HINDI na naman makatulog si Aya nang gabing iyon. The lavender candle was not helping for some reasons. Or maybe it was really the house. Bumangon siya at nagpasyang magpahangin sa labas.
Nasa hallway na siya nang mapansin ang nakasinding ilaw sa kuwarto ni Humberto. Bukas ang pinto kaya't nasilip niya itong nakaupo sa tapat ng desk at nagta-type ng kung ano sa laptop.
"Come in and don't just stand there," sabi nitong napansin yata siya mula sa sulok ng mata nito. "I've got enough ghosts staring at me from that doorway."
Kinilabutan siya sa huling tinuran nito at napalingon sa kanyang magkabilang tabi. Nang makaramdam ng panlalamig ay mabibilis ang mga hakbang na pumasok siya sa loob ng silid.
"G-Gusto mo bang isara ko ang pinto, Mr. Hum?"
Matagal nitong tinitigan ang pintuan na para bang may nakikita talaga itong kung ano roon. Mabilis siyang sumilip doon pero wala naman siyang natanaw kung hindi purong dilim.
"No. Hayaan mo lang na nakabukas," malalim na sagot ng lalaki at ibinalik ang atensyon sa pagtipa sa keyboard.
Umikot siya sa kabilang panig ng kama at doon umupo. 'Just to be safe.' Sumilip siya sa monitor ng laptop nito. "A-Anong ginagawa mo, Mr. Hum?"
"Writing my first chapter."
Nagliwanag ang kanyang anyo, biglang nakalimutan ang tungkol sa mga multo. "Nagsusulat ka ulit? That sounds exciting! Simula nang maging EIC ka, ang akala namin ay hindi ka na ulit magsusulat."
Tumigil ito sa pag-type at sumandal sa upuan. "I thought so too."
Tumayo siya at nilapitan ang wooden bookshelf. She pretended to be checking out the dusty books just so she could get a clear view of his expression. Hindi niya ito masyadong na-interview kanina dahil palagi siyang hindi pinasisingit ni Vince.
"Pwede ko bang malaman kung bakit hindi ka na talaga nagsulat? I know you've been busy with your EIC position. But writing is your real passion, right? It's your life."
Seryoso itong napatitig sa monitor ng laptop. Humberto had sad-looking eyes. May pagkakahawig ito kay Vince pero mas masculine at mysterious ang dating nito. He was actually good-looking if you'd just imagine him without his moustache and thick beard.
Minsang sinabi ni Vince na walang hilig sa mga babae si Mr. Hum. Naisip tuloy niya na baka naman lalaki ang hanap nito. She laughed to herself. Whatever his personal preference was, it wouldn't change the fact that he's a brilliant writer.
"It's all because of that woman," seryosong sagot nito.
"Woman?"
"Iyong may sakit na babaeng nakilala ko noon na nagsabing hindi niya gusto ang mga kuwento ko dahil wala sa mga iyon ang nagparamdam sa kanya ng buhay."
Nasorpresa siyang marinig iyon. She knew Humberto as someone who never cared about criticisms.
"She said that, until I find a story that could make her feel alive, I shouldn't call myself a writer."
"Okay, t-that was..." She gasped in disbelief. "I-I don't understand. Tumigil ka sa pagsusulat nang dahil lang sa may isang taong nagsabi sa'yo na hindi niya gusto ang mga kuwento mo?"
She couldn't wrap her mind around it. This great writer she idolized so much… this man who became the reason why she started writing…
"I'm sorry to say this, but that sounds shallow and bullshit!" hindi niya napigilang mapabulalas. She was clenching and unclasping her hands. It wasn't easy to say those words to the person she admired so much.
"Bakit ka nagsusulat, Aya?"
Napakurap siya sa tanong nito. "Because you inspired me. Nang dahil sa mga nobelang isinulat mo, nadiskubre ko ang passion ko sa pagsusulat. Sa paggawa ng exciting na mga kuwento. I want to make stories that can inspire others as well."
Tumingin ito sa malayo. "I started writing because those stories kept bothering me. They were driving me insane. I wrote for myself. I wrote for the readers. But I never wrote for a particular person yet."
Naguluhan siya sa sinabi nito.
Ngumiti ito at sinalubong ang kanyang tingin. "I stopped writing because I wanted to make a story for that woman. A story that would make her feel alive. For a long time, I tried to search for the perfect one."
Napaawang ang kanyang mga labi sa isang realisasyon. She finally understood what he meant. "Kaya ba naisipan mong i-trek ang buong Appalachian Trail?"
