Ba't kailangan niya pang bumalik? Ba't kailangan niya pang magpakita sa'kin ulit?
Siya ang dahilan kaya halos isumpa ko ang pakikipagrelasyon. It's been a year since he left... with his another girl. Ni hindi ko alam na tapos na pala kami. Nagmukha akong tanga kakahintay sa eksplenasyon niyang hindi naman nangyari. Nagmukha akong tanga kakapaniwala sa mga salitang 'mahal kita' niya habang mayroon pala siyang iba. Nagmukha akong tanga kakaiyak sa kanyang hindi naman ako mahalaga.
I didn't even know if I matter. Dahil kung ganun, sana hinarap niya ako. Sana kinausap niya ako ng masinsinan. Dahil kahit isang 'Sorry, hindi ikaw ang mahal ko,' na galing sa kanya ay maiintindihan ko. Maiintindihan kong kailangang mangyari sa amin 'to. Na kailangan naming maghiwalay. Kahit masakit, matatanggap ko. Pero iba ang natanggap ko.
Ang sakit maiwan sa ere. Ang sakit maiwan ng walang paliwanag. 'Yong tipong kailangan mo pang mangalap ng eksplenasyon sa sarili mo, kailangan mo pang lokohin ang sarili mo para lang makamove-on. Tapos malalaman mong may iba pala siya kaya ganun? Alam niyo 'yong tipong sobrang sakit na pero kailangan mo paring tanggapin ang lahat? That you still have to learned the hard way in order to move forward? I didn't even know if I've really move on... I just can't... even when I had to...
Tapos ngayon magbabalik siya. Ang masaklap pa sa lahat, matapos ng isang linggong pagdating niya, ay siya namang pagdating ng bago niya. Ng ipinalit niya sa akin. And it's an exact week of an awkward moment for me.
"Sana all SWEEEET!"
"Nakakainggit sila! Sana may ganyan din ako!"
"Ang swerte nila sa isa't isa! Nakakainggit!"
Halos hindi ko malunok ang kinakain sa pagbabara ng lalamunan ko. It's been a week since then, pero parang wala man lang nagbago sa nararamdaman ko.
Ilang mesa lang ang nakapagitan ay naroon sina Claress at King, kinaiinggitan at tinitilian ng karamihan sa sobrang SWEET! 'Yong tipong palagi silang nakaalalay sa kilos ng bawat isa. Mga ngiti nilang kahit hindi nag-uusap ay pakiramdam mo may malalalim na kahulugan. And the four-corners of our cafeteria had been full of whispers of envy because of them.
Gusto kong magalit pero alam kong wala akong karapatan. Nakaka-insecure. Nakakainis sa puntong parang inaayawan ko na ang pag-aaral dahil sa kanila. Pero mas nakakainis ang pakiramdam na gusto ko parin siyang makita. Na parang... namimiss ko siya. Pero wala akong magawa kundi palihim siyang tingnan.
King Heroine Lawrence is my first and only love. Pero nasasaktan ako sa pakiramdam na wala na akong magagawa kundi tanggapin na hindi talaga kami pwede. Na may iba na siya. Na hindi ako 'yon.
Naalala ko ang sitwasyon ni Mommy noon. Kung paano akong nabuo dahil sa pagpapakatanga niya. Kung paanong hindi siya gusto ni Papa dahil iba ang mahal nito. Ganito talaga ata kami no? Walang happy ending. Walang forever.
Masakit makita ang taong importante sayo na masaya sa piling ng iba. Pero mas masakit magmove-on kapag sapilitan ng ipinapamukha sa'yo ng tadhana ang katotohanan.
"Nakakainggit talaga sila 'no? Hayyys..." buntong-hininga ni Kelly habang nakatingin rin sa kanila na ngayon ay nagngingitian sa isa't isa. "Hindi mahiwalay sa isa't isa. Nakakakilig tingnan! Lalo na tuwing nagkakatinginan. Ibang klase ang ningning ng mga mata nila. Like a definition of love... a love that can conquer anything in this world! A love that even us, na nakatingin lang sa kanila ay mararamdaman ito. Nakakainggit pero nakakakilig!"
Hindi ako nakapagsalita. Ano namang sasabihin ko? Sana all? Sana all masaya? Sana all nagtatagal? Sana all kinakikiligan? Sana all ganyan?
Ngunit hindi 'yan kaya ng inggit ko. Nanlalamig ang dibdib ko sa pagka-inggit. Naninikip ang puso ko sa sakit.
"Hindi lahat ng tao sinuswerte sa pagmamahal. Pero kapag sila ang tiningnan mo, parang masasabi mo na natagpuan na nila ang isa't isa. Na sila talaga ang nararapat magkatuluyan!" Nangingiting sabi ni Kelly, nagniningning parin ang mga mata sa pinaghalong emosyon. "Wala akong masabi. Sobrang bagay nila. Ang swerte nila sa isa't isa na kahit ako mapapasuporta! I am hoping for them to stay strong!"
Mas lalong nanlamig ang buong katawan ko. Hindi alam ni Kelly kaya alam kong hindi ko siya masisisi sa pinagsasabi niya. Pero hindi ko mapigilang masaktan. Hindi ko mapigilang hindi maapektuhan. Hindi ko mapigilang mapaluha.
Napatingala ako sa kisame para pigilan ang pagpatak nito. Ipinikit ko ang mga mata at nagfocus sa sarili. Huwag dito, please? Kahit ito man lang ang matupad sa buhay ko. Ang 'wag mapahiya. Lalo na sa harap nilang dalawa.
