Chereads / AFRAID TO FALL (Filipino novella) / Chapter 13 - Teenage Boy

Chapter 13 - Teenage Boy

AYA wondered how long had she been in denial with her true feelings. When did it all start? Was it during their college days? O baka naman noong nasa high school pa lang sila ay may lihim na siyang pagtingin kay Vince.

Hindi siya iyong tipo na basta na lang nagkaka-crush sa isang lalaki. All of her crushes were cherry-picked. It didn't matter if she really liked the guy overall as long as he had these four traits: good-looking, smart, gentleman, at may pagka-nerd. A literal checklist.

Napapaisip tuloy siya kung talaga bang nagustuhan niya si Steve o pinilit lang niyang gustuhin ito.

It was all different when she first met Vince. Iyong araw na dumungaw siya sa bintana ng kanyang kuwarto upang silipin kung sino iyong mga bagong-lipat sa katapat nilang bahay. A happy and complete family. There were two young adults, a kid younger than Aubrey, and a teenage boy who looked the same age as her.

The boy was skinny and tall and cute. Palagi itong nakatawa at hindi mabitawan ang hawak na skateboard. She didn't like him. She thought he was just the same as the other boys who knew nothing but to play all day long and make fun of others. Hindi siya nagkamali. Vince loved to tease and flirt around. He wasn't academically smart but he was great at his own craft.

And he would always notice her. Punuin man ng sangkatutak na babae ang isang silid, siya ang unang makikita nito.

"Are you all right, Aya?" untag sa kanya ni Humberto. Katatapos lang nitong kausapin ang kakilala nitong local guide. Sasabay sila sa hawak nitong grupo ng hikers hanggang sa paglampas ng talon. Pagkatapos niyon ay magsasarili na sila ng lakad.

She smiled at him. "Okay lang ako, Mr. Hum. Start na ba?" Napalibot ang kanyang tingin sa ibang hikers. Sa tantiya niya ay nasa humigit-kumulang kinse na katao ang naroon. May magbabarkada, solo travellers, at katulad nila na magkapareha. Hindi nagtagal ay binabagtas na nila ang landas patungo sa bundok.

The trek to the foot of the mountain would take an hour according to Mr. Hum. Sinamantala niya ang pagkakataon upang kumuha ng ilang video clips to document their hike. Naisip niyang baka makatulong iyon sa kanyang pagsusulat. She made sure to bring her power bank just in case. Cellphone lang kasi ang gamit niya.

Una niyang binidyuhan ang sarili saka inikot ang camera sa iba nilang kasama. Inirespeto niya ang pagtanggi ni Mr. Hum na makunan ito ng litrato o video.

Smooth at straight ang trail kaya't madali siyang nakapaglakad nang patalikod habang kinukunan ang pinanggalingan nila. She noticed two men who were trailing behind. Hindi niya nakita ang mga ito kanina kaya't naisip niyang kabilang sa ibang grupo ang dalawa.

The shorter man seemed to be one of the locals, probably another guide. Ang talagang nakaagaw ng atensyon niya ay ang matangkad na lalaking kasama nito na nakasuot ng I Love Laguna shirt at convertible pants. Natatakpan ang mukha ng steampunk sunglasses at grey ski mask.

'This guy is definitely weird.'

Mabilis siyang tumalikod bago pa nito mapansin na nakatitig siya rito. The trail dilated a bit and she was able to catch up with Mr. Hum.

"Sinubukan kong pasamahin si Vince pero tinanggihan niya 'ko kagabi," sabi ni Humberto.

"Malabo naman talagang mapasama ang lalaking 'yon. That's like asking someone to jump off a building," she scoffed. "Walang tiyaga sa mga ganitong outdoor activites ang pamangkin mo, Mr. Hum. Baka nga 'di pa tumagal ng sampung minuto sa paglalakad 'yon eh."

He chuckled. "Ang sabi niya, may ibang lakad siya ngayon."

Natigilan siya saglit. "He's probably gonna hang out with Leny again." She hoped Mr. Hum didn't notice the bitterness in her tone.

They reached a hut and rested there for a while. Pinaalalahanan sila ng guide na magiging challenging ang ascent nila pero sulit naman daw kapag narating nila ang talon kung saan sila pwedeng magtampisaw. It sounded fun, pero gaya nga ng sabi ni Mr. Hum, iba ang pakay nila sa bundok na iyon.

"Pagdating natin sa next campsite, advice lang namin na 'wag kayong lumayo sa grupo. May mapanlokong trail doon na konektado sa kabilang bundok—'yung sinasabi nilang evil twin nitong Mt. Capulo. Marami na'ng naligaw sa bundok na 'yon kaya't talagang iniiwas namin ang hikers doon."

