maagang nagising kinabukasan ang pamilya nila Arnie upang maagang gumayak magsimba...
naglalakad ang mag anak paibaba sa kapilya ng nayon ng biglang huminto si Arnie sa paglalakad na tila ba nahihintakutan
PETER : arnie anak, bakit ka huminto? ayaw mo bang sumamang magsimba? tanong ni Peter sa anak
ARNIE: gusto po itay.... pero.... tingnan ninyo po ang kalabaw na nasa tabing daan! nakatingin po sa atin at nanlilisik ang mga mata, tila po galit sa akin. sagot ni Arnie
BETTY) anak..... bakit naman magagalit ang kalabaw? dati ka namang sumasakay sa kalabaw at nagpapatakbo pa ng kariton, hindi ba? isa pa wala namang nakasuot ng pula sa atin!
ARNIE; oo nga po inay, pero talaga pong natatakot ako sa kalabaw na iyan! tila po may kakaiba sa kanya! giit ni Arnie'ng pagpapaliwanag sa ina
ng sa daraan ang jip na sinasakyan ni Pat at ka Tonyo.
PAT ; ati Betty, sisimba ba kayong mag anak? pumarine na daw kayo at sumakay ! delikado ang lagay nyo sa kalabaw na yan ! sabi ni ka Tonyo, pagtawag ni Pat kay Betty
sumakay ang mag anak sa jip nila Pat at nakarating sila ng kapilya.
puno na ang loob ng maliit na kapilya ng dumating sila kaya minabuti na lamang nilang tumayo sa labas at doon makinig ng misa
Tumayo ang lahat at naghawak hawak ng kamay upang awitin ang AMA NAMIN ang awit na itinuro ng AMA
...
...
...
nagulat si Arnie ng may humawak na malamig na kamay sa kanyang palad, tiningala niya ito upang sinuhin....
isang magandang lalake na mestizo brown ang mata, matangos ang ilong at mapupula ang may katamtamang kapal ng labi at kilay na tila iginuhit ang mukhang tumambad sa kanya....
ARNIE; kay gwapo naman ng mamang ito? mukhang dayo dito? pero parang may kakaiba sa kanya! di ko lang maisip kung ano? bulong sa sarili ni Arnie
ng matapos ang pag awit binitawan na ng lalake ang kamay ni Arnie... muling palihim na sumulyap si Arnie sa lalakeng katabi, ngunit laking gulat nya dahil wala na ito roon.