Bakit nga ba hindi ako naniniwalang may forever? Di ba parang masyado naman ata akong mapanghusga? Na maaaring totoo naman ito at nangyayari sa iba?
Well then, I don't care if it's true or if it does exist. I don't care if it's happening to the other people. Dahil sa ngalan lamang na hindi ito natutupad sa lahi namin, nararapat ko na talaga itong iwasan.
My mother is a single parent while raising me. I am an only child dahil ipinagbubuntis palang ako, naduwag na ang aking ama. Ayon at nasa ibang bahay, mas piniling palakihin 'yong mga anak ng babae niya kaysa sa akin na sarili niyang kadugo.
Hindi naman sa kinamumuhian ko siya. Sabi ni Mommy, 'yong kapiling ng magaling kong ama ngayon ang talagang minahal niya. Bunga lamang daw ako ng isang gabing pagnanasa. Na nilandi niya lang daw si papa kaya ako nandito. 'Yong tita ko naman na kapatid ni Mommy, tumandang dalaga sa paghihintay na balikan siya. Habang 'yong tito kong namamahala ngayon sa kompanyang iniwan ng lolo namin, kahit may kambal na anak na kasing edad ko lang, mas piniling iwanan ng asawa niya para sundan ang minamahal daw nito.
So, nasaan ang forever dun? Ano 'yon, forever alone? 'Yong tipong, sana all mag-isa?
"Ewan ko na talaga, Julie! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Ginagawa ko naman ang lahat para mag work kami, pero parang ayaw niya! Nambababae parin siya! Ang masama pa dun, sinasadya niyang ipaalam sa'kin! Parang sinasadya niyang saktan talaga ako!" Ngawa ng pinsan ko isang sabado ng umaga.
Tinawagan niya ako kanina habang abala sa pag-aayos ng mga gamit na bigay ni Mountain na habang tumatagal, mas lalong dumadami. Ewan ko ba dun, bigay ng bigay sa'kin kahit marami naman akong babaeng naririnig na nalilink sa kanya mula ng maghiwalay sila ni Avey. Masyadong papansin!
Napabuntong-hininga ako habang pinakikinggan si Jammy. Nandito kami sa isang ice cream parlor ngayon. Matapos magsalita ay kumuha siya ng isang scoop ng ice cream at deretsong kinain.
"Jammy, ba't di mo nalang kasi hiwalayan? Masyado ka ng nagpapakatanga sa taong 'yan! Marami pa namang lalaki ah? Atsaka, diba may lalaki narin namang nakalaan sayo? Ba't kailangan mo pang pagtsagaan 'yang boyfriend mong wala namang kwenta? No offense meant okay?" Ngiwi ko.
"Kaya nga mas lalo ko siyang sinusuyo eh! Dahil gusto kong siya nalang! Na baka magbago ang isip ni Daddy! Ayoko ng arrange marriage, Julie!"
"Pero 'yan na ang nakatadhana sayo? Atsaka, kahit naman magpakasal kayo niyang boyfriend mo ngayon, sigurado ka bang titigil 'yan sa pambabae?" Pagbibigay punto ko. "Only one in a million nalang ang matinong lalaki ngayon, Jammy. Kung ngayon nga, harap-harapang nanloloko. Ano nalang kaya pag ikinasal kayo? Baka araw-araw karing umiyak sa panggagago niya!"
Napailing ako. Jammiene Claire Fernandez is my only girl cousin. May kakambal siyang lalaki na sa ngayon ay pinag-aaralan na ang pamamahala sa kompanyang pinamamahalaan ni Tito Julio, kapatid ni Mommy. She's only 19 years old while I'm 18. Noong birthday niya, sinabi ni tito na may nakatakda na siyang pakasalan pagdating ng ika-dalawampo niyang edad, and it's gonna be next year!
Kaya ngayon ay namomroblema siya. Dahil may boyfriend man siyang mahal na mahal niya, halata namang walang pakialam sa kanya! Napabuntong-hininga ako.
"Pero mahal ko siya e. Siya lang gusto kong makasama. Sa kanya ko gustong makasal... hindi sa taong--" napailing siya. "I don't even know that stranger! Baka mas masahol pa siya sa boyfriend ko ngayon! And I don't want that, Julie! Kung magdudusa man ako, mas pipiliin ko pa sa kamay ng boyfriend ko!"
I get her point, though. 'Yan ang problema sa arrange marriage.
"Ba't di mo nalang kasi kausapin si Tito? I'm sure you can do something to stop it! I mean you are his only girl--his princess!"
