Chereads / arnie sa mundo ng tikbalang / Chapter 194 - Chapter 80: Panibagong Adventure 5

Chapter 194 - Chapter 80: Panibagong Adventure 5

Laking gulat nila Prinsipe Borjo ng mapagmasdan ang kanilang kinaroroonan.

Nasa gitna sila ng isang tila malaking entablado, kung saan may isang lalake na kumakanta ng kakaibang awitin.

Nang lingunin nila si Arnie ay sumasabay ito sa pag awit ng vocalist habang nag he- headbangers, buong kapal ding kinuha nito ang microphone sa singer na nabigla sa kanilang biglang pag litaw sa stage.

Ang mga tao naman ay manghang nag sipag- sigawan pa sa kakaibang trick na kanilang nasaksihan.

Arnie: oh woh hoh sweet child of mine... oh oh woh sweet love of mine...hoooh

hello everyone!!! are you having fun??? tanong pa ni Arnie sa pagitan ng pag kanta.

The Crowd😘😘😘😘: Hell yeah!!! Rock on babe!!! ang sabay sabay na sigaw naman ng mga nanonood.

Arnie: hoooh..... where do we go? where do we go now?

where do we go??? ah .....hah... where do we go now???? ang muling tuloy na pag awit ni Arnie na sinasabayan pa ng pag lundag.

Ang mga kababaihan naman na nanonood ay kilig na kilig habang naka titig sa tatlong makisig at machong lalake na nakatayo sa likuran ni Axl Rose ng Guns N Roses na sa mga oras na iyon ay may live concert sa Wembley Stadium.

Tuloy sa pag tugtog ang banda ng GNR habang si Axl Rose ay nakangiting pinanood na lamang si Arnie sa pag kanta. Gandang ganda ito sa dalagang naka suot ng micro mini leather skirt na itim at puting hanging blouse na may heart design pa sa tapat ng dibdib.

Nang matapos ang kanta ay nakangiting kinamayan ni Axl Rose si Arnie, agad namang inilabas ni Arnie ang cellphone at nag selfie kasama ang lead vocalist ng bandang GNR.

Ang mga tao naman na nanonood ay di magkamayaw at tuloy ang sigaw ng.

The Crowd 😘😘😘😘: More...... More..... we want more.......