Chapter 20 - FINALE

NAPANGITI si Aya nang makatapos na ng limang kabanata sa bagong nobelang kanyang sinusulat. It took her two revisions before she found the right voice for her narration. Malaki ang naitulong ng maiksing bakasyon niya sa Laguna, kahit pa hindi iyon nagtapos sa isang masayang alaala.

It had been almost three weeks since that incident happened. Since she last spoke to Vince. Aminado siya na nami-miss niya ang lalaki. Minsan nga ay muntik na niyang sagutin ang tawag nito kung hindi lang siya napigilan ni Krissy.

Her feelings never changed. Mahal pa rin niya si Vince. But she wouldn't risk letting her heart fall down the rabbit hole. Sapat na sa kanya ang ilang araw na naranasan niyang maging masaya kasama ito. That he cared about her just as much as she cared about him.

But every dream has to end, right? The dreamer has to wake up back to reality.

Nag-ring ang phone niya. Madali niyang sinagot nang makitang si Krissy ang tumatawag.

"Hello?"

"Hi, Aya! Bukas na ang uwi mo, 'di ba? Tamang-tama, may pa-party si Mr. Gatchalian. Short notice."

"Pa-party? Para saan?"

Krissy hummed. "Ang narinig ko sa mga tsismosa nating officemates, farewell party daw."

Napakunot-noo siya. "Farewell party? Why would he leave his own company?"

"Hindi naman daw 'yung mismong company. Sa opisina lang. Basta pag-uwi mo, sabihan mo 'ko. Sunduin kita. Sige na, bye."

Magtatanong pa sana siya pero bigla na siya nitong binabaan.

A farewell party.

Sounded like another good distraction for her.

***

"NAG-BOOK ng resto bar si Mr. Gatchalian para sa farewell party niya?" hindi makapaniwalang komento ni Aya pagpasok nila sa establisimyentong iyon. Alam niyang big time ang kanilang boss, pero kilala ito ng lahat na isang dakilang kuripot. Noong huling christmas party nga nila ay nagpa-order lamang ito ng fast food value meals.

This place wasn't that huge but it sure looked cool and costly. The Townsnatch Grill & Resto Bar name sounded familiar as well. Kung hindi siya nagkakamali ay pagmamay-ari iyon ng pinsan ni Droy.

The lights were dim, and it looked like a band or something was about to perform on the stage. May dalawang lalaking nakaupo roon at may hawak na gitara. Naisip niyang baka acoustic performers ang mga ito. Napansin din niyang nakamaskara ang karamihan sa mga taong naroon.

"Kris, are we supposed to wear masks?" tanong niya nang hatakin siya ng kaibigan papunta sa bakanteng mesa sa gitna.

"Hindi naman."

"Teka, nasa'n sila? Bakit parang wala akong makilala dito na katrabaho natin? Sila ba 'yung nakamaskara?"

"Here you go!" Isang lalaki ang naglapag ng dalawang cocktail drinks sa mesa nila. Bago pa siya makapag-angat ng mukha ay mabilis itong nakaikot palayo sa kanila. He sounded like her friend, Hans. Pero imposible naman itong mapapadpad sa farewell party ni Mr. Gatchalian.

"This feels weird, Krissy."

"Relax ka lang at mag-enjoy." Siniko siya ng katabi at nginitian. "And by the way, ano man ang mangyari, palagi mong tatandaan kung gaano katibay ang pagkakaibigan natin. Na sobrang love kita, Aya."

Natawa siya. "Nasapian ka ba? Bakit ka nagda-drama d'yan? O dahil ba 'yan sa bagong heels mo? 'Yan 'yung model na gustung-gusto mong bilhin 'di ba? Akala ko ba naubusan ka na ng stock?" Kanina pa niya iyon napansin pero ngayon lang niya naalalang itanong. She remembered how devastated Krissy was when she failed to buy it the first time.

High-pitched na tumawa si Krissy at tinapik-tapik ang kanyang balikat. Okay, something was off. Ginagawa lamang nito iyon kapag kinakabahan ito. Inisang-lagok nito ang laman ng baso saka tumayo.

"Restroom lang ako, friend." Saka ito nagmamadaling umalis.

