Chapter 26 - Save Me

Wednesday morning nang tuluyang maramdaman ni Angel ang bigat ng kanyang sitwasyon. Feeling niya ay ang bigat ng katawan niya at wala siyang ganang bumangon sa kama. Wala rin siyang ganang naligo at nagbihis. Paglabas niya ng kwarto ay saktong lumabas din si Alex sa silid nito.

"Good morning, Ate."

Tinignan lamang ni Angel si Alex.

Para namang na-sense ni Alex ang masamang nararamdaman ng kapatid. "Okay ka lang ba? Kaya mo bang pumasok?"

"I can make it through. Don't worry," ani Angel. Saka na siya dumiretso sa may hagdan.

Sinundan na lamang siya ng nag-aalalang si Alex. Pagdating nila sa dining room ay nandoon nang naghihintay sina Benjie at Alice.

"Kanina pa namin kayo hinihintay," bungad ni Alice sa dalawa.

Humalik sa mga magulang si Alex sabay bati ng 'Good morning' sa mga ito. Atubili naman si Angel na batiin ang mga ito kaya hinalikan na lamang niya ang mga ito. She felt their bodies tensed as she kissed them on the cheeks. Pagkatapos ay umupo na siya sa kanyang pwesto.

Wala na ang masayang kwentuhan tuwing magkakasalo sila sa hapag-kainan. They have been like that since Sunday morning. Nung Sabado nga, the day of the confrontation, ay hindi na nakisabay ng pagkain ang mag-asawa sa kanilang magkapatid.

Maging si Alex ay hindi na rin nagsasalita at nagkukwento. Lagi niyang sinusulyapan at nginingitian si Angel, pero gaya nito ay malungkot din ang mga ngiti niya.

At dahil nga sa grounded silang dalawa, hatid-sundo sila ng kanilang driver sa utos na rin ng daddy nila. Usually kasi, ang parents niya ang pinagda-drive ng mga ito. Pero sa ngayon, sa kanila muna ito nakatoka. Kaya hindi rin sila makapag-usap na dalawa ni Alex tungkol sa mga nangyayari. Pakiramdam din kasi nila ay tagamasid ng daddy nila ang driver at tagabantay na rin nila.

Kasalukuyang inilalagay ni Angel sa locker niya ng mga librong mamayang hapon pa niya gagamitin nang bigla na lamang siyang puntahan ni Hannah.

"Angel!"

Gulat na napatingin siya dito.

"Nasaan na iyong survey?"

๐˜š๐˜ถ๐˜ณ๐˜ท๐˜ฆ๐˜บ? Napakunot ang noo ni Angel.

"Bakit wala pa iyong survey sa mga JPIA members? Wednesday na ngayon. Wala pa tayong nahahanap na Mr. and Ms. JPIA."

Oo nga pala. Naalala na ni Angel ang tinutukoy na survey ni Hannah. Hindi niya iyon nagawa dahil sa nangyari sa bahay nila. Bigla siyang nag-panic dahil sa pagka-ala-ala doon.

"Ano nang gagawin natin niyan? Ayoko nga sana iyong idea ng survey kasi kailangan pa nating maghintay ng isang linggo para malaman lang ang resulta. Pero dahil alam kong kaya mo, kaya mong humanap ng mga candidates para sa pageant, pinayagan na rin kita. Kaso, nasaan na? Wala pa iyong survey. Angel naman! Kaya nga ikaw ang in-assign ko diyan kasi alam ko maaasahan kita. Ang dami ko nang ginagawa, ang dami ko nang inaasikaso para sa Business Week. Hindi ko naman kayang tutukan kayong lahat."

Ewan niya kung dahil ba sa sama ng pakiramdam niya, o dahil sa ilang araw na siyang hindi masyadong nakakakain; sa hindi pagtulog ng maayos ng ilang gabi na ngayon, o dahil napahiya siya sa mga sinabi ni Hannah. Naramdaman na lamang ni Angel na nagsimula nang mamuo ang mga luha sa kanyang mga mata. At parang hindi na niya iyon mapipigilan pang umagos.

Ngunit bago mangyari iyon, naramdaman na lamang niya na may humawak sa balikat niya. Napalingon siya, and there was Bryan, smiling at her.

"Hi Hannah!" cool na cool na bati ni Bryan sa JPIA president na parang stressed na rin kaya hindi na napigilan pa ang sarili.

Natigil naman si Hannah sa pagna-nag niya kay Angel. "Bryan..."

"Ah, nasabi na ba ni Angel sa iyo?"

"Ang alin?"

"Na ako iyong nakuha niyang Mr. JPIA."

Gulat na napatingin si Angel kay Bryan.

"Ikaw?" Halatang nagulat si Hannah sa narinig.

"Oo. Bakit, hindi ba pwede? Gwapo naman ako, ah."

