Chereads / Moonville Series 1: Secret Lovers / Chapter 33 - For My Angel

Chapter 33 - For My Angel

Pageant night. Muli ay nasa back stage si Bryan kasama ang iba niyang mga kasamahan sa contest. Pero di tulad noong isang araw, ngayon ay mas chaotic sa back stage. Aligaga ang lahat dahil sa contest proper na. May mga stylist at make-up artist na nire-retouch ang makapal nang make-up ng mga babaeng contestant, pati na rin ng mga kapareha ng mga ito na male contestants.

Tumingin si Bryan sa may salamin sa isang bahagi ng back stage. Casual ang suot nila ngayon. Pare-pareho ang suot ng mga babae na dress, though magkakaiba lang ng kulay base sa kulay ng team kung saan kabilang ang contestant. Sila namang mga male contestant ay pants and coat and suot. Ang panloob na T-shirt ay kakulay ng dress ng kanilang kapareha.

"Bryan!"

Napalingon siya sa tumawag. Nakita niya ang nakangiting mukha ni Angel. Napangiti rin siya.

"Good luck," anito.

"Salamat. Salamat sa lahat ng tulong, Angel."

"Wala iyon. Ako nga ang dapat na magpasalamat. Ikaw ang talagang tumulong sa akin."

"Makakaraos din tayo. Maaayos din natin ang gulong ito."

"Sana nga." Biglang lumungkot ang mukha ni Angel.

"Hey..." Iniaangat niya ang mukha nito. "Don't be sad. Everything will be fine."

"Nakapwesto na sina Mommy at Daddy."

"Ganoon din sina Mommy at Daddy." Hinawakan ni Bryan ang kamay nito. "May plano ako. Sakyan mo na lang, okay?"

Tumango si Angel. Sa mga mata nito, makikita ang pag-asa sa binitiwan niyang mga salita. Lalong lumakas ang loob ni Bryan na gawin ng tama ang plano niya mamaya.

♥️♥️♥️

Pagkatapos makausap si Bryan ay bumalik na sa kanyang upuan si Angel sa may auditorium. Katabi niya ang kapatid na si Alex habang ang mga magulang nila ay nasa may judges' seat na malapit rin lang naman sa kinalalagyan nilang magkapatid. Ilang saglit pa ay nagsimula na ang palabas. Tinawag na ng hosts ang mga contestant. Isa-isa nang naglabasan ang labing-apat na kalahok sa gabing iyon.

Kailangang magmodelo ng mga contestant sa stage at gawan ng paraan para makaangat sila sa iba na kapareho nila ng suot. Pagkatapos ay nagpakilala na ulit ang mga contestant. Hiyawan ang mga tao pagkatapos magsalita ng bawat kalahok.

"Bryan de Vera, 18, BS Accountancy."

Hiyawan na naman ang mga estudyante.

"Ang dami rin palang mga fans ni Bryan," ani Alex.

"Ganoon talaga. Paingayan ang bawat department. Parang basketball lang," paliwanag niya.

"O baka marami lang talagang fans si Bryan?"

"Siguro nga."

Pagkatapos rumampa ng mga contestant ay bigayan na ng mga special awards. Nanalong Most Photogenic si Bryan, pati na rin sa Best in Casual Wear dahil na rin sa galing nitong magdala ng damit. Si Kim naman ay Most Photogenic ang nakuha.

"And now, we will be trimming down our contestants into our top five - top five male and top five female. The top five will be the ones who will move on to the next part of our competition, which is the Sports Wear, Talent Portion, Evening Wear, and of course, the final Q&A Portion," paliwanag ng babaeng host.

Ang sumunod na nagsalita ay ang lalaking host naman. "Earlier this week, the contestants had their photo shoot and casual interview with our beloved Dean. Their scores from those pre-pageant events were added to their scores this evening to come up with our top five. So, let's begin. In no particular order."

Unang in-announce ang sa male category. Ibayong kaba ang nadama ni Angel habang isa-isang binabanggit ang pangalan ng mga contestant na tutuloy pa sa next level ng competition. Maging si Alex ay napahawak na rin sa kamay niya. Hiyawan naman ang mga estudyante kapag natatawag ang bet ng mga ito.

Lalong kinabahan si Angel nang apat na ang natatawag ay nakatayo pa rin sa may likuran si Bryan kasama ng mga contestant na hindi pa natatawag.

