lumabas si ka tonyo sa gate na yero ng poultry, may edad na ito at puti na ang lahat ng buhok. dalawa na lang ang ngipin sa harap at matangos ang ilong, bagamat may edad na ito at may kaitiman mahihinuha mong ito ay hindi purong Pilipino dahil sa kulay abo nitong mata.
nandyan na pala kayo, ang bati nya sa dalawang dumating, bilisan nyo at ng hindi tayo magahol sa oras, dagdag pa nito.
nagulat si Betty sa sinabi ni ka Tonyo,ngayon lamang nya nakaharap ang matandang ito, bagamat may katagalan na rin mula ng manirahan ito sa kanilang nayon.
Ano po ang ibig nyo'ng sabihin? pa'no nyo po nalamang pupunta kami dito, tanong ni Betty kay ka Tonyo.
mamaya ko na ipapaliliwanag pagdating sa inyong bahay, halika na at kailangan nating magmadali bago mahuli ang lahat sagot ni ka Tonyo
.
.
.
Dali daling pinakuha ni ka Tonyo ng papel lapis at pitong palito ng posporo si Betty pagkarating sa kanilang bahay.ipinasulat nya ang buong pangalan ni Arnie at kapanganakan sa papel bago ibinalot ang pitong palito sa papel.
Ka Tonyo : ang pitong palito na ito ay sumisimbolo sa pitong Arkanghel, kailangan kong magdasal ng orasyon para malaman ang kinaroroonan ng iyong anak. saad ni ka Tonyo kay Betty bago ito yumuko at nagdasal ng latin orasyon.
Ka Tonyo: Betty iabot mo sa akin ang iyong dalawang kamay, pahayag ni ka Tonyo;
iniaabot naman ni Betty ang mga palad dito
Ka Tonyo : sa ngayon ang inyong anak ay nasa patay na burol, doon sya dinala ng tikbalang na kumuha sa kanya, doon nyo s'ya puntahan at hanapin ngunit mag iingat kayo dahil delikado ang burol na ito, maraming kakaibang nilalang ang naninirahan dyan, marami na rin ang nawala at maswerteng natagpuan pa sa lugar na yan!
hindi ordinaryong tikbalang ang haharapin nyo maaaring gumawa ito ng paraan upang hadlangan kayo at iligaw upang di nyo mabawi si Arnie.
bukod pa sa madawag at malalim ang kahuhulugan nyo sa may ibaba ng kawayan kung saan naroon ang anak nyo. saad ni ka Tonyo sa mag asawang betty at peter ganon na rin sa iba pang sasama sa paghahanap.