"J-Julie? Are you okay?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Kelly. Unti-unti akong nagdilat ng mata at tiningnan siyang mukhang nagulat sa anyo ko. "T-Teka, are you crying?"
Agad akong napailing bago tipid na ngumiti. "No, I'm not of course!" Pagtanggi ko bago muling napailing-iling. "Nata-touch lang ako na ganyan kang mag-isip, to think na hindi ka pa nagkanobyo."
"Hindi naman kasi ako katulad mong masyadong bitter sa buhay 'no! Pinapangarap ko ring magka-lovelife, Julie! 'Yong tipong maranasan alagaan... at mahalin..." nanggigigil siyang napabungisngis sa kilig.
Minsan ko rin 'yang pinangarap, Kelly. Pero tingnan mo kung saan ako dinala nito? Hindi ako selfish pero para akong inagawan. Ngayon, wala akong magawa kundi tanggapin ang lahat. Dahil alam kong para sa kanya, matagal ng nagtapos ang lahat.
"I miss you." Basa ko sa isang mensahing galing sa unregistered number.
Ngunit agad rin akong napalingon ng biglang kumalampag ang ballpen kong nahulog sa sahig. Nagpagulong-gulong ito hanggang sa likod ng upuan ko. Napalingon ako dito para sana tingnan ang kinaroroonan nito ng may biglang mag-abot nito sa'kin.
"It's yours?"
Napalundag ang dibdib ko sa kaba at excitement. Parang hinahaplos ang puso ko sa tuwing naririnig ang boses niya. I missed him. Pero alam kong hindi na pwede ito.
Itinago ko ang bahagyang nanginginig na kamay matapos abutin ang ballpen sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin. "Y-Yeah, thanks!"
Napatitig ako sa gwapo niyang mukha ng bigla siyang ngumiti. "You're welcome!"
Nag-iwas ako ng tingin, lalo na ng bahagya niya akong titigan. Then I realize something. He's been casual to me while I act so bitterly. He doesn't seem to be bothered I'm around while I am. Ganun talaga ano? 'Pag wala kang halaga sa isang tao. 'Pag ang tingin niya lang sayo ay isang simpleng kaklase niya lang. Hindi isang minsang karelasyon niyang may malalim na ugnayan.
Kinabukasan ay nagulat ako ng madatnan ang maraming palumpom ng bulaklak na nakapaligid sa upuan ko. Thrice the flowers Mountain give... almost a week ago?
Natigilan ako ng makita ang nakangiting si Mountain habang may hawak ng bouquet ng mga puting rosas. Hindi paman ako tuluyang nakakapasok sa loob ay sinalubong niya na ako. Inilapag niya ang bouquet sa gilid bago ako niyakap ng mahigpit! Na kahit pagtili ng mga kaklase kong nakakita ay hindi ko na masundan!
"W-What are you doing?" Mahinang bulong ko sa nababaliw ng si Mountain na haggang ngayon ay hindi parin ako binibitawan. "Are you out of your--"
"I miss you," mahinang bulong niya habang mas lalo akong niyayakap ng may panggigigil. "Damn! I missed you so much! It's been week, Babe."
"Wahhh! Anong ibig sabihin nito?!"
"Are they dating? Oh my god! Ako nalang Mountain, please?!"
"No way! Alam kong maganda siya pero bakit siya?! Ba't hindi ako?! Huhuhu."
Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata ng nakakita sa amin. Marami na, actually, ang naroon sa loob, gulat man at namamangha ay malalaki ang ngiti para sa aming dalawa. Sa may bandang pintuan ay may maraming nakasilip, naiinggit dahil ang kanilang idolo ay mayroon na namang bagong kinahuhumalingan... at hindi sila iyon.
Napabuntong-hininga ako. Gulo na 'to. Anong pumasok sa kokote ng lalaking 'to? Alam kong may sayad siya--pero hindi ko inakalang ganito na ito kalaki!
Bumitaw siya bago ibinigay ang bouquet niyang dala. Pinakatitigan niya ako habang naiilang na tumitig pabalik sa kanya.
Nakakahiya 'tong ginagawa niya!
"I'm sorry if my gifts' been absent, too, for the whole week I'm out. Did you missed it?"
"Mountain... ang daming tao, ang daming nakakakita sa'tin," mahinahong bulong ko sa kanya. Pero parang wala siyang pakialam.
"Natutunaw ako sa ka-sweetan ni Mountain, myghed! Hindi ko kaya itech!"
"Sinabi mo pa, bakla! Nakakainggit! Sana ako ang ginaganyan niya!"
"Ang hot mo, Mountain! I miss you!"
Tiningnan niya ang paligid bago ibinalik sa akin ang paningin. "Don't mind them. They'll know sooner or later anyway. I just can't contain it anymore. I miss you."
"Masyado ka ng OA ha? Ano bang nangyayari sayo?"
Sandali siyang napaisip. Sa gilid ng aking mga mata ay kitang-kita ko ang natitigilang sina Claress at King na papasok sa loob, gulat din sa nangyayari bago mapatingin sa'kin at kay Mountain.
Nag-iwas ako ng tingin ng magtagpo ang mga mata namin bago ibinaling kay Mountain na nakangisi sa'kin.
"I like you, Julie," bulgar niya na nagpasinghap sa lahat ng nakarinig. Iba't ibang klase ng reaksyon ang narinig ko, may napasipol, napasigaw, at napatili sa parang baliw na kinikilig. "And I want you to be mine... babe."
***