Umiiyak na humingi ng tulong kay kapitan si Betty
kap, tulungan nyo po kami, nawawala po ang anak kong dalagita.
Kapitang Dune : Betty, huminahon ka muna para maipaliwanag mong mabuti ang nangyari
Betty : kap nag iirok po kami sa kanluran mula kaninang umaga, bandang hapon tumayo si Arnie at nagpaalam na kukuha ng tubig sa kubo saka mangangahoy na rin dahil konti na lang ang sungkitin at may dalwang balde pa ng irok na nakasalang.
Pinayagan ko naman,dahil abala kami sa pagsusungkit ng irok di namin agad napansin na di sya bumalik. nung naluto na at hinango ang dalwang balde ng irok nuon lang namin namalayan na wala pa s'ya, hindi ko na ipinatawag, akala ko naka idlip sa kubo kaya di na bumalik.
Kapitang Dune: oh paano nyo nalamang nawawala at natikbalang? hindi kaya may nag aya lang na kaibigan?
Betty : naku kap! di po gagawin ng anak ko na umalis ng walang paalam, nakasalubong daw s'ya ni Narding na napakabilis! parang hangin daw na dumaan sa harapan nya at di raw sumagot ng tawagin nya.
animo nakasakay daw sa kabayo, kung kaya naisip nya na natikbalang???
ganon ba? nakapagtataka naman ang tikbalang na yon nagpakita sa tao habang may kinukuha??? sagot ni kapitan.
nagtataka rin nga ako kap, pero yon lang po ang kwento ni Narding. sagot ni Betty
kapitang dune : oh sige umuwi kana at ako'y magpapatawag kay konsehal dolpo ng mga sasama maghanap.
Betty: oho salamat kap