Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 16 - Paghahanap 4

Chapter 16 - Paghahanap 4

Arnieeeee muling narinig ni Arnie ang boses na tumatawag sa pangalan nya, di nya na inalintana ang naririnig na tugtog ng piano na parang punebre, ganon na rin ang mga ibong itim na paikot ikot,lumabas sya ng bakuran habang sumisigaw ng sagot sa tumatawag.

ooooooh andito akoooo sigaw na sagot ni Arnie

.

.

.

Sa bayan ng Panungyan mabilis na tumatakbo ang motor ni Isyu angkas ang tatay ni Arnie

na taimtim na nagdadasal para sa anak ng may matanaw sya sa unahang daan na nasinagan ng ilaw ng motor ni isyu.

Peter : Lalake? nakaputing polo na long sleeve at puting pantalon at itim na boots na may hilang lubid? diyatat ito ang ikinukwento ni Arnie kay Betty nuong huli kaming puma ilaya sa pulo.Dios ko ilayo nyo po kami sa kapahamakan lalo na ang anak kong si Arnie.

dasal ng tatay ni Arnie sabay pikit ng mata at hawak ng mahigpit sa bewang ni isyu na nag mamaneho. hindi nya masabi sa kumpare ang nakita nya sa pag aalang makita din nito at maaksidente sila.

Isyu : (bakit kaya humigpit ang hawak ni Peter sa bewang ko? may nakita kaya syang kakaiba? )tanong ni isyu sa sarili

.

.

.

.

.

Sa isang dako ng bukid patuloy sa paghahanap sila kiko habang tinatawag ang pangalan ni Arnie, hindi nila malaman kung saan mag umpisa pumunta dahil sa bawat tawag nila sa pangalan ni Arnie.

napakaraming boses ang naririnig nilang sumasagot na kaboses ng kanyang pamangkin at nag eeko pa ang bawat boses na sumasagot,na para bang nanggaling sa malalim na lugar ang boses at pinaglalaruan sila.

Sila Adobo at Barako naman at mga kasama ay nagdalawang pangkat, nakarating na sila sa ibaba malapit sa kawayanan habang patuloy na tinatawag ang pangalan ni Arnie

Arniiee sigaw nila barako, ng may marinig silang sumagot malapit sa kawayanan, dali daling naglakad palapit sa kawayanan si Roger kasunod si barako ng biglang napahinto si barako sa paglakad ng dahil sa nakita nya ng malapit na sila sa kawayanan....

.

.

Si Arnie nakita nyang nakatayo sa kawayanan sa parte ng maumbok na lupa ng patay na burol malapit sa matarik na patay na ilat ....