sa isang maliit na baryo sa bayan ng indang nakadungaw sa bintana ng kanilang bahay ang isang dalagita at tahimik na nagpapahangin habang tumutugtog sa radyo ang kanta ng paborito nyang banda
arnie; napakatahimik ng paligid, masarap talaga dito sa baryo presko ang hangin at walang polusyon
tok tok tok napalingon si arnie sa hagdan ng marinig nya ang yabag kung saan sumungaw ang ulo ng kanyang nakababatang kapatid na si loida
loida; ate arnie bumaba kana daw sabi ni inay, kakain na tayo
arnie; oo sige susunod na ako
marahang isinara ni arnie ang bintana at nilapitan ang radyo para tanggalin ang cassette tape
oh arnie andyan kana pala halika na dito at ng makakain na tayo yaya sa kanya ng inang si betty
arnie; opo inay, si itay po hindi pa po ba dumating?
aling betty; dumating na,nauna ng kumain sinundo na ng kumpareng narding nya inayang mag mahjong
arnie; ganon po ba
inay maaga po ba tayo pupunta ng bukid bukas?
aling betty; oo anak magpapa baba tayo ng niyog bukas kaya kailangan maaga para maisabay na rin natin ang mga naipong panggatong sa kariton bukas
maganang kumain si arnie ng hapunan kasabay ng ina at mga kapatid na si loida jr at rosanne
pangatlo sa anim na magkakapatid si arnie ang dalawang kapatd nyang babae na nakatatanda ay parehong maagang nag asawa
si arnie ay 16 taong gulang pa lamang sa kasalukuyan at kung kumilos ay parang lalake mahilig kumanta at makinig sa mga banda at kantang rock
marami syang kaibigan at kadalasan sumasali pa sya sa larong habulan o patintero sa gabi kapag maliwanag ang buwan
nag aaral sya sa sekondarya sa bayan ng indang at masaya sya pati na ang kanyang mga kapatid at kaibigan dahil bukas umpisa na ng summer vacation
magagawa na nilang muli na mamasyal sa bukid at maligo sa ilog ng sama sama
pagkatapos kumain ng hapunan, magkatulong na nagligpig at naghugas ng pinagkainan si arnie at nakababatang kapatid na si loida
loida; ate arnie pupunta ba kayo nila helen sa ilog bukas? pwede ba ako sumama? tanong kay arnie ng nakababatang kapatid
arnie; sa kanlurang ilog yata kami pupunta kasama namin si jinie at lorna mangunguha lang kami ng sayote bukas pagkagaling natin sa pulo dun sa kanlurang ilog tapos titingnan namin ang ginagawang grotto
loida; kailan kayo pupunta ng ilog? pangungulit pa ni loida kay arnie
arnie; di ko pa alam ,wag ka mag alala pag nag picnic kami sa ilog isasama ka namin, alam ko sa isang linggo pa uuwi sila edith galing imus kaya wala kapa makakasama mamasyal
thank you ate arnie, tuwang tuwang sagot ni loida
maagang nagising si arnie kinabukasan, excited sya pumunta sa pulo para manguha ng prutas kasama ang inang si aling betty
arnie; inay nakagayak na po ako mauuna na po ako sa inyo ni itay, sabay na kami ni loida at jr, mamaya po pagkapahinga galing pulo pupunta kami ni loida sa ilog sa kanluran kasama ang mga kaibigan ko mamimitas kami ng sayote sa ilog at pupunta kami ng grotto
aling Betty; oh sige anak ayusin nyo na ni jr ang mga kahoy na isasakay sa kariton mamaya pagdating nyo sa kubo
arnie; opo inay
mabilis na naglalakad si arnie at loida kasama sila helen jinie at lorna papuntang kanlurang ilog
helen: jinie bakit dito tayo dumaan? masyadong matarik ang daanan baka mamaya mahulog pa tayo
jinie : dito kasi ang short cut saka sanay naman tayo umakyat at bumaba sa matarik na daan diba?
