsasama iyong pangalan ng mga love teams? Parang Kathniel, Jadine, Kimxie."

Natawa si Angel sa sinabi nito. "Mr. Bryan de Vera, I didn't know na showbiz ka pala?"

"Hindi ah!" tanggi ni Bryan. "Naririnig ko lang iyan sa mga katulong namin sa bahay. Pati na rin sa mga kaklase nating babae."

"Talaga lang, ha?" Angel smirked.

"Oo," ani Bryan. "Alam mo, pwede nga tayong maging love team, eh. Pwede tayong maging Brangelica. Parang Brangelina lang. O di ba? Pang-Hollywood ang level natin."

Muling natawa si Angel sa sinabi nito.

"I'm glad you like my jokes." Napangiti si Bryan.

"Ang corny, eh," biro ni Angel dito.

"Uy, hindi corny iyon!" Wari'y na-offend si Bryan. "Ikaw na nga itong sinasamahang mag-lunch."

"Hindi ko naman sinabing samahan mo ako, ah," biro na rin ni Angel. Hindi niya mapigilan ang malapad na ngiti.

"Ah ganoon?" Kunwa'y nagtatampo na si Bryan. "Ganyan pa ang isusukli mo sa akin? Pagkatapos kong maging mabait sa iyo. Iniwan ko ang mga kaibigan ko doon sa may kabilang ibayo ng cafeteria para lang samahan kita at hindi ka na mag-isa. Tapos ito pa ang igaganti mo sa akin."

Napatingin si Angel sa mga kaibigan ni Bryan. Nakatingin din ang mga ito sa kanilang dalawa.

"Oo nga pala. Anong sabi mo sa mga kabarkada mo? Siguradong nagtataka ang mga iyon na bigla kang humiwalay sa kanila at sa akin ka sumamang mag-lunch."

"Ang sabi ko sa kanila, gumagawa ako ng isang social experiment, at ikaw ang subject."

"At ginawa mo pa pala akong guinea pig," ani Angel.

"Hindi naman," balewalang-wika ni Bryan.

Nang biglang may naalala si Angel. "Paano nga pala iyong girlfriend mo?"

"Girlfriend?" kunot-noong tanong ni Bryan sa kanya.

"Oo. Baka magalit iyon kapag nakita ka niyang sinasamahan akong kumain."

Napaisip si Bryan. "Wala naman akong girlfriend, ah. May alam ka ba? I-chismis mo naman sa akin."

"Huwag mong sabihing hindi mo girlfriend si Gina?"

"Paano ko sasabihin eh ayaw mo ngang sabihin ko?" pilosopong sagot ni Bryan.

Nagulat si Angel sa narinig. "Pero kalat na sa buong BS na kayong dalawa na. Sa buong CPRU nga yata kalat na iyon."

"Hindi ko nga alam kung saan nanggaling ang issue na iyon. Bigla na lang inisip ng lahat na girlfriend ko na si Gina."

"Baka naman may nagkalat noon." Bigla tuloy na-curious si Angel. Napaisip tuloy siya kung paanong nagsimula ang chismis kay Bryan at Gina.

"Mukhang bothered ka, ha?" ani Bryan. "Huwag mong sabihing nagseselos ka? Ay, hindi pala. Sabihin mo kung nagseselos ka."

"Bakit naman ako magseselos?" Napaiwas ng tingin si Angel.

"Because you're one half of the love team Brangelica."

Natawa si Angel sa sagot ni Bryan. "Sineryoso ang love team?"

"Oo naman." Maging si Bryan ay natawa na rin sa sariling kalokohan. "Anyway, I know that you don't like Gina. But don't worry, hindi ko naman kayo pipiliting magkalapit at maayos kung ano man ang hindi ninyo pagkakaunawaang dalawa."

"Mabuti naman kung ganoon."

"So, pwede na ba akong laging makisabay sa iyong mag-lunch?"

Tinignan ni Angel si Bryan. Mukha namang seryoso ang hiling nito sa kanya. Isa pa, sino ba naman ang ayaw na may makasabay sa pagkain? Lalo na sa mataong cafeteria ng CPRU, kung saan hindi mo maiwasang mag-self pity kapag mag-isa ka lang kumakain dahil sa pakiramdam ng pagiging alone?

"O sige na nga."

"Well, thank you, Miss Martinez."

"Ako nga ang dapat magpasalamat," ani Angel. "Ang dami mo nang nagawa para sa akin."

"Para sa Richlex."

Napangiti si Angel.

"Why don't we make a toast to that?" ani Bryan. Tsaka nito kinuha ang baso nito. "To Richlex. Sana ay maayos na natin ang lahat ng problema para lumaya na ang pag-iibigan nilang dalawa."

Hinawakan na rin ni Angel ang kanyang Coke in can.

"Cheers!" ani Bryan sabay taas ng baso nito.

Idinikit naman ni Angel ang Coke niya sa baso nito at nag-toast silang dalawa. She knows they look stupid at marami din ang napatingin sa kanila. Pero it doesn't matter. For in that moment, she finally gained a friend again. After 14 years. Ganoon na pala katagal.

But it doesn't matter. What matters is my friend na ulit siya. Isang kakaibang kaligayahan ang nadama niya as she took a sip of her Coke in can.

โ™กโ™กโ™ก ๐“๐“ต๐“ต ๐”€๐“ฒ๐“ต๐“ต ๐“ซ๐“ฎ ๐”€๐“ฎ๐“ต๐“ต. โ™กโ™กโ™ก