Chereads / AFRAID TO FALL (Filipino novella) / Chapter 18 - Someone Worse

Chapter 18 - Someone Worse

THESE past two weeks had been nothing but a complete torture for Vince. Hindi nakokompleto ang kanyang tulog, hindi siya makapag-focus sa proyektong tinatrabaho. He even forgot how to enjoy the taste of food.

And worse, he made himself watch a chick flick about a crazy dude who hung from the bar of a ferris wheel just to get a girl agree on a date. Miji recommended it.

He badly needed salvation.

Ang sabi ni Google, tama lang na bigyan ng time at space ang isang babae. A sign of respect. Tanda na pinapahalagahan mo ang damdamin niya. Not everyone likes a possessive guy. Pero sa bawat pagdaan ng araw ay parang gusto niyang pagsisihan ang gabing hinayaan niyang umalis si Aya kasama si Steve.

For the last two weeks, he had been trying to call her but she wasn't answering. Wala rin ang magkapatid sa bahay ng mga ito ngayon kaya't hindi niya mapuntahan nang basta si Aya.

Wala ng pasok ang mga estudyante at nagbabakasyon si Aubrey sa kamag-anak ng mga ito sa probinsya. Si Aya naman ay kasalukuyang tumutuloy sa apartment ni Krissy. As if Aya had anticipated that he would try to camp outside their gate until she talked to him.

"I need your advice," sabi niya sa dalawang lalaking nakaupo sa tapat niya. Nasa dining room siya ng mga Zarona at katatapos lang niyang ikuwento ang lahat ng nangyari sa kanila ni Aya.

"Well anak, natutuwa ako na kami ang naisip mong puntahan para hingan ng payo sa problema mo sa pag-ibig," nakangiting wika ng daddy niya na itinaas pa ang hawak na bote ng beer bago iyon tinungga.

"To be fair, you're the only ones I knew who successfully turned from being notorious players back in your days."

Tumawa ang kanyang ama na kahit nasa mahigit sisenta na ang edad ay hindi pa rin nawawala ang malakas nitong karisma. Benedicto Zarona could still sweep their mother off her feet with just a simple wink.

"So let me get this straight," sabad ng Kuya Charlie niya na bahagyang dumukwang sa mesa. Kaharap nito ang laptop dahil may hinihintay raw itong importanteng email mula sa boss nito. "You fell in love with a woman. With Aya. Like, really in love?"

Naningkit ang mga mata niya. "Nangyari din 'to sa inyo? Bakit pagdating sa 'kin, parang hirap kayong maniwala?"

Ngumisi ang kapatid niya at ipinalo pa ang kamay sa mesa. "Welcome to the club, bro!"

Tinungga niya ang sariling bote ng beer. Did he make a mistake going back home?

"Sinubukan mo na ba siyang puntahan sa opisina, anak?"

Napabuntung-hininga siya. "I tried. But she wouldn't talk to me. Ni hindi ko siya malapitan nang dahil sa sobrang higpit ng bantay sa kanya n'ung dragon niyang kaibigan." Pinaikut-ikot niya ang bote sa mesa at frustrated na inalug-alog ang ulo. Hindi niya maalala kung ilang bote ng beer na ang kanyang nainom.

"I don't get why she doesn't want to talk to me. Fine. She's mad dahil tinawagan ko si Megan at pinapunta ko siya sa Laguna. But it was just a misunderstanding. I've already sent Aya a bunch of texts telling her that Megan and I are over."

Dumating ang mommy niya at naglapag ng isang mangkok ng nilagang mani sa mesa. "Importante ang personal touch, anak. Hindi maa-appreciate ni Aya ang text lang." Pinisil nito ang kamay niya saka ito tumalikod upang bumalik sa kusina.

"Thanks Mom," pahabol niya rito bago muling binalingan ang ama at kapatid. "I don't know how else to convince her."

"I can't believe na mas naïve ka pa kay Charlie, Vince!"

Kumunot ang noo niya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. "Is that Ate?" Inagaw niya mula sa kuya niya ang laptop nito at nagtagis ang bagang niya nang ma-realize na naka-video call pala sila kay Lora through Skype.

Tinapunan niya ng matalim na sulyap si Charlie na siya namang patay-malisyang ngumatngat ng mani.

"How long has she been here?" Kaya pala kanina pa panay ang silip nito sa monitor ng laptop at nagpipigil ng ngiti.

"Just long enough to hear your story." Charlie shrugged and wiggled his thick eyebrows. "And I mean from the top."

Binalingan niya ang ama.

"Wala akong alam," pagmamaang-maangan nito na itinaas pa ang dalawang kamay sa ere. "Parang 'di mo kilala 'yang mga kapatid mo."

He sighed sharply and looked at his sister. "This is all-boys only, Ate."

"Subukan mong i-disconnect ako at malalagot ka sa 'kin, Vince!" banta nito.

Inilayo niya ang mga daliri sa keyboard at napatuwid siya ng upo. "Nandito ako para humingi ng payo sa kanila."

"And I can't give you one?" Lora arched her brow. "Sino sa tingin mo ang naging daan para magkatuluyan ang Kuya Charlie at Ate Lynette mo?"

Napasulyap siya sa kuya niya. Kadadaan lang ng asawa nitong limang buwan nang nagdadalang-tao. Hinagkan ni Charlie ang tiyan ni Lynette saka siya nito nginitian. "Listen to her, Vince."

Ipinagkrus niya ang mga braso sa mesa at muling hinarap ang palabang mukha ng Ate Lora niya. "All right, I'm listening."

"Look, Aya left hindi dahil sa nagalit siya na pinapunta mo si Megan doon. Megan's appearance reminded her that a relationship with you is a gamble. Na kahit pa naniniwala si Aya na gusto mo siya, may chance pa rin na magsawa ka. Na maghanap ka ng iba. She thinks you're not ready to commit yourself completely to her. She got scared, Vince!"

Napasandal siya sa upuan at natulala sa mesa. Perhaps, a part of him already knew that. He just needed someone to confirm it.

"Mahal mo ba talaga si Aya, anak?"

Napatingin siya sa labas ng bintana ng dining room. Nasisilip doon ang kapiraso ng bahay nina Aya. "I think I've been in love with her ever since I caught her peeking through the window of her room. That girl and her fluffy hair." Napangiti siya sa sarili habang inaalala ang nakaraan.

"Do something to make her trust you," ani Lora.

"Iparamdam mo sa kanya na totoo ang pag-ibig mo," segunda ng ama nila.

Bumalik sa mga ito ang nagtatanong niyang mga mata. "Paano ko gagawin 'yun kung iniiwasan niya 'ko?"

Charlie's loud intake of breath caught his attention. Ipinagkrus nito ang mga kamay sa likod ng ulo. "Do you know how I got through to your sister-in-law?"

"How?"

"I wrestled with her five brothers. One by one."

"Did you win?" amused niyang tanong.

"Not a single fight. Pero tinanggap at minahal nila ako nang buong-puso." Charlie smiled painfully. "Actually, naawa sila sa 'kin."

Natawa silang lahat.

"I'm lucky Aya doesn't have a brother," he said in relief and chugged his beer. Until something horrifying dawned on him. "But she's got someone worse."