helen: sabagay, arnie diba galing kayong pulo at nagpababa ng niyog? wala bang nakuhang macapuno? baling ni helen kay arnie
arnie: hindi ko alam helen, nagpakuha lang kami ng mura ni loida at yun ang kinain namin di na kami gumala sa bukid dahil inayos namin ang mga panggatong na isasakay sa kariton ; sagot ni arnie sa kaibigan
lorna: naku arnie naapakan mo ang maliit na punso, baka ma nuno ka!!! babala ni lorna kay arnie
wag ka mag alala lorna di naman totoo yon, diba nga sa punso tayo nangunguha ng kabute? bakit di tayo na nununo?
lorna: hindi ko alam, pero sabi kasi ng matatanda marami na ang nanununo dito sa ilog sa kanluran kaya nag aalala ako na baka ma nuno ka rin
jinie: wag nyo na muna alalahanin yon, tara na andito na tayo sa ilog, tinggnan nyo ayun oh ang daming bunga ng sayote! manguha na tayo! aya ni jinie sa mga kaibigan
arnie: andaming bunga! buti na lang may tumubong sayote dito sa ilog di na kailangan bilhin pa sa palengke ni inay
helen: bakit naman bumibili pa kayo ng sayote sa bayan? marami naman papaya na magagamit sa pagluluto ng tinola
oo nga, pero d lang naman sa tinola isinasahog ang sayote masarap din ito iginigisa diba? sagot ni arnie
Lorna nag aaya sila owel at obet mag picnic sa ilog bukas, sagot daw nila bigas at manok banggit ni arnie
oh sige tayo na lang ang magdala ng kaserola at kaldero na paglulutuan saka vetsin at asin sagot ni lorna at helen
tamang tama marami ng pako suso at kamatis na ligaw sa ilog, manguha rin tayo bukas arnie agaw ni jinie sa usapan
masayang nanguha ng sayote ang magkakaibigan habang nagplano ng picnic
oh arnie andyan na pala kayo, andami nyong nakuhang sayote ah bati ni aling betty sa dalwang anak na kadarating lang
arnie:opo nay, dinamihan napo namin ang kuha, di naman po ito agad masisira saka marami na naman matatanda ng sayote na pwedeng binhi dun sa puno ng sayote kaya ayos lang na kunin namin ang mga bata pang bunga
kinabukasan maagang nagtipon tipon ang magkakaibigan sa harap ng bakuran nila arnie, nandon na rin si obet na may dalang 2 manok si ruel na may dalang bigas at si marcial na may dalang de boteng inumin
jinie: arnie may dala na akong kaserola at kaldero may vetsin at asin na rin dito bumili na rin si helen ng patis at toyo, wag mo kalimutang dalhin ang sandok at mga mangkok lagayan ng sabaw, kukuhana lang si marcial sa ilog ng dahon ng saging na kakainan natin mamaya
ah sige naihanda ko na ang mga gagamitin natin sa basket i double check ko na lang kung wala ng nalimutan.; sagot ni arnie
oo nga pala bukas maaga kayo pumunta dito, nag aaya si inay sa talon bukas, don tayo maligo at kumain. kumuha na sila ng langka sa pulo na igagata bukas pang ulam may daing din na labahita pang sahog pinabili ni inay kahapon sa baraka kay kakang orya.
kada sabado at myerkules lang ang araw ng baraka o palengke sa bayan ng indang kaya naman ang mga tao sa baryo ay namimili na ng maraming isda na ipinapangat sa sukang kaong para sa pang ulam, kung minsan ay nagkakatay sila ng alagang native na manok. namimili rin sila ng tuyong sapsap na paboritong ulamin ni arnie sawsaw sa sukang kaong na maraming bawang at sili.
aba magandang balita yan sabay na sagot ni marcial at obet
nasaan nga pala si jr? arnie? hindi ba sya sasama satin pahabol na tanong ni marcial
arnie: sasama sya, nasa taas yata naggagayak ng damit na bihisan
sa ilog may mangilan ngilan ng naliligo, napagpasyahan nila na sa sabang maligo para makaiwas sa maraming tao na pumupunta sa bigaan para maligo.
