THIS was the worst morning in Aya's life. Pakiramdam niya ay binibiyak ng electric chainsaw ang kanyang ulo at ipinapasok sa meat grinder ang kanyang sikmura. Pasado alas-onse na ng umaga. Natutukso siyang humiga ulit pero alam niyang mas malala ang sakit ng ulo na dadanasin niya sa oversleeping.
Napasulyap siya sa kuwarto ni Vince. Sobra ang pagkalasing niya kagabi pero malinaw pa rin niyang naaalala ang lahat ng nangyari. Ang pakiramdam ng mga labi ni Vince… ang halik nitong nagpatunaw sa kanyang mga tuhod…
When she realized her fingers were on her lips, she quickly pulled her hand away. Whatever happened last night, happened because they were both wasted. 'Iyon lang, Aya. Stop thinking about it.'
Dinatnan niya sa kusina ang sisenta anyos na katiwala ng bahay. Gumuhit ang malambot na ngiti sa mga labi nito nang makita siya. "Gising ka na pala, Aya."
She smiled back. "Ahm, si Vince po ba gising na?"
"Ay oo, kanina pa. Umalis lang, pumunta sa bayan. Tamang-tama at malapit na 'kong matapos magluto ng tanghalian. Umupo ka muna d'yan," sabi ni Aling Nila.
Kasabay ng pag-upo niya ay ang pagkirot muli ng kanyang ulo. Sandaling nawala si Aling Nila at sa pagbalik nito ay may bitbit na itong isang tasang may lamang tsaa. Nanuot sa kanyang ilong ang maanghang na amoy ng pinakulong luya.
"Inumin mo muna. Bilin sa 'kin ni Vince na paggising mo ay ipagtimpla kita niyan para sa hangover mo."
"Salamat po." She sipped from the cup and the warm, zesty liquid stung her throat. May nalasahan siyang kaunting honey. She wasn't a fan of the taste but she could tell it was working. Her stomach finally stopped roiling.
"Sinabi po ba ni Vince kung anong oras siya babalik?" tanong niya sa matanda.
"Wala siyang sinabing eksaktong oras eh, pero mukhang hindi siya rito manananghalian. Ipaghahain na kita."
"Sige po. Salamat ulit." Napasilip siya sa labas ng bintana. Wala roon ang kotse ni Vince. She was hungry as hell but she seemed to have lost her appetite.
***
AYA spent her afternoon conceptualizing a tri-gen story in Uncle Hum's old room. Nakalimutan ni Aubrey na ipadala ang kanyang laptop pero mabuti na lang at lagi siyang may bitbit na ballpen at notebook sa kanyang shoulder bag.
So far so good. The creepy ambience of the house helped a lot. Scenes kept popping into her head until she hit a brick—hindi dahil sa naubos ang creative juices niya. The thought of Vince and their kiss kept distracting her.
Napasandal siya sa upuan at napatingala sa kisame. Nagpakawala siya ng malalim na buntung-hininga.
"Just alcohol and wild hormones," sambit niya sa sarili saka minasahe ang sentido.
Napapitlag siya sa tunog ng makina ng sasakyan sa labas. Natawa siya sa kanyang sarili nang kamuntikan na siyang matumba sa upuan. What was she excited for? She rose to her feet and forced herself to act normal as she went downstairs.
Sandali pang nagtalo ang isip niya kung magkukunwari ba siyang nagpapahinga sa sala. But she found herself in the doorway, waiting for Vince to get out of his car. Natanaw niya itong may bitbit na mga supot na sa tingin niya ay puro pagkain ang laman.
Lalapitan sana niya ito nang mapahinto sa pagbukas ng passenger's seat. A ponytailed woman with smooth brown skin came out, laughing at whatever joke Vince must have told her.
"Ikaw kaya ang nakabasag sa aquarium ni Manang Siska. Si Lario lang ang itinuro mo." She was able to hear their conversation once they were within her earshot. The woman's voice sounded flirty.
"Kasalanan naman talaga ni Lario 'yon. Ginulat niya 'ko eh." Mas nairita yata siya sa narinig na masaganang tawa ni Vince.
Tatalikod na sana siya pero nauna siyang makita ng dalawa.
"Oh, gising ka na pala!" pagtawag sa kanya ni Vince. "Lens, this is Aya, 'yung ikinuwento ko sa'yong kaibigan ko na nagpasama sa 'kin dito."
'Nagpasama? Tadyakan kaya kita d'yan!' anas niya sa isip.
"Ah, 'yung writer!" manghang wika ng babae. Ngumiti ito sa kanya. "I'm Leny, kababata ako ni Vince."
"Nice meeting you." She faked a smile and then turned to Vince, who looked nothing short of his old self. Like a guy who happened to kiss a girl one night and conveniently forgot about it the next day.
And this was what he had been doing all morning. Hanging out with his childhood friend? Hindi ba dapat siya ang sinasamahan nito? He dragged her here. He promised that he would help her with her story.
