sa bukid abala sa pangunguha ng kalakal ang nanay at tatay ni arnie na dadalhin sa palengke bukas myerkules araw ng baraka, nakatali na rin ang 2 manok na native na dadalhin din ng kanyang nanay sa baraka upang ikalakal, habang magkatulong na inaalisan ng balahibo ni jr at loida ang isang native na manok na kinatay ng kanilang tatay para sa kanilang pananghalian.
Arnie : inay, pupunta po ako sa kanluran, titingnan ko kung may hinog na papaya at mangga panghimagas natin mamaya
Betty : ang kapatid mong bunso? si Rosanne? tulog naba? tanong ni Betty sa anak
opo inay, ipinaglatag ko na po sya sa kubo.
mangunguha na rin po ako ng kahoy at uyo (matulis na bahagi ng bulaklak ng niyog) para maidagdag sa panggatong na iuuwi mamaya muling paalam at sagot ni Arnie habang lumalakad pakanluran
Betty : huwag ka ng lalayo at bumalik ka rin agad maya mayang konti ay kakain na tayo pagkaluto ng ulam pahabol na bilin ni Betty sa anak
.
.
.
masayang nagsasalo salo ng tanghalian ang mag anak sa kusina ng kubo masarap at malinamnam ang pagkaluto ng ginataang manok na nilagyan nya ng gabi para lalong lumapot, may baon ding pinangat na tulingan si Betty at may dalwang hinog na papaya at ilang pirasong hinog at hilaw na mangga para sa panghimagas.
Betty : mamaya pagkapananghalian natin magpahinga muna kayo sa kubo at mamayang hapon pag sumilong na ang araw tulungan nyo akong mangape sa silangan, kailangan na nating matapos ang kapihin bago maubos ng alamid at musang.
baka sa linggong ito rin ipababa kuna kay Goryo ang irok (kaong) sa tagilid sa may kanluran, sa susunod na linggo may iirokin din kami nila Delia at ka upeng sa imus saad ni Betty sa mga anak
Arnie: inay sasama po ako mag irok sa imus, siguradong sasama din si helen at owel para matapos agad kasi sabi ni obet may ipapababa din daw irok si ka fely isinasama nya rin kami ni helen. Pinapasabi rin ni ka fely sa inyo. paalam ni Arnie sa ina
Betty : ah sige, pero paano ang kapihin sa kakang orya mo? nagpapatulong din sya sa atin. alam nyo naman na walang maasahan sa pangangape ang kaka nyo
Arnie : eh di isisingit na lang namin ni loida at jr na mangape pagtapos na ang irokin!!! nakita ko rin kahapon si andang juan, binilin nya na raw kay andang carnacion na isama kami mangape dyan sa lupa nila karatig ng lupa natin sa silangan, .
pati si andang Carnacion nagpapatulong din mangape nakatango na kami nila Helen pero sinabi namin na makatapos na namin mag irok kami sasamang mangape....
Betty : oh sige kayong bahala
Arnie : opo nay, para naman po madagdagan ang ipon ko at makasama ako sa baraka sa sabado, bibili ako ng paborito kong isdang sapateros at dilis, magluluto ako ng kilawing dilis. bibili rin ako ng palabok at goto ni yeye, pasasalubungan ko na lang si Rosanne.
.
.
😬😬😬
bandang hapon makapahinga, sama samang puma silangan si Betty at ang mga anak na si Arnie Jr at Loida
tulong tulong sila sa pamimitas ng kape, nag tigi tig isa silang puno na kinakapehan at napagkasunduan ng magkakapatid na mag kontes sa kung sino ang pinaka maraming mpipitas na kape
Abala si Arnie sa pamimitas ng kape sa bandang dulo ng kanilang lupa sa silangan ng may dumaan na magandang lalake mataas maganda ang pangangatawan at mestizo sa kanyang tapat, sa patay na daan ng kariton
sinundan ng tanaw ni Arnie ang estranghero, nagtataka sya kung bakit may hila hila itong mahabang lubid, ganong napaka kisig nito at maganda ang kasuotan.
nakasuot ito ng puting puting polo na mahaba ang manggas at pantalong puti na tinernuhan ng suot nitong magarang itim na boots, animo isa itong sikat na action star sa pelikula.
ganon pa man di gaanong pinansin ni Arnie ang taglay na kakisigan ng estrangherong lalake. mataman syang nag iisip kung sino ang lalakeng yon habang nakasunod ng tanaw sa papalayong estranghero at iniisip kung sino ang lalakeng iyon!
Arnie: sino kaya ang mamang yon? bakit dito sya dumaan sa patay na daan ng kariton? siguradong di taga rito sa kaytambog ang mamang yon dahil kilala ko ang mga taga rito at halos magkaka mag anak lang ang mga taga rito. kung dayo naman?
bakit walang kasamang kabaryo namin at bakit di man lang huminto para magtanong kung naliligaw sya? hindi kaya natikbalang ang mamang yon???