Hinintay muna ni Angel na makauwi sila ni Alex bago niya komprontahin ang kapatid. Humanap siya ng tiyempo pag-uwi nila galing sa school.
Pinasok niya sa kwarto nito si Alex. Kagaya niya ay nakabihis na rin ito ng pambahay. Nakadapa ito sa kama nito at nagta-type na naman ito sa cellphone nito.
"Alex."
"Ate?" Nanatili itong nakatingin sa phone nito.
"Alex!" She's growing a little frustrated.
"'Te?" May itinype ito sa cellphone.
And impatience got into her. "Tumingin ka nga muna sa akin!"
"Ha?" Inosenteng napatingin si Alex sa ate nito.
"What the hell is happening to you?"
Parang na-shock din si Alex sa biglaan niyang pagsita dito.
"Ano bang meron diyan sa cellphone na iyan? Bakit hindi ka man lang makatingin sa akin, eh kinakausap kita?"
Para namang natauhan si Alex. "Ah... May ka-chat lang ako, Ate. Alam mo naman, marami akong friends sa Twitter and Facebook."
"Nakausap ko si Issay kanina."
"...Issay?" Napakunot ang noo nito.
"Nakalimutan mo na si Issay? One of your BFFs since high school."
"Oo, si Issay..." Parang bigla itong na-rattle sa pagkalimot sa kaibigan.
"Kinukumusta ka niya."
"Ah, oo! Matagal na rin kasi kaming hindi nagkakausap nung mga iyon. Nami-miss ko na nga sila eh."
"You said the other day na nagkita kayo kaya ka nahuli ng dating."
Natigilan si Alex. Halatang hindi nito alam ang sasabihin.
"Are you hiding something from me, Alex? Meron ka bang dapat na sabihin sa akin?"
"Ahm... Wala..."
Nanatili itong nakatingin sa kanya. Alam ni Angel na hindi ito nagsasabi ng totoo at hinintay niyang ibunyag nito sa kanya ang gusto niyang malaman. Pero wala pala talaga itong sasabihin sa kanya.
Napayuko si Alex. "Ate... I'm sorry."
"Sorry for what?"
"I can't tell you."
Angel was hurt. This is the first time that Alex hid something from her. Ultimo crush nito sinasabi nito sa kanya. Ngayon lang ito may hindi masabi sa kanya.
"Why?"
"Because..." Napatingin si Alex sa kanya. Naghihirap din ang kalooban nito. Parang gustong-gusto nitong sabihin kay Angel ang totoo, pero hindi nito magawa.
"You can't tell me? Why can't you tell me?"
Hindi pa rin makasagot si Alex. Napayuko na lamang ulit ito.
"Don't talk to me."
Napatingin itong muli sa kanya. "Ate..."
"Don't talk to me until you can say to me what you're hiding." Saka na niya ito tinalikuran.
Masama pa rin ang loob ni Angel dahil sa pagtatago ni Alex. Pero hindi niya ito kayang kunsintihin. Nagsinungaling ito. May ginagawa itong kakaiba at pinagtakpan nito iyon sa pamamagitan ng pagsisinungaling. Sobrang disappointed siya dito.
♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎♥︎
Nang hapong iyon, mula sa CPRU ay dumiretso sa isang car dealer sina Bryan at Richard upang hanapan ng kotse ang huli. Parehong naka-uniform pa ang dalawa. Si Richard, puting long-sleeved polo na naka-tuck in sa grey nitong pantalon. Kulay grey din ang necktie nito. Si Bryan naman, dahil sa third year na ay iba na ang uniporme. Green ang polo nito at may coat din ito na light grey na katerno naman ng pants nito.
"Bagong bahay, bagong kotse," tudyo ni Bryan sa pinsan.
"Nahihiya na kasi ako sa'yo," ani Richard. "Lagi na lang akong nakikisabay pauwi."
"Ako nga ang nahihiya sa iyo," ang sabi ni Bryan. "Ginagabi ka laging umuwi dahil sa akin. Bakit kasi hindi ka na lang pasundo sa daddy mo?"
"Out of way naman ang TGH dito. Ayoko namang pagod sila ni Mommy sa maghapong pagtatrabaho sa ospital tapos magpapasundo pa ako. Tama na yung hinahatid nila ako sa pagpasok."
"Sabagay."
"Salamat sa pagsama mo sa akin, ha?"
"Walang anuman," ani Bryan. "Isa pa, baka hindi ka bigyan ng malaking discount ni Gina kung hindi ako kasama."
"Oo nga pala, Cuz. Sino ba iyang Gina na iyan at parang may something kayong dalawa?"
"She's just a friend," ani Bryan. "Nakilala ko siya nung bilhin ko itong kotse ko. Sila yung may-ari ng The Garage. Tapos nalaman ko na sa CPRU din siya nag-aaral. Ganoon."
"Napaka-friendly mo talaga, lalo na sa mga babae," ani Richard.
"That's what you call charm," nangingiti niyang biro. Saka na niya ipinark ang sasakyan sa parking lot ng The Garage.
Lumabas sila ni Richard ng kotse at nagtungo na sa loob ng The Garage. Kaagad naman silang nilapitan ng isang babaeng kasing edad ni Bryan. Super sexy ang babae sa suot nitong pink tube top at black mini skirt. Mataas din ang takong ng sapatos nitong kulay pula.
"Hi Bryan!" Bineso-beso niya ito. "Welcome back." Saka siya nito binigyan ng parang nang-aakit na tingin.
Casual lang naman si Bryan sa pakikitungo dito. "Thanks, Gina. By the way, this is my cousin, Richard. Siya iyong bibili ng kotse."
"Oh, hi Richard!" Inilahad nito ang kamay. "Nice to meet you."
"The pleasure is mine." Nginitian din ito ni Richard saka nakipagkamay dito.
"Halikayo. Marami kaming mga bagong dating na kotse ngayon. Siguradong marami kang magugustuhan, Richard. Ang mabuti pa, tawagin ko muna yung kuya ko para i-assist niya kayo. Nandito lang siya kanina, eh. Bigla na lang nawala. Wait lang, ha?"
"Sige," ani Bryan.
Kumekembot ang balakang na iniwan sila ni Gina. Napasunod na lamang ng tingin ang dalawang lalaki.
"That's Gina?" tanong ni Richard kay Bryan.
"Yeah..."
Napatingin si Richard sa kanya. "At wala kayong relasyon noon, ha?"
"Cuz, kung type mo siya, sa'yo na lang." Naupo si Bryan sa isang sofa na naroon.
Sinundan ni Richard ang pinsan. "No, Cuz. Sa'yo na lang siya."
"Sigurado ka?"
Natawa na lang si Richard sa tanong nito. "Ganoon ba siya kapag pumapasok sa CPRU? 'Di ba bawal ang ganyang ka-skimpy na damit?"
"Well, hindi naman masyadong revealing ang mga isinusuot niya sa CPRU. It actually depends on your definition of 'revealing.'"
"What do you mean?"
"Well, she likes wearing tight-fitting jeans and shirts."
"But... she's kind of curvy."
"Exactly," ani Bryan. "Imagine her wearing a V-neck tight-fitting shirt."
Saglit na natahimik si Richard, at pagkatapos ay natatawang napailing na lamang ito.
"Oh man!"
Natawa si Bryan sa reaksiyon nito.
"Matawagan na nga lang si Daddy to tell him na nandito na tayo," paalam ni Richard.
"Sabihin mo sa kanya na humanda siya sa makikita niyang 'tanawin' dito sa Garage," pahabol ni Bryan.
Natatawang tinawagan na lamang ni Richard ang ama.
🚗📱👠