Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 42 - CHAPTER 32 : PAGTATAGPO NG LANDAS;

Chapter 42 - CHAPTER 32 : PAGTATAGPO NG LANDAS;

Nagtaka si Arnie nang parang bulang naglaho ang lalaking katabi na halos kahawak kamay nya pa lamang habang umaawit

Pagkatapos ng misa ipinalista ni Lia si Chibog upang maisama sa mga bibinyagan sa kapistahan ng bayan. ang pari ng kanilang kura paroko ay hindi nakarating sa kanilang nayon kung kaya't ang ministro laiko ang nag misa ng araw na iyon

pagdating ng bahay, ikinwento ni Arnie sa mga magulang ang lalakeng nakatabi sa simbahan.

ARNIE : inay, itay, alam nyo po ba? sa simbahan kanina may nakatabi akong lalake, sobrang lamig ng kamay, kahawig nya yung prinsipe Borjo... kakaiba s'ya...

itay! diba sabi mo? kapag ang tao walang lubog na guhit sa may pagitan ng nguso at ilong....

maligno yon!?!

PETER; oo anak kapag flat o pantay ang parteng yon sa pagitan ng ibaba ng ilong at bibig, maligno o lamang lupa yon! yon ang palatandaan....

bakit mo naman naitanong? tanong ni Peter

ARNIE : kasi nga po itay, yung lalake na kahawig ni borjo walang guhit na lubog! kanina ko pa nga iniisip kung ano ang kakaiba sa kanya eh!

ngayon ko lang naalala.... paliwanag ni Arnie

PETER: diyata't nagtagpo muli ang landas nyo ng tikbalang na yon Arnie? hindi mo ba nakita kung saan nagpunta? hindi noon tatapusin ang misa dahil bawal silang mabasbasan ng banal na tubig

ARNIE :bigla po syang nawala pagkatapos ng kantang AMA NAMIN itay...