The idea of an evil mountain triggered her imagination.

"Mr. Hum, 'yun ba ang sinasabi mong pupuntahan natin?" she asked in a low voice.

"If you're worried about getting lost, don't. I've been in and out of that trail. Buhay pa naman ako."

Napangiti siya. Malaki naman ang tiwala niya kay Mr. Hum kaya't sapat na ang sinabi nito para mapanatag ang kanyang loob.

Matapos mag-save ng notes sa phone ay napatanaw siya sa malaki at matandang puno na nadaanan nila kanina. The two men she saw earlier were resting under that tree, all by themselves.

Naba-bother talaga siya doon sa lalaking naka-ski mask. He seemed so familiar. His build, his posture… even the funny way of how he shifted his head every time her eyes were on him.

Natatawang napailing na lamang siya sa kanyang sarili. What am I thinking? It can't be him.

"Would you like to play a guess-a-movie game, Aya?" pukaw sa kanya ng boses ni Mr. Hum. Nakasandal ito sa haligi ng kubo habang nakapikit.

"Guess a movie?" she replied amusingly.

"Four words. English. Am I not turtley enough for your turtle club?"

***

DAGLING tumalikod si Vince nang mapatingin sa direksyon nila si Aya. Kinuha niya mula sa gilid ng backpack ang water bottle.

"Hindi ba naiinitan 'yang ulo mo, Vince? Mukha kang NPA d'yan sa itsura mo. Nakakahiya ka."

Bahagya niyang ibinaba ang shades para tapunan ng matalim na sulyap ang lalaking nakaupo sa tapat niya at kung makapaglukot ng mukha ay para bang ang tindi ng pandidiri sa kanya. Naka-lotus feet ito sa damuhan at nakakrus ang maiiksing mga braso.

Katulad ni Leny ay kababata rin niya si Lario. Ito ang madalas niyang kalaro noong mga panahong doon pa sila sa ancestral house nakatira ng pamilya niya. Maraming kalokohan na rin silang pinagsamahang dalawa.

"Ayokong umitim ang mukha ko," sabi niya.

"Kung makapagsalita ka, parang ang puti-puti mo ah! Eh lamang ka lang naman ng ilang paligo sa 'kin. Nognog ka rin kaya n'ung mga bata tayo. Nakulob lang nang konti 'yang balat mo ngayon."

Ibinola niya ang hawak na face towel at ibinato iyon kay Lario. Humalakhak ang loko.

Iinom sana siyang muli ng tubig nang mapatalon mula sa kinauupuan. "Aw, what the fuck!" Nanghilakbot siya nang makitang ginagapangan ng mga hantik ang braso niya. Mabilis siyang lumayo sa puno at pinagpagan ang sarili.

Narinig na naman niya ang nakakalokong tawa ni Lario. "Karma ang tawag d'yan, 'pre—tang-ina!" Ito naman ang napatayo nang pumasok sa loob ng shorts nito ang mga higanteng langgam.

"Karma back to you!" He's the one laughing now.

"Bakit ba kasi tayo nandito?" inis na sabi nito. "Pwede naman tayo d'un sa kubo. Tropa ko 'yung guide nilang si Alvin. Kanina pa nga niya 'ko sinesenyasang lumapit eh."

Napabalik ang tingin niya kina Aya. Inaalalayan ito ni Uncle Hum sa pagsukbit ng daypack sa likod nito. Gusto niyang matawa. Mukha bang pre-schooler si Aya?

Pero nagbago ang mood niya nang makitang pumisil ang kamay ng kanyang tiyo sa braso nito. What the hell was that about?

"Teka nga, ano ba talagang nangyari d'un sa kasama mo? Ang sabi mo sa 'kin sa phone n'ung bago ka umuwi, dalawa kayong aakyat ng Mt. Capulo," ani Lario na nakatuon pa rin ang atensyon sa pagpapagpag ng shorts.

His confused gaze was still locked on Aya and Uncle Hum. The two were laughing at each other now as if some genie had magically made them the best of friends. Kahit minsan ay hindi pa niya nakita ang ganito kasayang anyo ng kanyang weirdong tiyuhin.

'What is going on right now?'

"Hoy Vince, bingi ka na ba? Tinatanong kita kung anong nangyari d'un sa—"

"Busy siya!" inis niyang naisambulat. "Bilisan mo nga d'yan. Paalis na sila oh."

"O ba't parang bigla kang na-badtrip d'yan? Inakyatan ba ng hantik 'yang ulo mo?"