Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 53 - CHAPTER 41 : UMIIBIG???

Chapter 53 - CHAPTER 41 : UMIIBIG???

Nag aalalang pumunta sa bulwagan ng palasyo si Prinsipe Borjo upang magbigay galang sa amang hari at reyna, bakas sa kanyang mukha ang lungkot sa pag aakalang matindi ang galit ni Arnie sa kanya

ANDITO NA SI PRINSIPE BORJO sigaw ng tagapag hatid ng balita upang ipaalam sa hari at reyna ang pagdating ng prinsipe

Pumasok si Borjo kasunod si Kabatao at sabay na yumukod upang magbigay galang sa hari at reyna...

PRINSIPE BORJO : nagpupugay sa amang hari at inang reyna, sabi ni Borjo na itinukod ang isang tuhod ng paluhod habang nakayukong nagbigay galang sa inang reyna at amang hari....

HARING BORAS : tumayo ka prinsipe Borjo ang utos nito sa anak habang nakaupo sa trono katabi ang kabiyak na reyna sa kaanyuang tao.....

kumusta ang iyong naging pakikisalamuha sa mundo ng mga tao? may dahilan bang mahalaga kung kaya't bumalik ka na sa ating kaharian????.... dagdag nitong tanong sa anak na prinsipe

PRINSIPE BORJO : wala naman mabigat na dahilan ama kong hari....

nag aalala lang ako na matindi ang galit sa akin ng binibining itinakda kung kaya't ako ay bumalik na muna sa palasyo..... malungkot na paliwanag ni Borjo sa ama...

dagling nagliwanag ang ngiti sa mga labi ng hari... tila yata.... umiibig na sa babaeng itinakda ang kanyang anak.

ha ha ha ha ang malakas na tawa ng hari na tumayo mula sa trono, nilapitan nito ang anak na nalulungkot at nagtataka sa pagtatawa ng hari.....

Anak.... tila yata umiibig ka na sa babaeng itinakda? ang natutuwang sabi ng hari

PRINSIPE BORJO : Ama... ano ba ang sinasabi nyong yan? at... at saka bakit kayo nag anyong tao dito sa loob ng palasyo...

nauutal na sabi ni Borjo

REYNA MAREANA : Aha..... siyanga nga ba anak? umiibig kana sa babaeng itinakda?

Ina ..... a... ano bang tanong na yan??? namumulang balik tanong ni Prinsipe Borjo...

HARING BORAS : Anak... hindi ka dapat mahiya na umiibig ka..... natutuwa ako na natutunan mong mahalin ang babaeng itinakda..... sana dumating din ang araw na mapaibig mo siya....saad ng hari.

namumulang napakamot sa ulo si prinsipe Borjo, hindi malaman ang isasagot sa tinuran ng ama.

samantala...

sa bahay nila Arnie, mahinang nag uusap si Peter at Betty.....

PETER : Betty ano na ang balita? ano ang sinabi sa iyo ng anak mong si Lia? tanong ni Peter

BETTY : bumuntung hininga ng malalim bago sumagot sa asawa....

Peter, sabi ni Lia..... tila yata nasundan sila sa Olongapo ni Prinsipe Borjo....

nakita at nakausap daw ito ni Arnie... nag aalang saad ni Betty sa asawa.

PETER : ano kamo? nasundan sila ng tikbalang sa Olongapo?

BETTY : oo nga..... Peter ano kaya kung sunduin na lang natin si Arnie? mungkahi ni Betty

PETER : hindi maaari Betty, doon ay si Borjo lang ang aalalahanin natin, nandoon naman si Lia at Yel mababantayan nila si Arnie, saka malayo ang patay na burol sa Olongapo, wala rin naman gubat doon.

dito ay maraming nilalang na hindi natin nakikita, kaya mas delikado dito, isa pa saglit lang naman lalagi si Arnie doon..

BETTY : tama ka nga Peter.....

maya maya ay biglang natigilan si Betty .

PETER : oh??? ano naman ang iniisip mo at bigla kang natigilan dyan? sita nito sa asawa.

naisip ko lang Peter, ano kaya kung natuluyang makuha ng tikbalang ang anak natin???

eh di magkakaroon tayo ng manugang na kabayo? ah... ang ibig kong sabihin ay tikbalang.... sagot ni Betty

napabunghalit ng tawa si Peter.... diyata't nakuha pang magbiro ng asawa? sa kabila ng pag aalala...

ha ha ha ha ha... ang tawa ni Peter... ikaw na babae ka..... kung ano ano ang naiisip mo

Betty... hindi ba at sinabi ni Borjo na si Arnie ang itinakda? siguro.... sa ayaw man at sa gusto natin.....

darating ang panahon na madadala nila sa kanilang daigdig si Arnie upang maganap ang propesiya...

kaya tanggapin mo na sa loob mo na magkakaroon ka ng manugang na tikbalang at mga apo na....

bago matapos ni Peter ang sinasabi ay mariin siyang tinampal ni Betty.....

BETTY : luko luko ka..... ano bang sinasabi mong apo? kabata pa ng anak natin...

at saka, hindi ba at lahing kabayo ang mga tikbalang? eh di sobrang laki ng ano noon? mala kabayong potro? ang sabi ni Betty na tila ba kinilabutan sa naisip...

tawa ng tawa si Peter sa asawa, di yata't nakuha pang isipin nito ang mga bagay na yon!!!!