Chapter 35 - Winner

Pagkatapos ng Question and Answer portion ay pinabalik muna ang mga contestant sa back stage. Muli ay isang intermission number ang sumalang. At pagkatapos noon, pinalabas na ulit ang mga contestant at nagbigayan na ng special awards. Muli ay nanalo si Bryan ng Best in Sports and Formal Wear.

"Pansin ko puro sa pagmomodelo ang mga awards ni Bryan," ani Alex.

"Magaling kasi siyang magdala ng damit," ang sabi naman ni Angel.

"Uy! Magaling daw magdala ng damit si Bryan!" muli'y tudyo ni Alex.

Hindi na lamang ito pinansin ni Angel. Kinakabahan na kasi siya dahil sasabihin na nila ang mananalo ilang sandali na lang.

At iyon na nga. Matapos ang special awards ay inumpisahan nang sabihin ang mga runners up. Una munang sinabi ang sa mga kalalakihan. Hanggang sa dalawa na lang ang natira sa stage – si Nick Jacinto ng Operations Management Society, at si Bryan.

"Ate, mananalo kaya si Bryan?" tanong ni Alex.

Hindi na nakasagot si Angel. Oo nga at dalawa lang ang nakuhang awards ni Nick, ang Best in Casual Interview at Best in Talent, pero hindi rin naman ito kulelat sa ibang parte ng competition. Lalo na at maganda din ang sagot nito kanina sa Q&A portion.

"Ladies and gentlemen," anang babaeng host. "The name that I will be calling is this year's Mr. Business School. And that person is..."

Drum roll. Lalong kinabahan ang lahat. Ang magkapatid na Angel at Alex ay hindi na rin mapakali. Napatingin si Angel kay Bryan na halatang kabado rin. Napatingin din ito sa kanya.

"Our Mr. Business School is... Nick Jacinto!"

Nagulat si Bryan sa narinig. Pero pagkatapos noon ay parang nakahinga siya ng maluwag. Niyakap pa niya ang nanalong si Nick Jacinto bilang pagbati dito.

"Ate, hindi nanalo si Bryan," malungkot na wika ni Alex.

Tinignan ni Angel si Bryan. Mukhang talagang masaya ito na hindi ito ang nanalo at magre-represent sa Business School sa Mr. & Ms. CPRU. Napangiti siya. "That's what he wants."

Napatingin si Alex kay Angel. Pero hindi na siya nagtanong pa dahil na rin sa inumpisahan nang i-announce ang mananalo sa female category. And this time, and JPIA ang nakasungkit ng korona. Hindi mapigilan ng magkapatid ang mapatalon sa tuwa, lalo na at si Gina ang first runner up at muntikan nang manalo.

"Ate, nanalo kayo!" natutuwang wika ni Alex.

Nayakap na lamang ni Angel ang kapatid sa sobrang tuwa. Pagkatapos noon ay nakibunyi na rin sila sa pagkapanalo ng kanilang Miss JPIA na ngayon ay siya nang Ms. Business School.

πŸ‘‘πŸ’πŸŽ‰

Parang ngayon lang nakahinga ng maluwag si Bryan mula kaninang mag-umpisa ang competition. Kabi-kabilaan ang nagko-congratulate sa kanya, kahit na hindi siya ang nanalo. Kinamayan din niya si Nick at muling binati.

"You deserve it," ang sabi pa niya dito.

"Ikaw din naman, eh," ani Nick. "Deserving manalo."

Tinawanan na lamang niya ito. Saka niya pinuntahan si Kim at binati.

"Congratulations!" aniya sabay yakap dito.

"Salamat," ani Kim na parang overwhelmed pa rin sa nangyayari.

"Kita mo? Nung una ayaw mo pang sumali."

Nginitian lamang siya nito, pagkatapos ay inagaw na itong muli ng mga bumabati. Kaya iniwan na siya nito.

Pagtalikod naman ni Bryan ay bumungad sa kanya si Gina.

"Bryan!" tili nito sabay yakap dito.

"Ugh!" Pakiramdam niya ay nabali ang leeg niya sa pagyakap nito.

"Alam mo, dapat ako ang nanalo talaga, eh," ani Gina. "Pero ayoko namang mag-compete sa Miss CPRU kung hindi ikaw ang kasama ko. Kita mo, match pa tayo. Pareho tayong first runner up."

Napangiwi na lamang siya sa sinabi nito. Mabuti na lang at may tumawag kay Gina na ka-org nito kaya kinailangan na siyang iwan nito. Ngunit bago pa ito makaalis ay nagawa pa nitong halikan siya. Nagulat na lamang siya nang lumapat ang mga labi nito sa labi niya.