Tumango ito. "Five months of communing with nature… I finally found it."
Nahihiya siyang ngumiti sa lalaki. "Pasensya ka na, Mr. Hum. I didn't mean to react that way earlier."
He shook his head. "Don't worry about it. Sinabi sa 'kin ni Vince kung bakit ka niya dinala dito. I want to help."
Na-excite siya sa narinig. "T-Talaga?"
"There's this place in the mountain I used to visit whenever I get writer's block. It helps all the time. Gusto mo bang sumama sa 'kin bukas?"
Sunud-sunod ang kanyang pagtango.
"Wake up early," simpleng sabi nito saka muling nag-type sa laptop nito.
"Okay, goodnight. Thank you, Mr. Hum," sabi niyang pinipilit itago ang excitement sa kanyang tinig. Nasa pintuan na siya nang magsalita itong muli.
"Alam mo ba ang totoong rason kung bakit na-reject ang mga manuscript na ipinasa mo noon?"
Natigilan siya't napalingon sa lalaki. Nakatutok pa rin ang mga mata nito sa monitor. Sunud-sunod na kumalabog ang dibdib niya. Totoong rason? Sinasabi na nga ba niya at may ibang dahilan pa kung bakit hindi tinanggap ng Triskelion ang kanyang mga akda.
Rumagasa ang tensyon sa buong katawan niya. Getting a feedback directly from the Triskelion's Editor-in-Chief was not something she would experience everyday.
"I personally rejected them."
Napasinghap siya.
"Your stories have so much potential, Aya. But you're afraid to take risks."
"I don't…"
He glanced at her, his sad eyes seemed to be giving her a riddle to solve. "Every time you'd write a scene that would become a risky turn in the plot, you'd kill it midway just to play the story safe."
Hindi siya nakaimik.
"Why not take a leap of faith and see how it goes?" He smiled cryptically. "Goodnight, Aya."
Tahimik siyang tumalikod at napahinto sa paglalakad nang makasalubong si Vince sa hallway. Abot pa ng liwanag mula sa kuwarto ni Mr. Hum ang kinatatayuan nila kaya't kita niya ang seryosong ekspresyon sa mukha nito. Na para bang kanina pa ito roon at nakikinig sa usapan nila ng tiyuhin nito.
"Vince… bakit gising ka pa?"
"Bakit gising ka pa?" He parotted.
"Hindi ulit ako makatulog. Magpapahangin sana ako sa labas pero…" Mariing naglapat ang kanyang mga labi nang may maalala. She clenched her fists on her side—not because of anger—but because she was feeling tensed.
Humugot siya ng malalim na hininga at tinignan nang deretso si Vince. "Why didn't you want me to go out with Steve?"
"I don't trust him," simpleng tugon nito.
"Hindi ba dapat ako ang mag-decide kung dapat ko siyang pagkatiwalaan o hindi?"
Hindi ito sumagot.
"Why don't you trust him?"
"He's too good to be true, Aya. Every man like him must be hiding something under his skin."
Umiling-iling siya. "No. That's not the answer."
Kumunot ang noo nito. "May ibang sagot ka bang inaasahang marinig?"
She was unsure how to deliver her next question. Napapaso siya sa mga mata nitong nakatutok sa kanya. Ramdam niya ang pangangapal ng kanyang mga pisngi at ang kagustuhang tumakbo pabalik sa kanyang kuwarto.
Until she found herself voicing out, "Do you like me, Vince?"
There was a slight twitch in the corner of his eyes. His mouth popped open and closed. She waited for a reaction. She waited for any other movement from him. For any sound that would slip past his lips.
Anything…
But then he laughed. "You're messing with me, right? Come on, hindi mo ako madadali sa mga gan'yan."
Of course, he would react this way.
Pero hindi siya nagpatinag. "I'm serious, Vince."
Napahinto ito sa pagtawa. There was a sudden uncertainty in his face. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at sandaling tumungo. Nang mag-angat itong muli ng tingin sa kanya, may kalkuladong ngiti na ito sa mga labi.
"I can't like you, Aya. You know that." He took his hands off her. "I'm thirsty. Gusto mong sumama sa 'kin sa baba?"
Hindi siya sumagot.
"Goodnight." Iyon lang at tinalikuran siya nito.
He left her. Just like that.
May kirot siyang naramdaman sa kanyang dibdib. Ang sulok ng kanyang mga mata ay biglang nag-init. Saka gumuhit ang mapaklang ngiti sa kanyang mga labi.
So much for taking a leap of faith.