Chereads / AFRAID TO FALL (Filipino novella) / Chapter 16 - The Master of Disguise

Chapter 16 - The Master of Disguise

SHE CLOSED her eyes and surrendered herself to nothingness. His lips were soft and warm, and his toe-curling kiss was causing her heart rate to shoot up every passing second.

Binitawan nito ang kanyang braso para hawakan ang gilid ng kanyang mukha. A sweet moan erupted from the back of her throat as his other hand grasped her waist, pulling her closer. Her nervous hands explored his biceps and slid down to his waist.

Their kiss deepened and her loud heartbeat blended with the sound of the leaves rustling in the warm wind. She wanted that moment to never end.

Vince pulled away slowly, resting his forehead against hers. His arms were wrapped around her back, just below her daypack. They were both gasping for air and tempted to kiss each other again.

"You said you can't like me. Why?" she asked, pulse still pumping hard in her veins. She thought maybe it was possible after all. That all these years, Vince felt the same way towards her, only he was hiding it through his damn tricks.

'The Master of Disguise…' katulad ng pamagat ng pelikulang pinahulaan sa kanya ni Mr. Hum kanina.

Vince closed his eyes and swallowed heavily, as if all his emotions were trapped in his throat. "Because I'm me, Aya. I don't know how this thing works. Liking a woman for real, being in love and committed to one person… This is too much and it scares me. I just don't want to hurt you in the end."

"Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?"

Napamulat ito ng mga mata pero hindi ito nagsalita. She wanted to say more but she couldn't bring herself to do it. Kahit siya ay natatakot din.

Nakarinig sila ng malakas na pagtikhim mula sa kanilang likuran. Madali silang napahiwalay sa isa't isa at kapwa sila nagulat nang makita si Mr. Hum, katabi ang lalaking naalala niyang kasama ni Vince kanina. Both of them looked shocked as well.

"We found you two, finally…" parang robot na wika ni Mr. Hum na siyang nagpapalit-palit ang tingin sa kanilang dalawa.

Nangapal ang kanyang mga pisngi at parang gusto niyang magtago sa likod ni Vince sa sobrang hiya. Nakita ba ni Mr. Hum ang nangyaring halikan sa pagitan nila?

She smiled awkwardly. "And'yan ka lang pala, Mr. Hum. K-Kanina ka pa namin hinahanap. Saan ka ba nanggaling?"

"How could you leave Aya just like that, Uncle?! Paano kung may nangyari sa kanya?" Vince's angry tone surprised her. Nakita din niya ang pag-igting ng panga nito.

She anxiously reached for his arm. "I'm fine, Vince. Hindi mo kailangang magalit sa unc—"

Vince ignored her. "You know people get lost here. Kung hindi ko pa siya sinundan…" Napakunot-noo ito na para bang may bigla itong napagtanto. Napansin din niya ang pagpipigil ng tawa ni Mr. Hum. What was happening?

Humberto glanced at her. "Sorry, Aya. Talagang may sinilip lang akong daan sa malayo, pero pagbalik ko, wala ka na. I thought you went back to the campsite. Doon ko nakasalubong si Lario."

May hinugot na supot si Lario mula sa bulsa nito. Ngumuya ito ng chicharon bago sumabad, "Sabi ko na nga ba, tito mo ito eh, Vince. Tinanong niya 'ko kung nasaan ka. Sinabi kong sumunod ka sa kanila kanina. Nag-alala kami na baka maligaw kayong dalawa kaya hinanap namin kayo. Kanina pa kami ikot ng ikot. Kung hindi pa namin narinig na nagtatalo kayo, hindi pa namin kayo masusundan dito."

Binalingan din siya ni Lario. "Lario nga pala, Miss. Kababata ako ni Vince."

"Nice meeting you." She smiled at him. "Aya."

"Mas maganda ka pala sa malapitan, ano? Kaya pala nababaliw itong si Vince eh."

"Shut up, Lario! Gusto mong itulak kita sa bangin?" banta ng lalaking katabi niya.

Natawa silang dalawa ni Lario. Inilapit nito ang isang kamay sa bibig na kunwari ay bumubulong, "Kita mo na? Patay na patay sa'yo, 'di ba?"

Humakbang si Vince palapit kay Lario at binigyan ito ng headlock.

"Aray ko naman, 'pre! Nagdyo-joke lang naman ako."

"Kanina ka pa eh. Hindi mo na nga ako sinamahan..."

Aliw na aliw siya sa panonood sa kulitan ng dalawa kaya naman hindi agad niya namalayan ang pagtabi ni Mr. Hum sa kanya.

"Did you find what you're looking for?"

Napatanga siya rito sandali. Was he talking about that thing between her and Vince? Na-tense tuloy siya. How could she talk about stuff like that with the man she's idolizing? Not to mention na pamangkin pa nito ang lalaking involved.

Ipinilig nito ang ulo at pinaningkitan siya ng mga mata. "I was asking about your story, Aya." 'Okay, I overreacted.'

Natatawang napailing siya sa sarili. Of course he was referring to that. Pasimple niyang sinulyapan muli si Vince. Busy ito sa kindergarten-style nitong pakikipagbugbugan kay Lario. But it was as if he felt her eyes on him that he looked up and smiled at her.

