Chereads / Moonville Series 1: Secret Lovers / Chapter 36 - She Said, He Said

Chapter 36 - She Said, He Said

At hindi nga siya tinantanan ni Alex pag-uwi nila. Pagkatapos ng hapunan ay sinundan siya nito sa kwarto niya at pilit kinulit sa mga nangyari sa may backstage.

"Ano bang kailangan mo?" kunwa'y naiinis niyang wika.

"Magkwento ka naman, Ate," excited na wika ni Alex. Nauna pa itong sumampa sa may kama niya.

"Anong gusto mong ikwento ko?" Naupo na rin siya sa harapan nito.

"Ate naman... Eh di kung ano ang nangyari."

Napaiwas siya ng tingin. "Wala namang nangyari sa amin ni Bryan."

"Eh ano bang dapat mangyari?" ani Alex. "Ang ibig kong sabihin, iyong sa parents ni Bryan."

"Alam mo ang tungkol doon?"

"Oo," sagot ni Alex. "Di ba nga naiwan ako? Tapos nakita ko sina Joshua. Binati nila si Nick, eh di ba friend nila iyon? Kaya hayun, nakita kong paparating sa may backstage ang mga parents ni Bryan."

At wala na ngang nagawa si Angel kundi ang magkwento. "Hayun, nakilala ko sila."

"Mabait ba sila, Ate?" Parang si Alex pa ang mas excited kaysa sa kanya.

"Oo. Iyong daddy niya parang medyo reserved. O baka nahihiya lang kasi nga siya iyong kaaway ni Daddy. Iyong mommy naman niya masyadong friendly. Pero feeling ko mabait siya tsaka sweet." Napangiti siya nang maalala si Helen.

"Wow! Mukhang type ka ng buong family, ah!"

"Hindi naman sa ganoon. Siguro, napipilitan lang sila kasi alam nila girlfriend ako ng anak nila at mahal niya ako."

"Kahit ano pa ang dahilan, at least nakabawas sila sa problema... Eh iyon nga palang parents ni Richard?"

"Hindi ka makatiis na hindi sila tanungin, ano?" tudyo ni Angel sa kapatid.

"Eh, siyempre pamilya ng mahal ko." Tsaka pa-cute na nginitian nito ang kapatid.

"Sinabi na nga ba," ani Angel. "Eh hindi ko naman sila gaanong nakausap. Iyong parents lang ni Bryan. Pero parang okay din naman ang mommy't daddy ni Richard."

"Hay!" Napahiga sa kama si Alex. "Sana makilala ko rin sila."

"Makikilala mo rin sila," ani Angel. "Di ba nga nag-work yung plano ni Bryan? Inimbita siya ni Daddy sa Sabado dito sa bahay for dinner."

"Oo nga pala." Muling na-excite at napaupo si Alex. "Ate, excited ka na ba?"

"Hindi kasing excited mo." Saka siya napangiti.

"Ano kayang mangyayari sa Saturday, ano?"

"Bahala na," ang sabi na lamang ni Angel.

Sumeryoso ang mukha ni Alex. "Sana maging maayos ang lahat."

"Sana..."

โ˜˜๏ธ๐Ÿ€๐Ÿ€โ˜˜๏ธ๐Ÿ€

Maging si Richard ay hindi rin tinantanan si Bryan. Pagkatapos makipaghapunan ay sumunod ito sa kwarto niya.

"Uy Bry! Magkwento ka naman."

"Ano namang ikukwento ko?" Inilapag ni Bryan ang mga gamit sa kama nito.

"Iyong sa inyo ni Angel."

"At ano nga ang ikukwento ko? Alam mo, umuwi na yung mommy't daddy mo. Bakit hindi ka pa sumama sa kanila?"

"Bry, huwag ka ngang masyadong masungit."

"Eh ano ngang ikukwento ko sa iyo? Wala!"

Naupo sa may kama si Richard. "Wala? Eh nakahawak ka kaya sa kamay niya nung dumating kami."

Para namang batang nahuli sa kalokohan si Bryan. Bigla siyang nataranta sa sinabing iyon ni Richard. "Ano... siyempre, girlfriend ko siya kaya ganoon."

"Girlfriend? Yung totoo?"

Hindi na nakasagot pa si Bryan. Muli na lamang itong umiwas. "Ano ka ba? Baka mamaya may makarinig sa atin."

"Cuz, huwag ka masyadong praning."

