Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 54 - CHAPTER 42 : PAGKAGISING;

Chapter 54 - CHAPTER 42 : PAGKAGISING;

Sa Olongapo.....

mabilis na dumaan ang mga araw, unti unting nagkalapit ang kalooban ni Arnie at Borjo.... sa ibang salita.... naging magkaibigan ang dalawa sa pagsisikap ni Borjo na mapalapit sa dalagita upang mabantayan ito.

Isang umaga magkasamang namasyal sa tabing dagat si Arnie at pamangkin na si Irene, pinanonood nila ang mga batang naghuhukay sa buhanginan upang makakuha ng balinsara at halaan ( isang uri ng shell fish ) habang ang iba ay nanghuhuli ng hipon sa mababaw na tubig ng dagat, sa bandang ibaba ng bakod kung saan naroon sa kabilang bakod ang maliit na high-rise guard house ng Subic base, maging ang lumang barracks ng mga amerikanong sundalo...

natutuwang inakay ni Arnie si Irene sa kamay upang lumapit sa baybayin ng tubig at panoorin ang mga maliliit na hipon .Maya maya pa ay....

may narinig siyang yabag ng papalapit sa kanilang kinaroroonan....

PRINSIPE BORJO : Dahan dahang naglalakad papalapit sa nakatalikod na mag tiya.....

hmmmm kay ganda niya talaga kahit saang anggulo mo tingnan... kaysarap niyang masdan habang may ngiti sa mga labi....

ang bulong sa sarili ni Borjo habang humahakbang papalapit , pinilit niyang maging banayad ang bawat pag hakbang upang hindi maistorbo ang pagmamasid sa tubig ng dalagitang sinisinta. Ngunit...

ARNIE : mataman niyang minamasdan ang mga hipon sa tubig nang may marandaman siyang papalapit....

lumingon si Arnie..... nakita niya si Borjo na nakatiyad ( tip toe) ang mga paa habang lumalakad ng dahan dahan palapit sa kanyang kinaroroonan...

Borjo??? ikaw pala??? buong akala ko ay may kung sino nang dahan dahang lumalapit sa amin....

balak mo ba kaming gulatin??? pahabol pang tanong ni Arnie.

PRINSIPE BORJO : napakamot sa ulo, hindi akalaing mararandaman ni Arnie ang kanyang paglapit at mahuhuli siyang nakatiyad ang mga paa sa pag lakad na para bang ginagaya niya si red fox sa dora the explorer...

ah... eh..... hindi naman....

nauutal na sagot ni Borjo, ayoko lang kayong magambala sa pagmamasid ninyo sa tubig. Mukha kasing libang na libang kayo...

ang pagpapaliwanag ni Borjo na namumula ang pisngi habang tuloy ang kamot sa ulo.

ARNIE : bakit ka ba kamot ng kamot sa ulo mo? may kuto ka ba? natatawang tanong ni Arnie..

BORJO : Naku wala! wala akong kuto! mabilis na tanggi nito sabay baba sa kanyang tagiliran ng mga kamay.

ARNIE : Mabuti naman at naririto ka na naman? hindi ka ba hinahanap ng iyong amang hari at inang reyna? muli pang pagtatanong ni Arnie

BORJO : ah... hindi naman, alam naman nila na naririto ako sa siyudad ng mga tao, pakli nito na muling napakamot sa ulo na tila ba naging mannerisms na nito mula ng maging kaibigan si Arnie.

ARNIE : pasensiya na kung naging matanong ako...

hinging paumanhin ni Arnie na napansin ang pagkailang ni Borjo.

naalala ko lang kasi sila inay at itay pati na mga kapatid ko....

muling sabi ni Arnie matapos ang sandaling katahimikan.....

BORJO : Huwag mo silang alalahanin.... pag aalo ni Borjo...

marami sa aming mga kawal ang nakakalat sa inyong nayon, upang siguruhin na hindi makapag gugulo ang mga itim na nilalang at balakyot.

May mga kawal din kaming nagbabantay sa paligid ng inyong bahay upang masiguradong ligtas sila

ARNIE : Talaga?!? mabuti naman kung ganon.....

ng biglang may maalala si Arnie

Hindi ba, ang sabi mo kapag napalapit ang isang tao sa tikbalang, matitikbalang na ito at maliligaw dahil sa kakaibang hiwaga na taglay ng inyong lipi? ang pag papaalala ni Arnie kay Borjo.

PRINSIPE BORJO : Oo nga pala ano? naku buti't nabanggit mo iyan... nag aalalang muling napakamot ito sa ulo 🙆🙆🙆

bayaan mo at sasabihin ko kay ama mamaya ang tungkol dito....

Mabuti na lang at naalala ko... kung hindi... baka buong baryo namin ay maliligaw na sa inyong mundo.... ang sabi ni Arnie na muling sinulyapan si Borjo.

Maya maya dumampot ng maliit bato si Borjo at ibinato sa tubig ng dagat.

natuwa sila ng makita ang bato na nagpatalon talon muna sa tubig bago tuluyang lumubog,

si Irene ay kasalukuyang abala sa pag gawa ng maliit na bangkang papel sa tabi ni Arnie.

natutuwang ibinuka ni Arnie ang palad, tangkang kumuha din ng bato ,ng sa kanyang pagkagulat...

ARNIE : ah???

laking gulat ni Arnie ng lumipad ang munting bato na kanyang tinitingnan patungo sa kanyang kamay....

nagtangka pa itong umilag sa takot at pagkabigla....

PRINSIPE BORJO : napangiti si Borjo sa nakitang pangyayari.... agad niyang sinalo ang munting bato upang hindi ito tumama kay Arnie....

arnie, heto na ang bato ( sumigaw ka na ng darna 😂😂😂) iniabot ni Borjo ang batong sinalo kay Arnie

ARNIE : a.... ayoko... may sa demonyo ang batong yan!!! natatakot na tanggi ni Arnie.....

.

PRINSIPE BORJO : Huwag kang matakot..... normal lang yan.....

senyales yan na unti unti na ang pagkagising ng iyong kapangyarihan bilang tanda na ikaw ang itinakda....

paliwanag ni Borjo kay Arnie na ayaw tanggapin ang munting bato.

ARNIE : pagkagising ng kapangyarihan??? ko??? Ako???? Ako may kapangyarihan???

sunod sunod na animo ay tanga na pagtatanong ni Arnie kay Borjo, hindi makapaniwala sa narinig na sinabi nito....