'But this is Vince we're talking about,' paalala ng utak niya. She should get used to the fact that picking up girls would always be part of his routine.
"May dala kaming mainit na bibingka at espasol. Masarap 'to. Lola ni Leny ang gumawa," pagbibida ni Vince sa mga supot na dala.
"Oo nga. Sigurado akong magugustuhan mo 'yan, Aya. Sumabay ka na sa 'ming magmeryenda."
Umiling siya. "Thanks, pero ang totoo, paalis ako ngayon. Balak ko sanang mamasyal sa bayan. Kayo na lang."
***
AYA couldn't think of any other way to distract herself but to leave the house. Mabuti na lang at hindi siya binigo ng mga establisimiyentong nakita sa bayan. May nadaanan siyang mga tindahan na nagbebenta ng musical instruments na gawa sa kahoy.
Napaikot din siya sa malaking shop na puno ng samu't saring handicrafts. There were hats, slippers, kitchenwares and more. Bumili siya ng wood-carved na owl penholder. Tinawagan niya si Aubrey para tanungin ito at si Miji kung anong pasalubong ang gusto ng mga ito. She also bought a cute rattan bag for Krissy.
Nang makaramdam ng gutom ay napatigil siya sa nadaanang karinderya. Um-order siya ng pancit at bagong lutong sinukmani.
"Aya?"
Natigilan siya sa narinig na boses ng lalaki. That familiar handsome voice. Nang lingunin niya ito ay kamuntikan na siyang mabilaukan.
Mabilis niyang nilulon ang kasusubo lang niyang pancit. "Oh my God, Steve? Ikaw ba 'yan?"
"Can I join you here?" Kinilig siya nang ngumiti ito nang matamis sa kanya. Apat na taon na ang lumipas pero halos walang ipinagbago ang itsura ni Steve—maliban sa Ivy League haircut nito. He used to have a brooding look in college, but she kinda liked this new sunny vibe of his.
"S-Sure."
Umupo si Steve sa tapat niya at inilapag sa mesa ang sariling plato ng pancit. Nangangalahati na iyon. "I was sitting in the far corner when I saw you here. Hindi pa ako sigurado kanina kung ikaw nga talaga 'yan. Of all places, hindi ko inasahan na dito kita makikita."
"I'm just here for a three-day vacation. Ikaw? Ang akala ko ay nasa Paris ka ngayon."
"Yeah, actually I'm on leave. Kagagaling ko lang sa Pampanga, from my parent's house. Sina Lolo at Lola naman ang binisita ko dito."
"Oh I see. Kelan ka pa umuwi?"
"Almost two weeks ago. By the way, I came to Stacy's party. Sayang at hindi tayo nagpang-abot."
"W-Wait, you were there?"
His small eyes beamed. "Yeah, I actually tried to look for you n'ong narinig kong nando'n ka rin. Pero ang sabi nina Stacy at Vince, umuwi ka agad."
"I didn't know that you were…" Natigilan siya nang maalala si Vince at at ang ginawa nitong pagtatapon ng honey syrup sa damit niya.
She picked up her pineapple juice and hid her fury behind the rim of the glass.
"Sinubukan ko ring ipagtanong ang contact info mo from the others, but they all said they don't have it—which was a bit weird actually, considering they're your friends."
Of course Vince would pull off something like that. 'I should've done more than slashing his tires.'
Mahinahon niyang ibinaba ang baso at nginitian si Steve. Hindi niya hahayaang masira ang moment nilang ito. "Bakit mo nga pala ako gustong makausap?"
That must have sounded awkward dahil sandaling iniwas ni Steve ang mga mata sa kanya. "I honestly wanted to apologize for how I acted… n'ong grad day. I know this sounds silly dahil four years na ang lumipas, but I really want to clear the air between us."
"No, it's okay. Pero ako na ang magsasabi na walang katotohanan kung ano man ang sinabi ni Vince sa'yo tungkol sa 'kin. He was born to make my life miserable."
Natawa si Steve. "I know. I realized it wasn't true anyway. Hindi na lang kita nakompronta noon kasi napaaga ang schedule ng pag-alis ko papuntang France. Besides, I was afraid that if we talk again, I won't be able to leave anymore."
Napatanga siya kay Steve. What the hell did he mean by that?
Uminom ito ng soda. "I thought you and Vince ended up together."
"What? Ako at si Vince? Imposible 'yon." She laughed nervously and waved her hand dismissively. "Kakaibang breed si Zarona. Hindi ko siya type. I will never be into him." Totally never. Why was she convincing herself repeatedly about that?
Relief seemed to have crossed his handsome face. "If I hadn't left four years ago, I might have asked you out, Aya."
Napakurap siya.
"At aaminin ko, naiisip pa rin kita hanggang ngayon."
'Oh my Lord.'