Nakangiting tumango tango si Borjo bilang pag sang ayon sa mga tanong ng dalagita....
PRINSIPE BORJO : Oo at hindi lang yan ang magagawa mo kung masasanay mo ang iyong kapangyarihang taglay, sabi pa ni Borjo
ARNIE: Talaga? ano ano pa ang maari kong gawin? tanong ni Arnie na naging interesado sa sinabing kapangyarihan ni Borjo.
PRINSIPE BORJO: ganito yon, maari mong umpisahan ang pagsasanay ng iyong kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpapalutang ng bagay na gusto mong kunin, gaya nitong munting bato...
maari mo rin utusan ang punong kahoy na yumukod sa iyo kung may nais kang abutin na prutas.....
ARNIE : Aba!!! maganda yon!!! hindi na ako mahihirapang umakyat ng mangga at santol.... pati sa pangangape?
pwede bang utusan ko na lang ang puno ng kape na ilaglag na lang ang bungang kape sa puno? tuwang tuwang tanong ni Arnie
PRINSIPE BORJO: madali mong magagawa ang lahat ng iyan kung magsasanay ka lalo na sa mga bagay na may kaugnayan sa kalikasan.. ....
matiyagang pagpapaliwanag ni Borjo kay Arnie
ARNIE : Paano? paano ang gagawin kong pagsasanay? muling tanong ni Arnie dito
maari mong umpisahan sa pagpapalutang ng mga bagay gaya ng ginawa mo sa munting bato, ngunit mas makabubuting saka mo na gawin ang pagsasanay mo upang maturuan kita....
mataas na ang sikat ng araw, masyado nang mainit, hindi na maganda sa balat lalo na sa iyo at sa pamangkin mo..... ang sabi ni Borjo
ARNIE : Ay !!! ganon??? nadismayang wika ni Arnie.....
PRINSIPE BORJO : wag kang mag alala tuturuan kita,
isa pa wala naman puno dito. ang pagpapalutang ng bagay ay maari mong praktisin kahit sa loob lang ng iyong silid,
kahit anong bagay ay maari mong pagpraktisan.....
ARNIE : ah okay.... sige na nga!!! sang ayon na ni Arnie
PRINSIPE BORJO : babalik muna ako ulit sa aming daigdig, kailangang kong makausap ang aking amang hari na nasa aming kaharian upang mabantayan kung may mga taong matitikbalang sa inyong lugar..... pag papaalam pa nito kay Arnie
ARNIE : ah..... oo nga pala oh sige bumalik kana sa inyo, pagtataboy ni Arnie kay Borjo habang inaya na ang pamangkin na umuwi.
PRINSIPE BORJO : oh sige.... paalam na muna...
pagpapaalam nito, saka ito humarap sa animo portal na biglang lumitaw sa kanyang harapan at doon ay pumasok at unti unting nawala maging ang portal na daan patungo sa daigdig nito...