Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 10 - Natkbalang 3

Chapter 10 - Natkbalang 3

sa isang dako, marahang nagmulat ng mata si Arnie

Arnie : nakatulog pala ako...

huh??? Anong lugar ito? nasaan ako? kaninong bahay kaya ito? napakaganda!!! ang ganda din ng garden maraming bulaklak, ibat ibang uri!!!

pinakirandaman ni Arnie ang sarili...

ano kaya ang nangyari?bakit ako nandito? sino ang nagdala sa'kin dito? tanda ko umupo lang ako sa ugat ng puno ng mangga para magpahinga, bakit ako nandito?

.

.

.

sa bahay nila Arnie dumating na ang kanyang tatay at si Jr kasama si Narding.

Peter : Betty puntahan mo yung matanda sa chapel, si ka tonyo! magaling daw na albularyo yon, baka matulungan nya tayo na tawasin kung nasaan at ano nangyari kay Arnie

Betty :oh sige dadaan na rin ako kay ate orya para maipaalam

dali daling pumunta si Betty sa chapel para kausapin ang albularyo

.

.

konsehal dolpo: ka peter! ka peter! tao po! tawag ni dolpo sa labas ng bahay nila Arnie

Peter : oh konsehal andyan na pala kayo, si kapitan di nyo ba kasama?

Konsehal dolpo : nasa barangay hall si kapitan kasama ang ibang konsehal si kakang kiko at ang iba pang sasama para maghanap mag ilang grupo tayo para mas madaling makita.

sa kayquit may ilan ding tutulong maghanap, duon na sila magsisimula maghanap at baka sakaling nakarating doon si Arnie sa kakalakad