Sa patay na burol? aba??? ay paanong nakarating si Arnie doon ? tanong ni joey pinsan ni Arnie.
oo nga Ka Tonyo, napakalayo na ng patay na burol! sakop na ito ng lupa ng Mendez sa Panungyan, imposibleng makarating ka agad doon ng naglalakad lang sa loob ng isang araw,
isa pa masyadong masukal na ang dadaanan mo dahil halos gubat na gubat na pagkalagpas ng simba simbahanan.; singit naman ni barako
hindi naman sya naglakad papunta don, isinakay sya ng tikbalang, sagot ni Ka Tonyo
Betty; eh bakit po ninyo nasabing gahol na tayo sa oras?
Ka Tonyo; muling hinawakan ang dalawang kamay ni Betty ,pinagdikit nya ito at pinantay ang dalawang hinliliit. nakikita nyo ba ito?
Betty, lagi mong obserbahan ang daliri mong yan, hindi sila pantay diba? sa sandaling nagpantay na ang sukat ng mga hinliliit mo, ibig sabihin nabawi na namin si Arnie ngunit kung lumagpas ang alas dose at di pa nagpapantay ang daliri mo! di na natin sya mababawi kaya magdasal ka para sa kaligtasan ng anak mo, at naming lahat na maghahanap sagot ni ka Tonyo.
Betty; Dios ko, sana naman ay gabayan nyo ang mga tutulong sa paghahanap sa anak ko, at bantayan nyo po ang aking anak, dasal ni Betty na nooy naiiyak na sa pag aalala.
lumakad na ang mga maghahanap, ang iba ay sumakay sa motor upang pumunta sa kabilang baryo ng kayquit upang sumama sa ilang kalalakihan doon na tutulong maghanap para magounta sa patay na burol.
Isyu; Peter magdala ka ng flashlight, gagamitin natin ang aking motor, pupunta tayo sa Panungyan at doon tayo magsimula sa paghahanap, alam ko ang daan papasok sa gubat papuntang patay na burol, iiwanan na lang natin ang motor ko sa bungad ng gubat.
aya ni Isyu ninong ni Loida, kay Peter.
Peter,; oh sige mabuti pa nga ay ganon ang gawin natin sangayon ni Peter.
.
.
.
Sa gubat sa may kawayanan sa patay na burol, tumayo si Arnie at lumabas ng bahay na kinaroroonan nya, ....
Kubo pala ito? napakaganda ng pagkagawa pati na ang bakuran anong lugar kaya ito? (tanong ni Arnie sa sarili) maya mayay napatingin sya sa kalangitan, .....
anong oras na kaya? bakit hindi pa sumisikat ang araw ganong umaga na? at bakit may maraming ibong itim ?malamang nag aalala na sila inay at itay, hindi ko namalayang nakatulog ako at pano ako napunta dito,.;
bulong pa ni Arnie, lumapit sya sa bakod at minasdan ang ibat ibang bulaklak ng may marinig syang tunog.
Arnie; may tumutugtog ng piano? may simbahan yatang malapit dito? bakit nakakatakot ang tunog ng tugtog ng piano? parang may libing? nahihintakutang bulong ni Arnie.
.
.
.
.
Sa kasalukuyan, nasa gubat na at naghahanap ang mga kalalakihang kababaryo ni Arnie, ganon na rin ang ilang kalalakihan na taga kayquit at ang tiyuhin ni Arnie na si Kiko.
Arnieeeeee Arnieeeeee hali haliling sigaw ng mga naghahanap sa pagtawag sa pangalan ni Arnie.
ooooooh....ooooooh......ooooooh
maya mayay narinig ng mga humahanap ang nag eekong sagot ng boses ni Arnie.
Ayun! sa banda don! parang doon ko narinig ang boses ni Arnie natutuwang sigaw ng tiyuhin ni Arnie habang tumatakbo ito at muntikan pang masubsob na ikinabagsak ng kanyang salamin sa mata
hooooooh Arniiiiieeeeee muling tawag ng mga ito, ng makalapit sa lugar kung saan inakala nilang narinig ang boses ni Arnie