"Hindi ako praning! Ano ba kasi talaga ang kailangan mo? Alam mo, kalalaki mong tao, napaka-tsismoso mo."

"Bahala ka kung ano ang gusto mong sabihin. Basta hindi ako aalis dito hanggang hindi ka nagkukwento ng tungkol sa inyo ni Angel."

"Ano nga kasing ikukwento ko?" Napaupo na rin sa kama si Bryan.

"Kayo ngang dalawa ni Angel. Para kasing may something na, eh. Meron na nga ba?"

"Paano naman magkakaroon ng something?"

"Eh iyong pahawak-hawak ng kamay?"

"Iyon lang ba? Pwede ko rin namang gawin sa iyo iyon, eh. Akin na ang kamay mo."

Lumapit si Bryan kay Richard pero umiwas ang huli.

"Tigilan mo ako sa mga kalokohan mo, ha?"

Ngumisi si Bryan. "Eh hawak lang pala sa kamay ang pinoproblema mo."

"Eh iyong yakap sabay good night?"

"Ano..." Muli'y nawalan ng isasagot si Bryan.

"O kita mo? Hindi ka makasagot? Kasi, ginawa mo iyon dahil iyon ang gusto mong gawin. Ni hindi mo man lang masabi na ginawa mo iyon kasi kunwari nga girlfriend mo siya. Hindi ka kasi marunong magsinungaling, eh. Kaya nga parang may something na kayong dalawa ni Angel talaga."

"Ganon?" Napaiwas na lamang ng tingin si Bryan.

"Oo. Iba na yung tinginan ninyo, eh. Parang may invisible current na nagdudugtong sa mga mata ninyong dalawa."

"Wow! Kailan ka pa natutong magsalita ng matatalinhagang katulad niyan?"

"Ganyan tagala kapag in love. Tignan mo ikaw, 'matatalinhagang katulad niyan' daw."

"Tigilan mo na nga ako!" Tuluyan nang tumalikod si Bryan sa pinsan.

"Mukhang bumabalik na naman ang sumpa."

"Sumpa?" Napatingin siya dito.

Napangisi si Richard. "Bigla ko lang naalala. Noong first year college ka, meron kang sinabi sa akin."

Napaisip si Bryan. "Ano?"

"You told me then that there's this girl who really caught your attention. Sabi mo napaka-mysterious ng dating niya. Tahimik, palaging nag-iisa, at parang hindi nakikipag-usap sa ibang kaklase ninyo. Pero dahil type mo siya, you tried everything to get her attention. Lahat ng mga da'moves mo in-apply mo sa kanya, but nothing worked. Deadma pa rin siya sa'yo."

Napangiti si Bryan sa pagbalik ng alaalang iyon.

"And so, you decided na imbes na maging mabait at magpa-cute sa babaeng ito, you just did the opposite. You decided to bully her and do some pranks on her para naman tapunan ka niya ng second glance kahit papaano. And, do you remember the name of that girl?"

"I told that to you?"

"Of course! Kumpletong-kumpleto. Her name is Angelica Simone Pascual Martinez."

Napangiti na lamang si Bryan.

"O, 'wag ka nang mag-deny ha? Huling-huli ka na. Ikaw na mismo ang nagsabi noon."

"Okay, I surrender." Itinaas pa ni Bryan ang kamay.

"You like her."

"I..." Muli'y hindi na naman nito malaman ang sasabihin.

"You like her! Aminin mo na."

Napabuntong hininga si Bryan. "Okay, maybe... maybe, I do like her." Parang hirap pa siyang sabihin ang mga katagang iyon.

"You really like her. It shows, Cuz. The way you look at her. The way you talk to her. The way you sang that song for her... Hindi na lang iyon pagpapanggap. It's your heart talking for you. Kaya rin siguro laging gusto mo siyang tulungan, kesehodang sumali ka sa pageant at rumampa sa harapan ng maraming tao."

Napaisip si Bryan. 'Maybe that's the reason why I always come undone when she's there.'

"Cuz?"

Napatingin siya kay Richard. "Hmm?"

"Ako pa yung kasama mo, ha? Huwag mo munang isipin iyong wala dito. Mamaya mo na isipin si Angel and you have the whole night to dream about her."

Napangisi si Bryan. "Dream about her, huh? Is that what you experience with Alex?"

"It takes one to know one, Cuz. It's a nice feeling, you know. Nakakaganda ng gising sa umaga."