๐˜Ž๐˜ธ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ-๐˜จ๐˜ธ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ฐ... Napaiwas ng tingin si Angel.

"Oo nga, pero... hindi ko kasi ine-expect na sasali ka. Di ba noon inalok ka na nila na sumali sa Mr. Business School? Pero tumanggi ka."

"Well, it just happened that Angel convinced me."

Napatingin si Angel sa lalaki. ๐˜‰๐˜ณ๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ... Hindi siya makapaniwala. ๐˜ž๐˜ฉ๐˜บ? Bakit nito iyon ginagawa para sa kanya?

"Wow... Well, that's... that's great news. Siguradong malaki ang tyansa nating manalo dahil sa iyo. Angel, sino ang Miss JPIA natin?"

Nabalik kay Hannah ang tingin ni Angel. Muli ay hindi na naman niya alam ang sasabihin dito.

"Kino-convince pa niya," salo ulit ni Bryan.

"Right!" Finally ay nakapagsalita na rin si Angel. "Malapit ko na siyang ma-convince."

"Well, that's good. Mabuti na lang at kahit hindi nag-succeed iyong plano mong magpa-survey, nakahanap ka naman ng mga candidates. Good job."

Hindi alam ni Angel kung bakit bigla siyang sumaya sa sinabi nitong papuri. Siguro ay ganoon na siya ka-pathetic kaya kahit simpleng compliment ay parang ang saya-saya na niya.

"At dahil diyan, tatawagan ko na iyong magte-train sa inyo," ani Hannah kay Bryan. "Makikipag-coordinate na lang si Angel sa iyo kung kailan ang practice ng talent mo tsaka Q&A. Okay?"

"Sure," sagot naman ni Bryan.

Iniwan na sila ni Hannah na mukhang nasiyahan sa mga nangyari. Naiwan sina Angel at Bryan sa may locker ng mga estudyante.

Hindi makatingin si Angel kay Bryan. Nahihiya siya hindi lang dahil sa alam niyang narinig nitong napagalitan siya kanina. Nahihiya siya dahil doon sa nangyari noong isang araw sa may canteen.

"Buti na lang pumayag si Hannah."

Napatingin si Angel kay Bryan.

"Buti na lang talagang gwapo ako," Bryan said. And then he smirked.

And for the first time, hindi ikinainis ni Angel ang ngiti nito. She actually felt she missed that smile. She missed him. Hindi siya nito pinuntahan kahapon sa canteen at magmula noong Monday ay iniiwasan na siya nito.

"Okay ka lang?"

Angel smiled and nodded. Suminghot siya para tuluyan nang pigilan ang pagtulo ng mga luha niya.

"Salamat... Salamat sa pagtulong mo sa akin," ani Angel.

"So, naniniwala ka na ba na hindi natin dapat iwasan ang isa't isa? I mean, you're not you right now. You're not the tough and fierce Angelica Martinez that you really are."

"I looked stupid, right?" Muling nakaramdam ng hiya si Angel.

"You looked vulnerable and... well, pathetic."

"Hindi ako nakagawa ng survey dahil doon sa nangyari... Teka, paano na iyan? Sasali ka ba talaga sa Mr. Business Week?"

Napangiwi si Bryan. "Ngayon ko nga lang na-realize kung ano iyong nagawa ko."

"I'm sorry." Na-guilty naman si Angel dahil doon.

"Hindi mo naman kasalanan, eh. Kasalanan ko iyon dahil padalos-dalos na naman ako ng desisyon. Pero andito na ito, eh. Hindi ko naman kailangang manalo, hindi ba?"

"Actually, you need to. Gusto ni Hannah ngayong taon matalo natin ang JFINEX, at maging overall champion ang JPIA."

"Patay." Naging problematic bigla ang gwapong mukha ni Bryan.

"May isa pa akong problema. Wala pa akong Miss JPIA."

Napatingin si Bryan sa kanya. "I think I can help you with that."

"Huh?"

"I know someone who could be our Ms. JPIA. At tutulungan kitang kumausap sa kanya."

Feeling ni Angel ay mapapaiyak na naman siya. She really feels great that Bryan is here to help her.

"But promise me you won't cry. I don't like to see you crying."

Bryan looked ito her eyes, and the world seemed to stop suddenly. Parang silang dalawa lang ang taong naroon sa mataong corridor ng Business School. Nothing else seems to matter. And when he held her hand, Angel felt the warmth of his touch and it seems to radiate through her heart, making her feel safe.

"And to make sure of that, I will not leave your side. Promise."

Bryan smiled and touched her face. And that touch, that smile of him, that assurance, it made Angel feel better.

"But for now, kailangan na nating pumasok. Baka ma-late tayo sa klase natin."

Tumango si Angel. Still holding her hand, Bryan led her to their first class this morning. He did not let go of her until he opened the door for her.