The sound of a guitar strum caught her attention. She felt goosebumps upon hearing the melody she knew by heart. Sininagan ng spotlight ang dalawang lalaking nasa stage. Both of them wore a hat.

"Yeah…

You are my fire

The one desire

Believe when I say

I want it that way."

Aya froze in her seat when she recognized that voice. Nang mag-angat ng mukha si Vince ay saktong sa kanya tumama ang nakangiting mga mata nito. He looked as handsome as ever and her heartbeat went haywire again.

"But we are two worlds apart

Can't reach to your heart

When you say

That I want it that way."

Binalingan niya ang katabi nitong tumutugtog din ng gitara at na-realize niyang si Droy iyon. What was going on right now?

Nilinga niya ang paligid para hanapin si Krissy pero hindi niya ito makita. Isang babae at lalaking may bitbit na kani-kanyang cocktail drinks ang nakiupo sa mesa niya. Sabay na nagtanggal ng maskara ang mga ito.

Her eyes widened in surprise. "Stace? Hans? What the hell is happening here?"

Itinuro ni Hans si Vince. "He and that, is happening."

Stacy sipped from her drink. "You broke him, Aya. He's like a different person now and it's kinda scary."

Bumalik kay Vince ang kanyang tingin. Feel na feel nito ang pagkanta, at mukhang matinding rehearsal ang ginawa nito at ni Droy para sa acoustic performance na iyon. She had seen Vince with a guitar before, but she didn't know he could actually play one.

"Tell me why

Ain't nothin' but a heartache

Tell me why

Ain't nothin' but a mistake

Tell me why

I never want to hear you say

I want it that way."

His deep gaze were melting her senses. Hinahaplos ng husky nitong boses ang kanyang puso. Nagsisimula nang mag-init ang kanyang mga mata at kinailangan niyang kagatin ang ibabang-labi upang pigilang mapaluha. Hindi niya inasahang gagawin ni Vince ang bagay na iyon.

Napuno ng palakpakan ang buong resto bar nang matapos ang kanta. Bumaha rin ang liwanag sa paligid at malinaw na niyang nakikita ang lahat ng guests na naroon. Tumayo si Vince at kinuha ang mikropono mula sa mic stand at bumaba ito sa stage. Hinubad din nito ang suot na sumbrero.

He addressed the crowd, "Thank you everyone for letting me hijack Droy's surprise engagement party." Pumailanlang ang malakas na tawanan sa ere.

Napakunot-noo siya kina Stacy at Hans. "Wait, this is—"

"Droy kinda announced it earlier. He and Pamela will finally get married next year," sabi ni Stacy. As if on cue, sabay-sabay na nagtanggal ng maskara ang guests at tumingin sa direksyon niya. Hindi siya makapaniwalang naroon ang halos lahat ng common friends nila ni Vince.

Nagmistula iyong mini-college reunion nila. Everyone smiled and waved at her. Nangapal tuloy ang kanyang mga pisngi. Hindi siya sanay na maging center-of-attention.

"Pero matagal na namang alam ng lahat ang tungkol d'on, so it's not really a surprise anymore if you think about it," segunda ni Hans saka hinimas-himas ang goatee nito. "You and Vince, on the other hand, are the real big news here."

Ibinalik niya ang mga mata kay Vince na siyang nahuli niyang nakatitig din sa kanya.

"Everyone here knows I'm not a 'relationship-type' of guy," paglalahad nito. People nodded and shouted a big yes. Vince grimaced and his eyes swept across the crowd. "Wow, thanks for the support guys. I really appreciate it."

Everyone laughed at his sarcasm.

"I know I played around and never in my awesome life did I ever imagine doing something like this."

Napangiti siya.

"I also didn't imagine I would fall in love with someone. That I would dream to be with her forever. Not to mention, kay Ayana Savalle. But I did. Madly." Sumikdo ang puso niya nang muling bumalik ang sinserong mga mata ni Vince sa kanya.

Inilagay nito ang palad sa dibdib. "I know you're scared, Aya. I'm scared too. Pero alam mo ba kung anong mas ikinatatakot ko? Iyong pakawalan ka nang basta. Dahil kapag nangyari 'yon, siguradong pagsisisihan ko iyon sa bawat segundo ng buhay ko. So why not take a leap of faith? If Droy and Pam were able to do it, if other couples did, then we can too. We can figure this out. But you have to trust me."

