samantala sa loob ng palasyo ng mga tikbalang kaharap ni haring Boras (hari ng mga tikbalang /ama ni Prinsipe Borjo) si Prinsipe Borjo
HARING BORAS : anak, prinsipe Borjo kumusta na ang ibinigay ko sa iyong misyon? ano ang nangyari sa planong pagkuha sa itinakda? tanong ng hari sa anak
PRINSIPE BORJO : ipagpaumanhin ninyo aking kamahalang amang hari, ngunit maraming naging balakid sa aming misyon.
nagtulong tulong ang mga kalalakihan sa nayon at kumuha sila ng mahusay na albularyo kung kaya't nabigo ang aming balak.... paliwanag ni prinsipe Borjo sa amang hari
HARING BORAS : ano na ang susunod ninyong plano ngayon? kinakailangan nating makuha ang itinakda sa lalong madaling panahon bago tayo maunahan ng mga itim na nilalang at iba pang lipi ....muling tanong ng hari sa prinsipe
PRINSIPE BORJO: ama mahusay po ang albularyong tumulong sa kanila kung kaya't nagawa nila akong itaboy pansamantala, ngunit nagpakalat na po ako ng ating mga tauhan upang bantayan ang itinakda.....
sa katunayan may mga itim na nilalang silang naispatan na nagmamatyag din sa paligid ng bahay ng itinakda.
HARING BORAS: ganoon ba? kung ganon siguraduhin ninyong ligtas ang itinakda sa lahat ng sandali, kailangang madala ninyo siya dito sa mundo nating mga tikbalang, utos ng hari sa prinsipe
PRINSIPE BORJO : masusunod po amang hari
maya maya'y may pumasok na isang alagad na tikbalang sa loob ng palasyo
TIKBALANG KABATAO : nag uulat po sa inyo mahal na hari at mahal na prinsipe.....
lumuhod ang tikbalang na nag anyong tao sa harapan ng hari at prinsipe bilang pagpupugay
Namataan po namin ang grupo ng mga itim na nilalang kasama si prinsipe Matuling sa silangan at ibabang bahay ng babaeng itinakda..... paguulat nito sa hari at prinsipe
MAHAL NA HARI; Kabatao....bakit humarap ka dito sa anyong tao? baka makita ka ng reyna at iba pa nating mga kalipi sila ay matakot sa iyo!
TIKBALANG KABATAO : ipagpatawad ninyo po mahal na Hari, dala ng aking labis na katuwaan at pagmamadali kung kaya't nawala sa aking isip na magbalik sa tunay kong kaanyuan.... (sabay ng pagbabago nito ng anyo at naging kabayo na may katawang tao)
PRINSIPE BORJO; sa anong dahilan at ikaw'y nagmamadaling bumalik ng kaharian na nagagalak? magpaliwanag ka!
TIKBALANG KABATAO : mangyari po ay ganito ang nangyari mahal na prinsipe.
at ikinwento ni Kabatao ang nasaksihan nilang nangyari kay prinsipe Matuling, ang pagtakbo nito ng mabilis, pagkabunggo sa tangke ng tubig at muntikang pagkaligaw sa pagbalik sa kaharian ng mga itim na nilalang na takot na takot at sumisigaw ng halimaw