โ™ฅโ™ฅโ™ฅโ™ฅโ™ฅโ™ฅโ™ฅโ™ฅโ™ฅโ™ฅ

Si Kimberly Agustin ang tinutukoy ni Bryan na Ms. JPIA nila. Freshman BS Accountancy student ito, bagong member ng JPIA. Anak ito ng Chief Human Resource Officer ng Tarlac General Hospital, ang ospital na pag-aari nina Bryan. Maganda ito, matalino, at higit sa lahat ay mabait din. Iyon nga lang, mahiyain ito kaya never pa itong sumali sa mga beauty pageant kahit naman she has what it takes to win those kinds of competition.

Pero kinausap itong mabuti nina Angel. Lalo na si Bryan na anak ng boss ng tatay ni Kim. Hindi naman sa na-threaten ito kay Bryan. Hindi naman ginamit ng binata ang estado nilang dalawa para makumbinsi niya ito. Pero siyempre, dahil anak ng boss ng ama, medyo nahihiya rin itong tanggihan ni Kim.

Sa huli ay napapayag din siya ng mga ito. Nangako pa ang dalawa na bibigyan nila ito ng magti-train sa kanya kung paano ang gagawin nila sa pageant. Laking tuwa ni Angel nang pumayag ito sa pakiusap nila.

"Mabuti na lang naisip mo kaagad si Kim," ani Angel kay Bryan. Nasa school cafeteria sila noon at kasalukuyang nagla-lunch.

"Ang totoo niyan, medyo crush ko kasi siya." Kumindat pa si Bryan sa kanya.

"Kaya naman pala." Biglang nadismaya si Angel. Nagpatuloy na lamang siya sa pagkain. "Alam mo, may crush din siya sa iyo."

"Talaga?" Parang nagustuhan ni Bryan ang sinabi nito.

Tumango si Angel. "Hm-hm. Tingin ko kung liligawan mo siya mapapasagot mo siya kaagad." Parang hindi na niya maisubo ang kanyang pan fried fish with sweet and sour sauce.

"Hmn... Matandaan nga iyan. Pero buti na lang at pumayag siya. At least nabawasan na ng konti iyong mga problema mo."

Bumuntong-hininga si Angel. "Salamat ulit, ha? Salamat sa pagtulong mo sa akin."

"Wala iyon. Masaya ako na matulungan ka." Saka ito ngumiti sa kanya.

Heto na naman. ๐˜›๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ฎ๐˜ช๐˜ญ๐˜ฆ... The feeling that it brings. Nagsisimula nang masanay si Angel sa magandang pakiramdam na iyon. And it makes her happy, that warmth that Bryan's smile sends to her heart. It makes her feel safe. It makes her want to smile.

Napaiwas siya ng tingin dito. Saka pasimple siyang nagpatuloy na lang sa pagkain at pilit pinigilan ang panggiti.

"Ano kaya kung ituloy na natin ang pagpapanggap?"

"Hmn?" Muling napatingin si Angel sa kausap.

"Naisip ko lang, kung totoong may relasyon tayong dalawa, hindi kaya mapilitang magbati ang mga magulang natin? Kasi siyempre ang alam nila nagmamahalan tayong dalawa."

"Mag bf-gf lang tayo. Hindi pa naman tayo mag-asawa, o kaya engaged. Hindi pa kailangang pakisamahan ng pamilya ko ang pamilya mo."

"Pero at least, may chance. Alam ng parents mo na mahal mo ako, at ang relasyon natin ang makakapagpasaya sa iyo. Tingin ko naman mas mahalaga ka sa kanila kaysa doon sa kung anumang nangyari 20 years ago."

"I don't know... Alam mo, I feel weird about that something that happened 20 years ago. Hindi man lang natin matukoy kung ano yun."

"Oo nga, eh."

Nagkatinginan silang dalawa.

"Kaya nga kailangan nating alamin," ani Bryan. "And like what I've said, baka nga makatulong na girlfriend kita kunwari para malaman natin ang detalye. I'll ask Mom and Dad."

"Sige. Ikaw na muna ang kumilos. Alam mo namang bad shot pa ako kina Daddy. Grounded nga ako, eh. Hatid-sundo pa."

"Sige. Don't worry. I'll do everything that I can."

Again, Bryan smiled. And whenever he does, it feels like Angel is being assured that everything will be alright. Dahil doon, kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam niya. Parang unti-unti na ngang nababawasan ang mga problema niya.

โ™ฅ Lแดsแด› แด€ษดแด… ษชษดsแด‡แด„แดœส€แด‡, สแดแดœ า“แดแดœษดแด… แดแด‡. - ๐™ธ๐šœ๐šŠ๐šŠ๐šŒ ๐š‚๐š•๐šŠ๐š๐šŽ ๐š˜๐š ๐šƒ๐š‘๐šŽ ๐™ต๐š›๐šŠ๐šข โ™ฅ