VINCE wanted to strangle Lario. Ito ba ang sinasabi nitong minor climb? They just ascended a steep slope and trudged in what seemed to be an endless series of curved trails. Basang-basa na ng pawis ang kanyang damit at kanina pa siya hinihingal na parang ilang buwan siyang pinagkaitan ng hininga.
"Ang bagal mo naman, 'pre! Napag-iiwanan na tayo n'ung grupo ni Alvin. Daig ka pa n'ung matandang kasama nila eh." Kakamot-kamot ng ulo si Lario nang huminto ito saglit para hintayin siya.
He removed his sunglasses and glared at him. "Ang sabi mo, madali lang akyatin ang bundok na 'to."
"Eh sa madali lang naman talaga eh. Akala ako ba lagi kang nagdyi-gym? Bakit ang hina ng stamina mo?"
"I only do work outs to stay in shape. Not to climb a fucking mountain!"
"Puro pambababae kasi ang inaatupag mo."
Ibinalik niya ang shades at muling sumunod kay Lario. He winced as he saw the rocky slope ahead. Malayo pa lang sila, pakiramdam niya ay namimintig na ang mga muscles sa kanyang binti.
Nakaipon din sa baba niyon ang karamihan sa hikers dahil three people at a time lang ang pwedeng umakyat. Aya and Uncle Hum were the last in line.
Aya looked so worried upon seeing the slope. Gusto niya itong lapitan para sabihing okay lang ang lahat. Kinda ironic considering he looked shit himself. But it seemed like his uncle was already doing a great job with reassuring her. Kung hindi lang niya kilala ang tiyuhin ay iisipin niyang nakikipag-flirt na ito kay Aya.
They waited until it was Aya and Uncle Hum's turn.
"Please lang, 'pag 'andun na tayo, 'wag mo 'kong tatawagin sa pangalan ko," pakiusap niya rito.
"Bakit?"
"'Wag ka nang magtanong."
In-adjust niya ang pagkakasuot ng ski mask saka sumunod kay Lario.
"Sundan mo lang 'yung mga tinatapakan at hinahawakan ko, 'pre. Kapag nahulog ka, bahala ka na sa buhay mo ha."
He was about to retort when Aya's head slightly turned to their direction. Mahirap nang makilala nito ang boses niya kaya't hindi siya nagsalita.
The first climb wasn't that hard. Pero habang tumataas ang posisyon nila ay mas nahihirapan siyang kumapit sa mga nakausling bato at ugat ng puno sa lupa.
"Ang kupad mo naman Vin—"
Hinampas niya nang malakas ang binti ni Lario.
"Aray! May galit ka ba sa 'kin o akala mo lang na bato 'yung paa ko?"
"Sssh! Huwag kang maingay. Hindi ba't sabi ko, huwag mong babanggitin ang pangalan ko?"
"Ano ba kasing problema at ayaw mong pabanggit ang pangalan mo?" humina rin ang boses nito. "Para ka namang tanga n'yan eh."
Kanina pa siya nabubuwisit kay Lario. Ilang beses na siyang muntik mabisto nang dahil sa kadaldalan ng kupal na ito. Kung hindi lang talaga niya kailangan ang kababata ay kanina pa niya ito itinulak sa kung saan.
***
'WHERE the hell did they go?' Kanina pa sinusuyod ng tingin ni Vince ang buong campsite pero hindi niya matanaw sina Aya at Uncle Hum. He wasn't sure if they even made a stop when everyone else started taking a rest. Napasobra yata ang pagpapahuli nila ni Lario at napalayo na sa paningin nila ang dalawa.
"Pumasok sila d'un sa trail na papunta sa kambal ni Capulo." Napalingon siya kay Lario na siyang busy sa pagnguya ng chicharon. Ngumuso ito sa may likuran ng campsite kung saan may wooden trail sign na nakatarak sa lupa. Some of the letters were scraped off, but he could still make out the word DANGER written on the board.
May mga halamang tila sinadyang itanim sa palibot ng kahoy. At kung hindi lalampasan ng tingin ang malalaking ugat ng puno na nakausli sa lupa roon ay hindi pa mapapansin na may makipot na landas doon na pwedeng lakaran ng tao.
"D'yan ba 'yung kinukuwento dati ni Manang Siska na may portal daw papunta sa mundo ng mga engkanto?" tanong niya kay Lario.
"Oo. D'yan nawala 'yung anak niya eh."
"Sino 'yung sinabi mo kanina na nakita mong pumunta d'on?"
"Sino pa, eh 'di 'yung kanina pa natin sinusundan."
"Alam mo?" gulat siyang napalingon kay Lario.
