sa nayon mag uumaga na nakabalik si Peter at Isyu (Dionisio) mula sa pagjahanap sa Panungyan, ikinwento ni Peter kay Betty at sa nakatatandang kapatid na si Orya;
Peter; may kalayuan din ang Panungyan, nang papunta kami sa bukana ng gubat sakay ng motorsiklo nakita ko ang lalakeng tinutukoy ni Arnie sa kanyang kwento nung nagdaang gabi.
nakita ko ang lalakeng may hilang lubid at nakadamit ng puti, marahil ay iyon ang tikbalang na nag anyong tao. kinilabutan ako at wala akong magawa kundi ang magdasal na lamang para sa aming kaligtasan ni Isyu. kwento ni Peter.
Orya; buti na lamang at nakabalik kayo dito ng ligtas sagot ni Orya sa kapatid na nakababata
Peter; buti na nga laang at pagdating namin sa bukana ng gubat, nakasalubong namin ang dalawang konsehal at kapitan ng nayon ng Panungyan.
sila ang nagbalita sa amin na natagpuan na si Arnie sa may patay na burol, nagpasabi pala si kapitang dune sa kapitan ng panungyan patungkol sa paghahanap kay Arnie sa patay na burol dahil nasasakupan ito ng nayon nila. paliwanag ni Peter
ano na nga pala ang balita? pahabol na tanong ni Peter
Betty; kaninang makalagpas ala una sumadya dito sila kapitan at mga kasamang naghanap bago umuwi, ibinalita nila na kasama nila kuya kiko si Arnie,.
sa kubo na raw magpapa abot ng umaga dahil hirap na silang aninagin ang daan dahil nagkalamat ang salamin nya sa mata, maging si Arnie daw ay mukhang hapo at antok an, kaya nagpasya silang magpahinga na muna.
Peter; mabuti naman at ganon na ang ginawa nila, mahirap ngang maglakad ng ganito kadilim lalu pa at malabo ang mata
Nakahinga nang maluwag sila kiko ng matanaw na nila ang kabahayan sa bungad papasok ng bukid, malayo layo din ang kanilang nilakad at medyo nananakit na ang kanilang mga paa at binti, bukod pa sa kaakibat na pangamba na baka anumang oras ay mapaglaruan sila ng engkanto.