Napaluha na siya sa pagkakataong iyon.

"At kung hindi pa 'yon sapat para makumbinsi ka, just look around you. Everyone here is a witness. They all have your back. If I hurt you, I'm gonna have to answer to all of them."

Napapailing na itinakip niya ang mga palad sa mukha. Though honestly, she felt more touched than embarrassed. Vince was always full of tricks, but this time, she knew he wasn't just fooling around.

Naramdaman niyang tumayo si Stacy at nakita niya itong naglakad patungo sa direksyon ni Vince. Inabot ng lalaki dito ang mikropono saka ito lumapit sa kanya.

"So it happened, guys. Earth has officially turned upside down." Natawa sila sa biro ni Stacy. "Kidding aside, I'm so happy for everything that happened today. To Droy and Pam; to Vince and Aya! Cheers!"

Vince took her hand and brought her to the far back, close to the bar but away from everyone.

"I can't believe you did all these, Vince. Hijacking someone else's party, singing a Backstreet Boys' song, bribing Krissy?" She would deal with her bestfriend later. Natanaw niya ito sa malayo, kausap ang isa sa mga dati niyang clubmate sa school. Kanina pa siya nito pinagtataguan.

Vince smiled smugly. "Noah taught me not to give up."

"Sinong Noah?"

"Noah sa The Notebook? That cheesy Nicholas Sparks' movie?"

"I haven't watched it."

Naningkit ang mga mata nito. "I thought every girl has seen it."

"Alam mong hindi ako mahilig sa mga gano'ng—wait, did you watch it?" natatawang tanong niya rito.

"Dammit, Miji!" Vince murmured.

Tumatawa pa rin siya nang bigla siyang kabigin ni Vince. Ipinulupot nito ang mapang-angking mga braso sa kanyang baywang at nanulay ang kakaibang init sa kanyang buong katawan. Nagwawala na namang muli ang kanyang puso sa halos pagdikit ng kanilang mga mukha.

She wrapped her arms around his neck and stared at his beautiful eyes. Then she asked softly, "Sigurado ka ba sa sitwasyong gusto mong pasukin, Vince? You'll get bored of me."

Tapat itong ngumiti. "Tell that to all those years I've been making excuses just to be around you."

Hinaplos ang puso niya sa narinig. Tumingkayad siya at hinagkan ang mga labi ni Vince. Then she whispered against their kiss. "If you cheat on me, I'm gonna break your leg. I'm gonna make you bleed and—"

"You really know how to turn me on, don't you?" he commented sarcastically. "Ang unang gagagawin ko bilang boyfriend mo, patitigilin na kitang manood ng gory movies."

Pinagtaasan niya ito ng kilay. "Sinong may sabing tayo na?"

"Hindi pa ba?" Napalabi itong parang batang pinagbawalang makipaglaro sa mga kaibigan.

She chuckled. "I'm just messing with you, Zarona."

"Sweet."

Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nila bago nagsalitang muli si Vince. "I love you, Poodle. And sorry for not saying that sooner."

Gumapang ang init sa kanyang mga pisngi at lumapad ang kanyang ngiti. "I love you too, jerk."

They were about to kiss again when they heard someone screamed nearby. Umikot siya at napansin ang isang tablet na nakaangkla sa ibabaw ng bar counter. Nakita niya sa screen ang mukha ni Miji, ng mommy ni Vince, at sa nakabukas na laptop sa tabi ng mga ito ay naka-flash ang Ate Lora nito.

"Hi Aya! We're so happy for you two," masayang bati ng mga ito sa kanila na akala mo ay sila ang na-engage. Awkward siyang napakaway sa mga ito saka mabilis na nilingon si Vince.

"What is that?" she asked through gritted teeth.

"They wanted a live stream. Pinilit nila ako. You know how convincing Zarona women can be." Pasimple itong umatras palayo sa kanya at painosenteng nagkamot ng ulo. "And I kinda… forgot they're still on when I brought you to this spot."

Pakiramdam niya ay nanigas ang buo niyang mukha.

Vince met her searing gaze and grinned like a fool. "But you still love me, right?"

**THE END**