Laking tuwa ng kambal na si Morgana at Arriane sa pag imbita sa kanila ng ate ni Arnie, nagpasalamat sila dito at halos mag unahan pa sa pagsakay sa Bus ng Saulog
Pagdating nila ng bayan ng Indang, marami nang banderitas ang nakasabit, pati na ang ibat ibang uri ng palamuti.
Dumaan sa Colmenar ang magkapatid na Arnie at Lia upang mamili ng pasalubong sumama sa kanila ang kambal at namili rin ng maibibigay na pasalubong sa mga magulang at kapatid ni Arnie .....
ARNIE : ate ito na lang fan na may raisins ang bibilhin kong tinapay, bibili na rin ako ng cheeze whiz para palaman
LIA : oh sige mamili ka na rin ng asukal at guguting sitsirya ako ay titingin dito sa kabila ng mauulam natin para sa hapunan....
Gusto ninyo ba ng adobong baboy o sinigang? tanong ni Lia sa kapatid
adobo na lang siguro ate Lia, wag mo kalimutan ibili ako ng tuyong sapsap kahit konti lang, araw naman ng baraka bukas, bukas na ako pabibili kay inay ng marami
oh sige.... sang ayon ni Lia at tumalikod na upang lumipat sa kabilang daan upang bumili ng ulam...
sila Yel at ang kanyang mga magulang at kapatid, pati na ang dalawang anak nila ni Lia ay nauna nang umuwi sa kaytambog....
Pagdating ng Kaytambog natuwa sila Betty ng makitang may mga bisita silang amerikana na bagong kaibigan ng kanilang anak...
PETER : aba?!? tingnan mo nga naman... at inuwian ninyo pala ng amerkana si JR, pagbibiro ni Peter ...
habang ang dalawang magkapatid ay nakatanga sa kanya at di naunawaan ang kanyang sinabi...
BETTY : bukas ay araw ng baraka, mamimili ako ng kaunting mapagsasaluhan para sa binyag ni Chibog,
may nahuli nga palang alamid ang ginawa kong bitag sa may tagilid .dagdag na pagbabalita nito habang hinihiwa ang baboy na binili ni Lia para sa hapunan
ARNIE : talaga inay??? nasaan na po?
BETTY : Naroroon sa likod bahay, sa silangan.
kinakatay na yata nila JR....
naku masarap na lutong adobong tuyo iyon, o kaya ay kaldereta..... lasang manok ,dagdag pa ni Betty
maya -maya pa ay sa darating si Jr na may bitbit na tila palamuting buntot
JR : inay..... eto na ang buntot ng alamid, paano ba patutuyuin ito para gawing palamuti?
tanong ni Jr sa ina na hindi agad napansin ang mga bisita at bagong dating .
natapos ninyo na ba ang paghihiwa ng karne ng alamid? saan daw ba iluluto iyon? dito na sa kalan sa loob o doon na rin sa likod....
sunod sunod na tanong ni Betty sa anak
JR : doon na rin daw sa likod inay, sabi ni itay.. kukuha lang ako ng toyo at suka pati na ang vetsin. mayron ng sibuyas bawang at siling labuyo doon
BETTY : ah ganoon ba? eh sinong magluluto? mabuti pa ay ikaldereta n'yo na lang, may adobong baboy na tayo, binili ng ate Lia mo,
JR : aba,??? andito na pala sila ate Lia? asan na sila chibog? tanong ni Jr sa ina
BETTY : nasa itaas, nakatulog napagod sa biyahe, kasama din nila ang biyenan at bayaw ng ate Lia mo, si Arnie ay may kasama ding dalawang tisay na bagong kaibigan, naron sila sa harap ng bahay.....
kwento ni Betty sa anak na si Jr.
JR : talaga po inay?