"Yeah..." He smiled dreamily.

"Uy! Ibig sabihin ba niyang ngiting iyan eh napapanaginipan mo na talaga si Angel?"

"It takes one to know one..."

"Oh Man!"

Nagtawanan ang magpinsan.

"Tama na nga ito," ani Bryan. "By the way, salamat sa tulong mo. Because of you, I didn't have to dance in front of all those people."

"At naging instant heartthrob ka sa school ninyo."

"Matagal na akong heartthrob doon," aniya.

"Sinabi mo eh," sang-ayon na lamang ni Richard. "Pero dahil sa akin, naisakatuparan mo ng matiwasay ang plano mo."

"Mabuti nga parang umayon ang lahat sa atin. Pati iyong question, perfect din. When the host mentioned Benjie Martinez' name, I really panicked."

"Hindi naman halata, Cuz. Poised ka pa rin." Tsaka ito ngumisi.

Hindi na lamang ito pinansin ni Bryan. "Pero nang sabihin nila iyong tanong, ibayong lakas ng loob ang nadama ko."

"Ibayong lakas ng loob para kay Angel?"

"Hindi ka talaga titigil, ano?"

"O sige na. Titigil na ako," ani Richard. "Move on na tayo. And speaking of which, ano na nga pala ang plano mo? Okay nga pala iyong ginawa mo kanina. Palong-palo."

"Actually, it was not me who decided on my next actions. Inimbitahan ako ng daddy ni Angel ng dinner sa bahay nila. Sabado."

"Ows?"

"Oo, at iyon ang dahilan kung bakit parang hindi ako makakatulog ng maayos ngayong gabi at sa mga darating pang gabi."

"Hindi ka naman siguro iimbitahan kung hindi pa okay sa kanila ang relasyon ninyo ni Angel."

"That, or he wants me to be in his territory so that he could do whatever he wants to do to me."

"Kung iyon man, remember that I'm on your speed dial, okay?"

"If I know, gusto mo lang niyan na makita si Alex."

"Partly."

"Mostly!" pagtatama ni Bryan.

"Pwede bang samahan na lang kita sa dinner?"

"Umalis ka na nga!" sa halip ay wika ni Bryan. "Sige na, gusto ko nang magpahinga at na-stress ako ng sobra sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw."

"But really, Cuz, you were amazing tonight. Not just on the contest, but everything that you've done is amazing. And thank you for everything."

Bryan felt good with what Richard said. Lalo na at bakas sa mukha ng pinsan ang sincerity ng pasasalamat niya.

"Sige na! Saka na lang kita sisingilin."

"Kahit ano pa iyan, gagawin ko."

"Sinabi mo iyan, ha?" aniya.

"Promise!" Itinaas pa ni Richard ang kamay na parang nanunumpa.

"O sige na. Bukas na lang ulit."

"Okay. Good night."

Pagkatapos magpaalam ay umalis na si Richard. Naiwang mag-isa si Bryan na iniligpit na ang kanyang mga gamit at naghanda na para magpahinga at matulog para sa araw na iyon.

โ™ฅ๏ธ

โฅ ๐‘Œ๐‘œ๐‘ข ๐‘˜๐‘›๐‘œ๐‘ค ๐‘ฆ๐‘œ๐‘ข'๐‘Ÿ๐‘’ ๐‘–๐‘› ๐‘™๐‘œ๐‘ฃ๐‘’ ๐‘คโ„Ž๐‘’๐‘› ๐‘ฆ๐‘œ๐‘ข ๐‘๐‘Ž๐‘›'๐‘ก ๐‘“๐‘Ž๐‘™๐‘™ ๐‘Ž๐‘ ๐‘™๐‘’๐‘’๐‘ ๐‘๐‘’๐‘๐‘Ž๐‘ข๐‘ ๐‘’ ๐‘Ÿ๐‘’๐‘Ž๐‘™๐‘–๐‘ก๐‘ฆ ๐‘–๐‘  ๐‘๐‘’๐‘ก๐‘ก๐‘’๐‘Ÿ ๐‘กโ„Ž๐‘Ž๐‘› ๐‘ฆ๐‘œ๐‘ข๐‘Ÿ ๐‘‘๐‘Ÿ๐‘’๐‘Ž๐‘š๐‘ . - Dส€. Sแด‡แดœss โฃ๏ธŽ