Chereads / AFRAID TO FALL (Filipino novella) / Chapter 19 - Befriending the Dragon

Chapter 19 - Befriending the Dragon

VINCE checked the time on his watch. Already passed three in the afternoon. Sakto sa paglabas ng mga empleyado mula sa eleventh floor ng building na nasa tapat niya. Limang araw na siyang pabalik-balik doon, nakatambay sa entrance habang hinihintay ang pakay niya.

Lumapad ang kanyang ngiti nang maaninag ang babaeng may pulang buhok. Awtomatiko naman ang pagsama ng timpla ng mukha nito nang makita siya.

"Nandito ka na naman?" Ipinagkrus ni Krissy ang mga braso. "Kelan mo ba 'ko tatantanan, Zarona? Nauumay na 'kong makita 'yang pagmumukha mo eh."

"Ouch! How could you say that to a man who's here, fighting for love?" pagdadrama niya.

She rolled her eyes and marched past him. Binuntutan niya ito.

"Ilang beses ko bang sasabihin na hinding-hindi mo makukuha sa 'kin ang address ng bahay ng kamag-anak nina Aya? I bet na kahit si Aubrey, hindi mo mapipilit na ilaglag ang ate niya."

Few days ago, nalamang niyang nag-file ng one week vacation leave si Aya at sumunod sa kapatid nito sa probinsya. Krissy might be Aya's bestfriend, but she was wrong about one thing. Matagal na niyang nakuha ang loob ng kapatid ni Aya at ito pa mismo ang kusang nagbigay sa kanya ng address ng tinutuluyan ng mga ito ngayon. Aubrey loved him. Ang sabi pa nito sa kanya minsan, "You're the only one I trust who can rescue Ate from her boring self. So yes, botong-boto ako sa'yo, Kuya Vince." What a sweet sister.

He could have driven straight to Vigan and confront Aya there. Pero hindi niya ginawa dahil may iba siyang plano. First step: Befriending the Dragon.

"Have coffee with me and I promise that I'll never bother you anymore," pagyaya niya kay Krissy.

Krissy stopped to face him and laughed incredulously. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Nag-aaksaya ka lang ng panahon, Zarona. Wala kang mapapala sa—."

"Thirty minutes," seryosong putol niya sa litanya nito. "Just hear me out for thirty minutes and I'll leave you alone."

"Fine. Thirty minutes, pero treat mo lahat ha."

"No problem." He smiled shrewdly. "May kukunin lang ako sa kotse ko."

***

IT WAS definitely a major problem. Halos lahat yata ng nasa menu ng coffee shop na iyon ay in-order ni Krissy. The crew had to literally place two more tables beside them. Asikasong-asikaso sila. Ang akala yata ng mga ito ay blogger sila at naroon sila para i-review ang store ng mga ito.

'RIP credit card.' Hindi niya akalaing magastos pala ang ma-in love.

"So Vince, wala ka bang idadagdag d'yan sa order mong tubig?" The she-devil smiled at him. He forced himself to smile back, alang-alang sa pinaglalaban niyang pag-ibig.

"Ipapaalala ko lang na nagsisimula na ang thirty minutes mo," anito bago sumimsim ng frappé-number one.

"I'm in love with your bestfriend," straightforward niyang sabi.

Krissy waved her hand dismissively. "Thirty-six times mo nang sinabi 'yan sa 'kin. Hindi pa rin ako naniniwala sa'yo. "

"What can I do to convince you then?"

Tinignan siya nito nang deretso. "Kahit ano pang sabihin o gawin mo, hinding-hindi mo ako makukumbinsi na tulungan ka kay Aya. Matagal ko nang sinasabi na hindi ka para sa kanya. Sasaktan mo lang siya eh. Oh wait!" She gasped dramatically. "Binigyan mo na nga pala siya ng 'pain teaser' last time. You remember that, right?"

Sinimulan na nitong lantakan ang cake slices na nakahain doon. He quietly observed her for a while and then he smiled. Inangat niya ang paper bag na nakalapag sa may paanan niya at ipinatong iyon sa mesa.

Krissy arched her brow at the paper bag. "So you're bribing me now, Zarona? Nice try. Pero hindi mo ako madadaan sa mga gan'yang palabas mo."

The corner of his mouth turned up and he folded his arms. "Bakit hindi mo muna silipin ang laman?"

Ilang sandali siyang pinag-aralan ng tingin ni Krissy bago nito hinablot ang paper bag at inilabas ang kahong nasa loob niyon. Narinig niya ang pagsinghap nito nang mabasa ang brand name na naka-imprenta sa kahon.

Pero hindi pa rin ito basta nagpadaig sa kanya.

"You really think you can buy me off with a pair of shoes?" She scoffed, lifting the lid of the box. Saka biglang nanlaki ang mga mata nito. "Oh my God! Limited edition 'to ng Prada, ah? Ang tagal kong nag-ipon para dito pero hindi ako nakaabot sa—"

He stifled a grin.

Sumimangot ito sabay tago ng mga sapatos sa kahon. May pag-aatubiling inusod nito iyon papunta sa kanya. Humalukipkip ito at sumandal sa upuan. "Mas mahalaga sa 'kin ang kapakanan ni Aya. So take those… l-lovely shoes away. Because I will not sell my bestfriend out!"