"Ano bang akala mo sa 'kin, 'pre? Masyado ka kayang obyus sa pagsulyap-sulyap mo d'un sa tsiks kanina. 'Tapos, naka-costume ka pa d'yan na parang holdaper. Tsk, tsk. Pero 'nga pala, 'yung lalaking kasama niya, tito mo ba 'yun? Kamukha eh."
Sandali siyang nanahimik saka napamura nang malakas. "They went there?"
"Oo nga! Late reaction ka naman eh." Nagkamot ito ng ulo. "Kadadaan lang naman nila."
"Sundan na pala natin sila. Baka mamaya, mawala pa sila d'yan," he said briskly. Hindi siya naniniwala sa sabi-sabi ng matatanda patungkol sa parteng iyon ng bundok pero sasang-ayon siya na ang sinomang hindi pamilyar sa trail na iyon ay madaling maliligaw. Going there would definitely be a mistake for anyone.
'What are they thinking?'
Naglalakad na siya patungo sa bukana nang mapansing wala na siyang kasunod. Great. Not minding he was all alone now, he entered the mysterious trail.
Pakiramdam niya ay tumagos siya sa kabilang dimensyon. The air felt eerie and he could imagine hearing a suspenseful music playing in the background. Something about the ambience was off. Kakaiba ang porma ng mga puno, nagkalat ang iba't ibang klase ng bulaklak na noon lamang niya nakita. Parang gusto na niyang maniwala na lagusan nga iyon papunta sa mundo ng mga engkanto.
"Vince…" a cold, sharp voice called out from somewhere. His muscles froze and the hairs on the back of his neck stood on end.
'I certainly didn't sign up for this.'
"Vinceeyyy…"
That's it. I'm out. Tumalikod siya at muntik nang mapatalon nang biglang lumitaw si Aya mula sa kung saan.
There was as a small smug smile in the corner of her mouth, but her face was serious. "Scared now?"
He deliberately changed his voice, "I-I'm lost, Miss. Iyon ba ang daan pabalik sa campsite?" He then pointed past her shoulder.
She narrowed her eyes. "Just drop the act already, Zarona. Ako ang naaasiwa d'yan sa disguise mo eh."
Ibinulsa niya ang shades at tuluyang hinubad ang kanyang ski mask. Awkward siyang ngumiti. "Hey, Aya! Nandito ka rin pala. What a coincidence!"
Nanatiling seryoso ang anyo nito.
Napakamot siya sa kanyang sentido at mabilis na nag-isip ng alibi. "You're probably wondering why I'm here. Ang totoo, pinilit ako 'nung kababata kong si Lario at—"
"Why are you doing this?"
"Doing the what? Ah, this hiking crap? Yeah I know, this isn't really me. I'm just—"
"You confuse me."
Natigilan siya.
"Ang sabi mo sa 'kin kagabi, hindi mo 'ko pwedeng magustuhan. I get it, Vince. I'm just a toy for you. You're not capable of liking a woman for real. So anong ibig sabihin ng palabas mong 'to?" She took a sharp intake of breath. "Tumanggi kang sumama sa 'min at nagdahilan kang may ibang lakad. But you did this stupid disguise and followed us here. Ano ngayon ang gusto mong isipin ko?"
His mouth hung open, unable to think of what to say. How could Aya confront him like this two times in a row? Last night was already a friggin' holocaust, and now this?
"I'm just… making sure Uncle is okay," was his lame excuse.
She sighed impatiently.
"All right, fine." Itinaas niya ang dalawang kamay. "Sinundan ko kayo para masigurong okay ka. My uncle is crazy and his version of fun is not normal. Ni hindi siya marunong makipag-socialize sa mga tao. He loves going to strange places—like this one, obviously. Nag-alala lang ako na baka kung saan ka niya dalhin."
Mataman siya nitong pinag-aralan ng tingin na para bang inaanalisa nito ang bawat katagang binitawan niya. She seemed to be waiting to hear something else. Nang hindi na siya nagsalita pa ay bigla nitong inilayo ang mga mata. A shadow of disappointment swept across her pretty face.
He hated seeing it. His mind panicked. His eyebrows slammed together as he blurted out, "What? You want me to say that I was damn worried because I like you? Is that what you want to hear?"
'I will say it out loud if that's what it takes to get your smile back.'
Blood seemed to have rushed to her face. Her lips parted in disbelief and her eyes looked shocked as fuck. Oh no.
Aya shook her head. "You're really living up to your reputation as a certified heartless jerk, aren't you? You're hopeless." She angrily marched past him.
"Teka, saan ka pupunta?"
"Hahanapin ko ang uncle mo," walang-lingong sagot nito.
"Hintayin mo pala ako."
"Just go to hell, Vince!"
Napabuga siya ng hangin at napatingala sa langit. "Why do I suck at this whole romantic crap?" he mumbled to himself and followed Aya.