BETTY : Oo, andon nga sila sa harap, mabuti pa ay tawagin mo sila at ng makita nila ang buntot ng alamid,
bumili ka na rin ng reno para sa ikakaldereta, ipaluto mo kay Arnie o kaya ay kay Lia mungkahi pa nito
sarap na sarap ang mga bisita nila Arnie sa niluto niyang kalderetang alamid, naka ilang beses pa humingi si Arriane at pinapak nito.
kinabukasan, pagkatapos tumulong ni Arnie at Lia sa kanilang nanay na maghanda ng pananghalian, pati na ang ilulutong putahe sa binyag ni chibog ,niyaya nila ang mga bisita na pumunta sa ilog
BETTY : anak hindi ba delikado na magpunta ka ng ilog? tanong nito kay Arnie.
ARNIE : wag po kayong mag alala inay, hindi na po ako mati tikbalang ulit....
Lumakad na ang tropa papuntang Bigaan, sa daan nakasalubong nila ang mga kaibigan ni Arnie na papunta sa kanilang bahay upang ayain siyang manood ng basketball mamayang gabi champion ship na at ang team ng kaytambog ang lalaban sa baryo ng banaba.
HELEN : arnie, saan kayo pupunta, nabalitaan namin sa kapatid mo na andito ka na, kaya't aayain ka sana namin manood mamayang gabi ng basketball.....
ARNIE : pupunta kami saglit sa Bigaan....sige sasama ako
ito nga pala ang aking mga bagong kaibigan, si Morgana at Arriane mga tourist sila dito sa pinas, pakilala ni Arnie sa mga kasama at mga kaibigan.
bisita sila sa bahay namin, kasama din namin umuwi dito ang biyenan at bayaw ni ate Lia .
Tara maligo muna tayo sa ilog, manguha din tayo ng mga pako at paite (susong palipit) maaga pa naman para pumunta sa bayan.
HELEN : oh sige hintayin n'yo na lang kami sa bigaan, susunod na lang kami, isama din natin sa bayan mamaya si Morgana at Arriane, mungkahi pa ni Helen.
Maraming nakuhang paite at pako sila Arnie, ipinaluto niya ito ng gata sa kanyang nanay, nagkatuwaan silang magkakaibigan na doon sama - samang kumain ng hapunan sa harap ng kanilang bahay, inulam din nila ang kalderetang alamid, may kanya- kanya ding dalang ulam at prutas na panghimagas ang kanyang mga kaibigan
Sa plaza nagkakatuwaan ang magkakaibigan habang nanonood ng laro, ang isa sa kanilang kababaryo ay may dala pang pang malaking torotot na malakas na pinatutunog sa tuwing mag su shoot ng bola ang kalaban, habang ang kalabang baryo ay may dala ng banners na tila ba sigurado nang sila ang magka kampyon sa laro.
Masayang masaya ang lahat, randam na randam na ang kasiyahan ng pistang bayan, pagkatapos ng laro ay mayroon na ding panoorin sa plaza na jamboree.
tuwang tuwa ang lahat, mahusay ang player ng kanilang baryo. habang sa kabilang team ay naka limang foul na ang kanilang team captain at tanggal na.
tuwang tuwa sila Arnie dahil sigurado ng mag champion ang kanilang baryo, naka shoot ng tatlong puntos ang kalaban, lamang ng isa ang kabilang team, pagkatapos noon ay biglang pumito ang referee...
tapos na daw ang laban. Laking gulat ng lahat dahil hindi pa naman ibinigay ang hudyat para sa last two minutes, nadaya ang kanilang team, nabayaran ang dalawang referees pati ang mga nag panukala ng palaro...
Ang kasiyahang narandaman ng lahat para sa bisperas ng pista ng bayan ay nauwi sa lungkot, maging ang taga ibang baryo ay nalungkot at nagalit dahil sa hayagang pandaraya...
Malungkot na naghintay ng jeep pauwi ang magkaka ibigan, maging si Morgana at Arriane ay nagtataka sa naging takbo at resulta ng laro.
Umuwi na sila upang kinabukasan ay maagang gumising at maghanda sa binyag ni chibog, kinuhang ninang ni Lia si Morgana ,Arriane at Arnie para sa binyag ni chibog...
Napagkasunduan naman ng magkakaibigan habang bumibili sila ng popcorn na sabay sabay silang pupunta sa pista ng bayan ,pagkatapos kumain sa binyag upang maki pamyesta sa kanilang taunang town fiesta....