πŸŽˆπŸŒΈβ™¦οΈ

Parang ipinako sa kanyang kinatatayuan si Angel. Pakiramdam niya ay biglang tumigil ang kanyang mundo. Bigla rin ay parang hindi siya makahinga. Shocked na shocked siya sa nakitang paghalik ni Gina kay Bryan.

Nakaalis na si Gina ay nakatulala pa rin siya kay Bryan na nakatayo rin lang sa lugar na pinag-iwanan sa kanya ng babae. Parang hindi niya kayang harapin ito dahil sa nangyari. Kaya naman naisipan niyang umalis na lang at huwag na itong kausapin.

Pero nakita na siya nito.

"Angel!"

Natigil siya sa paglakad. Saka niya sinubukang kalmahin ang sarili at itago ang lungkot na bumalot sa kanyang buong pagkatao dahil sa nakita. Pagharap niya dito ay nakangiti na siya.

"Hinahanap kita, eh," paliwanag agad niya pagkalapit ni Bryan sa kanya. "Kaya lang hindi kita kaagad nakita kaya aalis na sana ako."

Bigla na lang hinawakan ni Bryan ang kamay niya. "Salamat."

Napangiti siya. "Buti na lang hindi ka sumayaw."

Natawa si Bryan sa sinabi nito. Saka ito biglang may naalala. "Pero hindi ako nanalo."

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Angel. Siya namang pagdating ni Hannah.

"Bryan! Congratulations!"

Gulat silang dalawa na napatingin kay Hannah.

"Hindi ka galit?" tanong in Bryan dito.

"Of course not! Okay naman ang performance mo at alam kong ginawa mo ang best mo. Sadly, may iba silang pinili na manalo. Pero good job pa rin!"

"Salamat," ang tanging nasabi ni Bryan.

"Ang mahalaga, si Kim ang Ms. Business School. O siya, maiwan ko na kayo at pupuntahan ko lang siya." Tsaka na ito sumibat papunta kay Kim.

"Buti na lang hindi siya galit," ani Bryan.

"Napaka-unpredictable talaga niya," ang sabi na lamang ni Angel.

Saka lamang naalala ni Angel na nakahawak pa pala si Bryan sa kamay niya. At hindi lang basta nakahawak. Mahigpit ang pagkakahawak nito doon. Napatingin na lamang siya sa kanilang mga kamay dahil parang bigla na naman niyang nadama iyong kakaibang pakiramdam na iyon na tanging si Bryan lamang ang nagbibigay sa kanya.

"Bryan de Vera."

Sabay na napatingin sina Angel at Bryan sa nagsalita. Kinabahan silang pareho nang makita ang seryosong mukha ni Benjie, kasama pa si Alice at ang napangiwing si Alex.

"Saturday night. Seven PM. My house."

Walang naisagot si Bryan sa sinabi nito.

"Angelica, hihintayin ka na lang namin sa labas." Iyon lamang saka tumalikod na si Benjie. Kasunod nito ang asawang si Alicia. Si Alex naman ay nginitian muna sina Angel at Bryan.

"Congrats!" pahabol pa nitong bati kay Bryan bago ito sumunod sa mga magulang.

Ilang sagllit ding nakatulala lamang sa may pintuan ng backstage sina Angel at Bryan pagkaalis ng tatlo.

"What had just happened?" tanong ni Bryan nang makabawi na ito.

"I think... he just invited you to dinner... in our house."

Nagkatinginan ang dalawa.

"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Bryan.

"Iyon ang tingin ko," alanganin ding sagot ni Angel.

Napangiti si Bryan. "Ibig sabihin, nag-work iyong plano ko!"

Napangiti na rin si Angel. "I guess so..."

Hinawakan ni Bryan sa magkabilang balikat si Angel.

"Ito na iyon, Angel! Ito na ang simula!"

Nagulat si Angel nang bigla na lamang siya nitong yakapin. Parang hindi siya makagalaw, hindi lamang dahil sa yakap siya nito, kundi dahil sa kakaibang pakiramdam na hatid ng yakap na iyon.

"Magagawa na rin natin iyong misyon natin. Maaayos na rin natin ang lahat."

Kumalas si Bryan saka tumingin sa kanya. Si Angel naman ay nakatulala lamang dito.

"Masaya ako sa mga nangyayari," ani Bryan.

Nakatulala lamang siya dito, at wari'y nagtaka si Bryan sa reaksiyon niya. Napakunot ang noo ng lalaki, ngunit kahit na anong pilit niyang magsalita ay parang walang lumalabas na tinig sa kanyang lalamunan. Lalo na at hawak pa rin nito ang balikat niya.