magkasamang nanuso at namako si helen at arnie habang si jr at marcial ay may dalang pamingwit habang nangangapkap ng katang sa ilalim ng mga bato
si lorna jinie at essie ang natoka sa pag sasaing at pagluluto ng manok na tinola nakababad na rin sa malamig na tubig ng ilog ang mga de bote ng coke na dala ni marcial
obet; arnie helen angdami nyong nakuhang suso at pako, mabuti pa gataan na lang natin mamayang gabi sa inyo arnie wala na rin kaserolang magagamit paglutuan nyan.
magdadala rin ako ng tuyong sapsap para sayo arnie meron din pinangat na sapatero binili ni inay
aba ba ano yan huh? ako rin magdadala ng mura at asukal may saging din na natumba sa likod namin pwede tayo mag lupak at minatamis sabat ni marcial
obet owel jr manguha tayo mamaya ng mura may kalahating kilong asukal na akong dadalhin, dagdagan nyo na lang nila obet at owel pahabol pang muli ni marcial
jr: oh sige lilinisin ko na rin ang lusong at pambayo mamaya pagkauwi bago tayo manguha ng saging at mura
masayang naglangoy sa ilog ang magkakaibigan, sila owel obet jr at marcial ay nagpaligsahan sa pagtalon sa tubig sa isang tuod sa taas ng ding ding ng ilog.
makalipas ang ilang sandali nag yaya na silang kumain ng makarandam ng gutom at pagod sa paglalangoy
kinagabihan naglalaga ng saging na ilulupak si arnie habang niluluto ni helen ang minatamis na mura.
katatapos lang nila kumain ng hapunan ginataang susong pilipit, at pakรด, piniritong tuyong sapsap, pangat na sapateros, pangat na tulingan, at adobong dilis ang ulam, masaya silang nagsalo salo ng hapunan kasabay ng mga magulang at kapatid ni Arnie
luto na ang saging at minatamis, pagtulungan na natin balatan ang saging na nilaga para maumpisahan ng ilupak . aya ni arnie sa mga kaibigan , nakayod na rin ni jr ang niyog na gagamitin saging na lang ang kulang pahabol pa nya.
mabilis na nabalatan ang saging, halinhinan sa pagbayo si jr owel obet at marcial hanggang masiguradong ayos na ang lambot at kunat ng lupak na saging pati na rin ang tamis ng lasa.
inilagay nila ito sa isang malaking bandehado, naglagay ng lupak at minatamis na mura sa platito si arnie at ibinigay sa kanyang tatay at nanay, saka sya nagbalot ng lupak sa dahon para maiuwi ng mga kaibigan, bago lumabas sa harapang bahay kung saan nandon ang mga kaibigan na nagkukwentuhan, dala ang natirang lupak sa bandehado at minatamis na mura sa Tupperware.
kumuha na din si Essie ng kutsarita at mga platito
masayang kumain ng lupak at minatamis ang magkakaibigan , ng magka ayaan silang kumanta.
kinuha ni owel ang dalang gitara at si arnie naman ay umakyak sa bahay para kunin ang song hits na madalas nilang gamitin ni owel pampalipas ng oras habang kumakanta
sa itaas ng bahay dumako sa bintana si arnie matapos kunin ang songhits sa kwarto upang isara ang bintana
zing.....xing....zing.......
arnie: huh?ano kaya yon? parang Christmas lights? pero bakit nagpapalipat lipat ng lugar? ufo ba yun?
nagtatakang tanong sa sarili ni arnie ng may makita syang maganda at kakaibang ilaw sa taas ng bubong ng bahay ni lola iya katapat ng kanilang bahay
arnie: guys!!!! tingnan nyo yon!!! ang gagandang ilaw sa bubong ng bahay ni lola iya!
owel: ilaw??? asan?
jinie: asan?? wala naman ako makita!!!
obet lorna Essie marcial : anong ilaw? nasaan bat di namin nakikita?
jr: ate arnie wala naman kami makita, bumaba kana dito baka kung ano pa yan
arnie : ): ayun oh!!! bat di nyo makita? ang gaganda nga eh.
rj obet owel lorna Essie marcial jinie: ???? di nga namin nakikita!!! halika na dito!!! tinatakot mo naman kami ehhhh