sa kubo nila Arnie, nag aalala ang kanyang mga magulang at mga kapatid, ilang oras na mula ng umalis si Arnie dala ang dalawang bote ng tubig natapos na ang sungkiting irok at kasalukuyan syang hinahanap ng kanyang tatay at kapatid na si Jr. hapon na at kailangan na nilang umuwi para maibabad sa tubig ang irok.
Betty: 😢😢😢 dios ko saan na kaya nagsuot ang ate nyo?!? Loida wala bang nabanggit na gagawin o pupuntahan ang ate mo? tanong ni betty sa anak na si Loida.
wala po inay, basta uminom lang sya ng tubig galing tapayan at nagsalin ng tubig sa dalwang bote saka umalis. sagot ni loida sa ina.
maya maya pa may narinig silang tumatawag sa bungad ng daan papuntang kubo
Peterrr ,peterrr tawag nito sa ngalan ng tatay ni Arnie.
dali daling lumabas ng kubo si Betty upang sinuhin kung sino ang tumatawag, Narding!!!
ikaw pala??? wala dito si Peter, hinahanap nila ni Jr si Arnie.
dangan kasi nag iirok kami sa kanluran kanina, nagpaalam na kukuha lang ng tubig dito sa kubo at mangangahoy na rin para sa paglalaga ng irok, hindi na bumalik, isip ko naman naka idlip dito sa kubo dahil sa pagod kaya di namin agad namalayan na nawawala s'ya
Narding: nakupu!!! ay yun nga ang sasabihin ko kung kaya ako napadaan dito!!!
galing ako sa lupa namin dyan sa ilaya! nakasalubong ko si Arnie, napakabilis!!! animo hangin na dumaan sa harap ko para bang nakasakay sa mabilis na kabayo? tinatawag ko pero parang di ako narinig!?! diyata't natikbalang ang anak nyong iyon!?! pagbabalita ni Narding kay Betty
Betty : dios ko, wag mo naman kami biruin ng ganyan Narding!!! nag aalalang sabi ni Betty
Narding : hindi ako nag bibiro Betty, ang mabuti pa, gumayak na kayo pauwi at nang mapuntahan nyo si kapitan para makatawag ng pulong at maka pag assemble ng mga taong tutulong maghanap, ako na ang magsasabi kay Jr at Peter para makauwi na rin at maghanda sa paghahanap, saad ni Narding