Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 56 - Chapter 44 : BURAHIN ANG ALA-ALA

Chapter 56 - Chapter 44 : BURAHIN ANG ALA-ALA

Bumalik sa daigdig ng mga Engkanto si Borjo , agad siyang humarap at nagbigay galang sa hari at reyna

NANDITO NA SI PRINSIPE BORJO muli ay sigaw ng tagapagbalita upang ipaalam sa hari at reyna ang pagbabalik ng prinsipe

PRINSIPE BORJO : Nagpupugay sa amang hari at inang reyna ang payukod ng pagbati sa mga magulang.....

HARING BORAS : anak kong prinsipe, natutuwa akong makita ka sa iyong pagbabalik...

ngunit... hindi ba at dapat ay naroroon ka sa siyudad ng mga tao upang bantayan ang itinakda? tanong ng hari na sinenyasan si Borjo na tumayo na mula sa pagkakayukod

PRINSIPE BORJO : walang dapat ipag alala aking ama, ang lahat ay maayos, ganundin and babaeng itinakda....

sa katunayan ay nagawa ko nang lumapit at makipag kaibigan sa kanya, hayag ni Borjo

REYNA MAREANA : Kaibigan lang??? singit nito sa usapan ng mag ama

HARING BORAS : mahal kong reyna Mareana, huwag kang mainip darating ang araw na iibig din ang babaeng itinakda sa ating anak magiliw na sabi ni haring Boras sa kanyang kabiyak.

Ama, bumalik ako sa ating kaharian dahil sa ilang importanteng bagay....

ang saad ni prinsipe Borjo

HARING BORAS : Ganoon ba? kung ganoon ihayag mo kung anuman ang mga bagay na yaon, mahal kong anak.

PRINSIPE BORJO : ama, makabubuti sigurong ipakalat ninyo ang ating mga kawal sa buong paligid ng ating kaharian at lahat ng nasasakupan nito...

mangyari ay aming napag usapan ng babaeng itinakda ang tungkol sa pagpapa kalat ng ating mga tauhan sa kanilang nayon at nabanggit niya na baka ang bawat tao'ng mapalapit sa kinaroroonan ng ating kalipi ay matikbalang at mapadpad lahat sa paligid ng ating kaharian...

HARING BORAS : siyang tunay... may punto ang iyong tinuran prinsipe borjo,.. sang ayon ng hari....

tama ngang gawin natin ang bagay na yan upang makatiyak na walang taga nayon ang natikbalang at nakarating sa ating nayon....

REYNA MAREANA : mahal ko...

paano kung may tao'ng natikbalang at nakarating sa ating daigdig ng hindi sinasadya? ano ang ating gagawin?

HARING BORAS : Marahil ay kinakailangan nating burahin ang kanyang ala ala kung paano siya nakarating sa ating lupain,.....

sagot ni haring Boras sa kabiyak. sige anak magpatuloy ka, untag ng hari kay prinsipe Borjo.

PRINSIPE BORJO : Ama unti unti nang nagigising ang taglay na kapangyarihan ng itinakda.....

mukhang kagaya natin na lumalakas na ang ating kapangyarihan nang dahil sa kakaibang Aura ng itinakda, siya man ay nagigising ang kapangyarihan...

HARING BORAS : siyanga ba anak ? napakagandang balita niyan, malaki ang maitutulong sa ating lahi ng pagkagising ng kanyang kapangyarihan, at hindi na rin natin kailangang mag alala sa kanyang kaligtasan laban sa mga itim na nilalang at balakyot...

natutuwang sambit ni haring Boras

REYNA MAREANA : Anak ano ang naging reaksiyon niya sa kanyang kapangyarihan ? natakot ba siya? tanong ng reyna na excited sa narinig na balita.

PRINSIPE BORJO : Nung una po ay natakot s'ya ina ngunit nang ipaliwanag ko sa kanya na normal lang ang lahat natuwa s'ya at nais niyang matuto kung paano pa palalakasin ang taglay niyang kapangyarihan.