"Ate..." Nagowo-worry na rin si Alex.

"And, the last male contestant who will move on to the next level of the competition is..." Binitin pa ng host ang announcement. Sigawan naman ang mga estudyante ng kanilang bet. "Mister... Mr. Bryan de Vera from JPIA!"

Hiyawan ang mga accountancy students na halos nakapula lahat. Maging si Alex ay napatili dahil sa pagpasok ni Bryan. Si Angel naman ay nakahinga ng maluwag. Tiyempong napatingin sa kanya si Bryan. Nginitian siya nito, at ngumiti rin siya. Ramdam ni Angel na nakahinga rin ito ng maluwag habang nakatayo kasama ng iba pang lalaking contestant na magpapatuloy pa sa kompetisyon.

Sunod na tinawag ang mga female contestants. Unang tinawag si Gina, sa pagkadismaya ng magkapatid na Angel at Alex. Napasali rin si Kim sa top 5. Napatingin si Angel kay Hannah na masayang-masaya kasama ang ibang mga JPIAns. Ito pa nga ang nangunguna sa pagchi-cheer ng mga ito. Napangiti na lamang si Angel na masaya para sa mga kagrupo niya.

🔺🔴♦️🟥🔻

Sumunod na ang sports wear. Ito na ang pinaka-swimwear competition ng mga contestant. Dahil sa hindi naman pwedeng mag-swimsuit at swimming trunks ang mga ito, sports wear na lang ang ipinalit nilang category. Pero kahit ganoon, nag-swimsuit pa rin si Gina.

"Grabe, ha?" natatawang wika ni Alex. "Eh hindi naman pang-swimming na sport iyang suot niya. Pang-Boracay na swimming ang swimsuit niya, eh."

Natawa na rin lang si Angel sa sinabi nito. Lalo na at parang confident na inirampa pa ni Gina ang suot na two-piece bikini. Hiyawan ang mga estudyante, iyong iba naman na nakakaalam ng kamalian nito ay natawa na lang.

"Naiwan yata sa bahay nila iyong brain niya, Ate," ani Alex.

"Hayaan mo na," saway na lamang niya sa kapatid.

Si Kim ay simpleng pang-tennis ang suot. Sweet and innocent talaga ang dating nito. Si Bryan naman ay basketball jersey ang suot.

"Kahit ano yatang isuot ni Bryan, bagay sa kanya," komento ni Alex.

Agree naman si Angel doon. Kahit yata sira-sirang damit ang suot nito magmumukha pa rin itong presentable sa galing nito sa pagdadala ng damit.

Isang intermission number ang sumunod upang ma-relax naman ang lahat. Isa itong song number mula sa isang estudyante ng Business School. Ito ang nanalo sa singing competition last year. At pagkatapos noon, nagsimula na ang talent portion.

Per department ang arrangement ng mga magpe-perform. Meron kasing mga depatment na parehong nakasali sa top 5 ang mga representative nila, katulad nina Bryan at Kim. Meron sa mga iyon ang magkapareho sa mga presentation na gagawin nila. Halos lahat ay sumayaw at may back-up dancer pa. Puro modern pa ang sayaw ng mga ito. May isa nga lang pares na nag-singkil. Iyong isang contestant naman na lalaki ay nag-recite ng poem na ginawa daw niya at iyong kapareha nito ay nag-monologue.

And then, it was Bryan's turn. Kinakabahan na excited si Angel na mapanood itong mag-perform. Hindi kasi niya alam ang gagawin nito ngayong gabi.

"Ano bang talent ni Bryan?" tanong ni Alex sa kanya.

"Basta hindi sayaw," ang naisagot na lamang ni Angel.

Pagtawag sa pangalan ni Bryan ay lumabas na ito ng stage. Naka-coat ito ng itim at saka naka-maong na pants, at red t-shirt din and panloob nito. Parang iyong ayos lang kanina sa casual wear. Medyo ragged nga lang ang suot nito ngayon na butas-butas pa ang pantalon at may kung anong naka-tatak din sa t-shirt nito. May dala itong gitara. Kasunod nito ay ang isang lalaking nasa-fifties na. Naka-polo ito na dark red at maong na pants. May dala din itong gitara.

Tilian at hiyawan ang mga tao paglabas pa lamang ng dalawa. Kaagad silang nag-set up ng mga gitara nila.

"Is that his Dad?" tanong ni Alex.