Ngumiti rin siya. "Yes, I did."

***

CERTIFIED playboy ang ama ni Vince bago nito na-realize na in love ito sa kanyang ina. They were childhood friends. His Kuya Charlie walked the same path. Mula sa pagiging babaero ay nagpakatino nang makilala ang babaeng pinakasalan nito.

Vince never thought of it as some kind of predestined enlightenment for the male species. He used to believe that relationships are just for people who are too scared to live their lives alone. That being in love only leads to dependence. Pero matapos ang nangyari sa araw na iyon, baka magbago na rin ang pananaw niya.

Binuksan niya ang cooler at kumuha ng dalawang coke-in-can doon.

"Bakit ang iingay ng mga tao dito? Alam ba nilang hindi pwedeng magambala ang mga elemento sa bundok?" Narinig niya ang boses ni Uncle Hum sa kanyang tabi. Lukot ang mukha nito habang iginagala ang tingin sa paligid. People were dancing and laughing and drinking around while an upbeat music was being played in the background.

They decided to finish the normal climb earlier and they even got the chance to swim in the falls. Pagkababa ng bundok ay niyaya sila ni Lario na sumali sa isang bonfire party na ginaganap sa kabilang panig ng Mt. Capulo. Kumakagat na ang dilim nang makarating sila roon.

Dalawang beses sa isang buwan ay nagho-host ng party ang hikers at locals sa paanan ng bundok. A symbol of feast after communing with nature. The tradition used to be ritualistic, na nagbago na lamang sa paglipas ng panahon.

Kahit sino ay welcome na um-attend. But the guests were encouraged to bring food or drinks to be shared with everyone. Chips at dalawang malalaking bag ng pretzels ang inambag ng grupo nila.

"That's why it's called a party, Uncle." Nginisian niya ang tiyuhin. Wala itong hilig sa mga ganoong kasiyahan. Napilit lamang ito ni Aya na sumama sa kanila. "Saka nasa baba tayo ng bundok. Malabong marinig nila tayo. I'm pretty sure they're having their own magical party up there."

Inagaw nito ang isang canned soda na hawak niya at walang sabi-sabing ininom iyon. "I'll never understand you, people."

He chuckled. "I-try mo kasing mamuhay nang normal."

"She looks so happy," sabi ng kanyang tiyo maya-maya. Nakatingin ito sa direksyon nina Aya at Lario. Nakaupo ang dalawa sa tree log na nasa tapat ng malaking bonfire. Aya was giggling while stealing glances at him, kaya't sigurado siyang inilalaglag na naman siya rito ng kababata niya.

Aya looked so adorable and watching her laughing like that felt like a bliss.

"You set us up, didn't you?" aniya.

"You were very suspicious the moment you refused my invite to come with us. I knew you'd follow us. I just didn't expect you'd disguise like an idiot."

Tinapunan niya ng matalim na sulyap ang tiyuhin pero tinawanan lamang siya nito.

"How come you don't have a woman in your life, Uncle? Tumatanda ka na. Wala ka bang balak na magpakasal?"

Sandali itong nanahimik saka tinapik-tapik ang balikat niya. "I need to write. Hanapin n'yo na lang ako kapag aalis na tayo."

"What? Hindi mo sinagot ang tanong—" At nilamon na ng dilim ang may sa-ninja niyang tiyuhin. Hindi niya nakita kung saan ito pumunta. How was he able to disappear just like that?

Napailing na lamang siya at dumampot muli ng isa pang coke-in-can. Bumalik siya kina Aya para lamang mapaigkas ang kilay sa narinig na usapan ng mga ito.

"Dumeretso talaga siya sa kanal n'un. Mabuti nga at mababaw lang eh. Tawa kami nang tawa ni Leny. Pati 'yung mga taong nakakita. N'ong umahon siya, takbo siya papunta sa ilog."

Sinasabi na nga ba niya at hindi niya dapat iniwan si Aya kay Lario.

"Get out of here, Lario!" singhal niya sa kababata at mas lalo pang naging masagana ang pagtawa ng dalawa.

"'Nga pala, 'pre, ikaw na ang bahalang maghatid sa 'kin mamaya ha."

"Bakit kita ihahatid? Taga-rito ka!"

"Para makita ka ni Misis. 'Di kasi naniwala 'yon n'ung sinabi ko na sinamahan kita dito sa bundok. Akala niya, mambababae ako."

Napakamot siya sa ulo. "Fine. Aalis ka na ba?" He discreetly gave him a leave-us-alone-now look. Kanina pa niya gustong masolo si Aya.

"Aalis lang ako kapag uminom kayo nito." Nagsalin ito ng kung anong alak sa takip ng boteng hawak nito.

"No, no. Ayokong uminom ngayon," mariing pagtanggi ni Aya. He knew she just didn't want to embarrass herself in front of her idol in case she got drunk.

"Ikaw, Vince?"

"Magda-drive ako. Ihahatid pa kita 'di ba?"

"Ang KJ n'yo namang dalawa! Sige na kahit isang shot lang."

Nagkatinginan sila ni Aya at kapwa napakibit-balikat. "Why not?"