Mabuti na lamang at dumating ang parents ni Bryan. O dapat nga ba siyang magpasalamat sa pagdating ng mga ito?

"Bryan Hijo!" Kaagad na niyakap ni Helen ang anak.

"Mom!" Para namang nasasakal si Bryan sa ginawa nito.

"Ang galing-galing mo!" Tsaka niya pinapak ng halik ang anak.

"Mom!" Pilit na lumalayo si Bryan sa ina.

Kasama nina Helen at Raul sina Richard at ang mga magulang nitong sina Ricardo at Gloria.

"Tita, nahihiya iyan kasi nandiyan ang girlfriend niya," nakangising wika ni Richard.

Saka lamang napansin ng lahat si Angel. Napatingin ang lahat sa kanya at parang lalo siyang kinabahan. Napalunok na lamang siya at hindi na nakasalita pa.

"Hija," ani Raul sabay lapit kay Angel. "Nice to meet you." Inilahad nito ang kamay.

Tinanggap naman iyon ni Angel. Mainit ang kamay ni Raul na parang nagsasabing mainit ang pagtanggap ng kanilang pamilya sa kanya.

"Hija!" Nilapitan naman ni Helen si Angel tsaka niyakap at bineso-beso. "You know, I'm so happy to finally meet you. You have been a good influence dito kay Bryan. Dati hindi iyan sumasali sa mga ganyan. But now that you're in his life, he's beginning to explore all his potentials."

"Mom!" saway naman ng nahihiyang si Bryan.

"Ano ka ba? Masaya lang ako na makilala si Angel."

"Siya nga pala, Angel," ani Raul. "This is my sister, Glory, and this is her husband, Ricky. And of course, I'm pretty sure you've met Richard."

"Of course Tito," ang sabi naman ni Richard. "Ako kaya ang kasama ni Bryan sa panliligaw."

Nilapitan ni Gloria si Angel at bineso-beso ito. Si Ricardo naman ay kinamayan din ito.

"O paano, let's celebrate?" excited na wika ni Helen. "Nagpaluto ako sa bahay ng pagkain. Doon na muna tayo dumiretso. Angel, sasama ka sa amin, ha?"

"Ah... Hinihintay po kasi ako nina Daddy," tanggi niya.

Tahimik na napatingin sa kanya ang lahat.

"Next time, maybe," ang sabi na lamang ni Raul.

Napatango si Angel. "Next time po," aniyang nakangiti.

"Oo, next time kailangan maka-join ka naman namin," ang sabi naman ni Helen. "Ipagluluto kita ng specialty ko."

"Sige po. Ahm, mauna na po ako sa inyo," ani Angel.

"Sige," ani Raul.

Tinanguan ni Angel ang iba bilang pamamaalam. Ngunit bago siya makaalis ay hinawakan muna ni Bryan ang kamay niya.

"Angel."

Napatingin siya dito. Muli siyang nagulat nang bigla siya nitong yakapin.

"Good night," ani Bryan.

Alam niyang ginawa lamang iyon ni Bryan dahil nandoon ang mga parents at tito't tita nito. Kailangan nilang ipakita na sweet sila sa isa't isa at nagmamahalan silang dalawa. Kaya naman niyakap din niya ito.

"Good night," ganting bati niya.

Nang maghiwalay sila ay nginitian niya ito bago tuluyan nang umalis.

"Bye," ang bati naman sa kanya ni Richard.

Nginitian na lamang ito ni Angel. Medyo overwhelmed na kasi siya sa mga naganap. Hindi niya inaasahang yayakapin siya ni Bryan ng ganoon. Mabuti na lang at kasabay niya ang parents nila sa pag-uwi. Dahil doon ay hindi siya kinulit ni Alex na alam niyang sobrang excited na malaman ang mga nangyari kanina sa kanya sa may backstage.

β™₯️

β₯ 𝙸'πš– πš—πš˜πš πšπšŽπš•πš•πš’πš—πš 𝚒𝚘𝚞 πš’πš'𝚜 πšπš˜πš’πš—πš 𝚝𝚘 πš‹πšŽ 𝚎𝚊𝚜𝚒 - 𝙸'πš– πšπšŽπš•πš•πš’πš—πš 𝚒𝚘𝚞 πš’πš'𝚜 πšπš˜πš’πš—πš 𝚝𝚘 πš‹πšŽ πš πš˜πš›πšπš‘ πš’πš. - AΚ€α΄› WΙͺʟʟΙͺᴀᴍs ❣︎