Pagdating sa bahay ni Arnie nasalubong niya si Lia na pababa na ng hagdan upang sundan silang dalawa ni Irene .
oh Arnie nakabalik na pala kayo? anong nangyari sa iyo at mukhang lukot na lukot iyang mukha mo??? tanong ni Lia sa kapatid na naka simangot at halatang naiinis..
ARNIE : wala ate, may kabayo lang doon sa shade ang sama ng tingin sa amin, kaya umuwi na kami....
pagsisinungaling ni Arnie sa kapatid na di masabi ang totoo dahil ayaw niya itong mag alala.
LIA : kabayo??? kailan pa nagkaroon ng kabayo sa waiting shade??? baka mamaya ay makasipa pa iyon ng bata o di kaya ay mahulog sa ilog.....
mabuti nga at umuwi na kayo, baka magwala pa ang kabayong iyon..... delikado baka masipa kayo....
ARNIE : sige ate aakyat na muna ako sa itaas sabi ni Arnie na iniabot sa ate ang batang si Irene....
pagpasok sa silid, nakasimangot na humiga sa katre si Arnie.....
hmmmppp kainis yon!!! ang bobo bobo hmmmmp ang guwapo pero manhid naman...
ang guwapong manhid,... kaka iniss asar na bulong ni Arnie sa sarili....
Samantala....
si Borjo ay unti unting nawala ng walang sinumang nakapansin, bumalik siya pansamantala sa kaharian ng gulo ang isip sa inasal ni Arnie.
ipinasya niyang bumalik ng kaharian pansamantala upang maki balita sa kung anong kaganapan sa kanilang daigdig ganon na rin sa mga magulang ni Arnie.
Nag uulat po mahal na prinsipe Borjo. ang sabi ni Kabatao.....
ang mga nilalang na itim ay patuloy na nagbabantay sa bahay nila Arnie tila hindi nila alam na wala sa nayon ang dalagita....
si prinsipe matuling ay pansamantalang tahimik at hindi umaalis sa kanilang kaharian
habang ang mga nilalang na Balakyot ( uri ng mga laman lupa na nag iiba ng anyo) ay nagsagawa ng pag pupulong noong isang araw.
sa kasalukuyan ay patuloy pang nangangalap ng impormasyon ang ating mga tauhan... pag uulat ni Kabatao kay prinsipe Borjo