Hindi iyon nasagot ni Angel. Hindi rin kasi niya masyadong kabisado ang mukha ng tatay ni Bryan. Pero base sa pagkakahawig ng dalawa, malamang nga na iyon ang daddy ni Bryan.

"Good evening everyone," anang Bryan sa mikropono. "This is my Dad." Kumaway ang lalaki sa audience. Pinalakapakan naman ito ng mga tao. "He's also an alumni of this school, batch..." Napatingin ito sa ama. "Never mind."

Nag-thumbs up at tumango si Raul sa anak.

"He's here to support me. Actually, he's very supportive in everything that I do." Saka tumingin si Bryan sa mga judges, partikular na sa mga magulang ni Angel.

At nakuha na ni Angel ang ibig sabihin ni Bryan. Gusto nitong ipakita na suportado ng daddy nito ang relasyon nilang dalawa. Iyon pala ang plano nito ngayong gabi.

Naghanda na ang mag-ama para sa gagawing presentation. Si Raul ay naupo sa isang silya, at si Bryan naman ay tumapat sa may mic stand.

"This is for my Angel."

"O-M-G Ate!" hiyaw ni Alex.

Hindi na nakapag-react pa si Angel. Nagulat siya sa sinabing iyon ni Bryan na nagpakilig sa mga taong nandoon at nagpahiyaw sa mga ito. Maging siya ay kinilig din. Matapos ng intro ay kumanta na si Bryan.

"Everything has a reason, everything has a start. Everything that ever burned had a spark. Ooh.."

"Oh my God, Ate!" kinikilig na hiyaw ni Alex.

Nanatili lamang na nakatingin si Angel kay Bryan. Parang direktang sinasabi ni Bryan sa kanya ang mga katagang inaawit nito nang mga sandaling iyon.

"Anything I ever wanted, anyone I ever needed, always seemed to leave me standing in the dark."

Hiyawan ang mga tao. Kinikilig ang lahat sa simple pero madamdaming pagkanta ni Bryan. At si Angel? Nanatili lang itong nakatingin dito. Ninanamnam ang bawat letra ng kanta nito. And at that moment, Angel realized something. She realized that this guy has become a special person to her.

"Suddenly I am caught in your light. Opened the door and you stepped inside. And I'm watching the hours, looking for reasons. Find that I'm missing every beat of your heart. 'Till you're back in my arms, I'll be waiting up counting the stars."

Kilig overload ang mga babaeng nandoon. Ang iba ay sumasabay pa sa pagkanta nito. At nagpatuloy pa sa pagkanta si Bryan.

"Nothing could ever touch us. Nothing gonna shake my faith. Nothing in this big bad world ever take you away. Like a rolling hurricane, nothing's standing in our way. Full of life, full of grace, in a perfect place."

Hindi maiwasang ma-overwhelm ni Angel sa pakikinig kay Bryan. Para kasing ginawa talaga ang kantang iyon para sa kanilang dalawa. And she thought, is this still part of his strategy? Gusto niyang isiping hindi, kinanta talaga iyon ni Bryan dahil iyon ang nararamdaman nito para sa kanya. If only their relationship is for real.

Hanggang sa matapos ang kanta at muli'y isang nakabibinging hiyawan ang namayani. Pagkatapos kumaway sa mga tao ay bumalik na sa back stage ang mag-ama.

"Ate!" kinikilig pa ring tili ni Alex. "Ang sweet sweet ni Bryan!"

Huminga ng malalim si Angel upang pigilan ang luhang namuo sa mga mata niya. Kung ang mga tao ay kinilig sa pagkanta ni Bryan, siya naman ay sobrang na-overwhelm dito. Tagos sa kaibuturan ng kanyang puso ang awiting iyon ng lalaki. And for once, she wished their relationship is for real.

♥️

🎶 𝑻𝒊𝒍𝒍 𝒚𝒐𝒖'𝒓𝒆 𝒃𝒂𝒄𝒌 𝒊𝒏 𝒎𝒚 𝒂𝒓𝒎𝒔, 𝑰'𝒍𝒍𝒃𝒆 𝒘𝒂𝒊𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒖𝒑 𝒄𝒐𝒖𝒏𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒉𝒆 𝒔𝒕𝒂𝒓𝒔. - Aᴜɢᴜsᴛᴀɴᴀ, 𝙲𝚘𝚞𝚗𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚂𝚝𝚊𝚛𝚜 🎵