"Ewan ko nga diyan kay Daddy! Alam naman na ang pakiramdam ng ipinagkakanulo, ginagawa pa sa'kin! What if iwan rin ako ng taong gusto niya tulad ng ginawa ni Mommy? Langya talaga..."
Ilang sandali kaming nanahimik habang kumakain ng ice cream. Alam kong namomroblema siya sa kakaisip kaya hinayaan ko muna. Dahil kung ako ang tatanungin, hiwalayan ang gusto ko. Total, wala rin namang forever! Walang taong mananatili dahil wala ng taong loyal sa panahon ngayon!
"Makipagtanan nalang kaya ako?" Bigla ay suhesyon niya.
Sinamaan ko siya ng tingin bago dinuro. "Yan ang wag na wag mong gagawin kung ayaw mong magkalimutan tayo!"
Napanguso siya bago napangiti. "You acted like my ate, where in fact, that should be me. Hayyst, alam ko namang bitter ka at hindi naniniwala sa forever, pero Juls, hindi masamang i-try mo rin minsan--"
"Wala akong plano."
"Dahil hindi naman 'yan napaplano, Juls. Minsan nga, kung ano pa 'yong plinano, siya pang hindi natutupad. Unexpexted things are much exciting, anyways. Much thrilling. And I'm looking forward to yours. Gusto kong makita kung paano mo babaliin ang pader na matagal mong itinayo at matunaw sa pagmamahal na kailanma'y hindi natatapos," hagikhik niya.
"You know exactly why I don't want it anymore, Jam. Ayoko na."
"Hindi nagtatapos sa isang pagkakamali ang buhay, Juls." Tipid siyang ngumiti bago napatingin sa pinto ng bigla itong bumukas bago pumaibabaw ang isang matining na boses ng batang babae.
"Yieee! Chocolate ice cream! I want chocolate ice cream, tito! Puppy please?"
"Of course, baby! We'll get you one, and more! Just don't tell your Mommy about this, okay? Patay ako nito." Napakamot ng ulo niya si... Mountain.
Laglag ang panga ko habang sinusundan sila ng tingin nung batang babaeng hawak-hawak niya sa kamay habang papunta sa counter para umorder.
"Anyway, Juls, I gotta go! Kailangan ko pang icheck ang condo ni Ian, mabuti ng malaman kung may babae uli siyang inuwi dun kaysa maging mangmang ako sa ginagawa niya!"
Hindi ko na nasundan ang pagtayo ni Jammy at pag-alis dun. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.
May anak siya? What the hell?
Kung titingnan ay parang four years old na 'yong bata. Maganda-- no, she's cute! Very, very cute! Bata pa man ay mahahalata mo na ang pagkakaparehas nila ng kulay ng mata ni Mountain. Deep yet tantalizing gray eyes! Don't tell me batang ama tong si Mountain?
Pati si Mountain ay nagulat ng makita ako. Tiningnan nito ang buong paligid para maghanap ng mauupuan nila pero sa huli ay mas pinili niyang lumapit sa akin kasama 'yong bata.
"Yehey! Ice cream! My ice cream!"
"Hindi ako na-inform na may anak kana pala. Nararapat pala talagang tigilan muna ang kakabigay sa akin ng kung ano. Mas mabuti pang ibili mo nalang 'yon ng diaper... o di kaya'y gatas." Napangiwi ako bago nag-iwas ng tingin.
Napakunot ang noo niya bago napatingin sa bata. Kalaunan ay napangisi siya bago unti-unting ibinalik ang tingin sa akin. Magaan niyang inalalayan ang batang umupo sa harap ko.
"Please sit down carefully, baby. Wag masyadong magalaw, baka mahulog ka," mahinahon niyang sabi rito. "May iba pa namang sinasalo 'yong tito mo," mariin niyang sabi habang nakatingin sa akin, clearly emphasizing the word 'tito'.
Bahagya akong napanganga sa kanya. Tito? Hindi daddy?
"Don't worry, Juls. Kung anak ko man 'to, maibibili ko parin naman siya ng gatas at diaper, even while sending you expensive gifts." Humalakhak siya na nagpapula ng mukha ko.
"Walangya ka talaga, Mountain---"
"Shhh, stop the bad words, please? My bata tayong kasama, babe. Kung anak natin 'toy ayoko namang puro bad words ang nalalaman niya habang lumalaki."
Mas lalong namula ang mukha ko. "In your dreams!"
"Inaaway mo po ba ang tito ko?"
Napatingin ako sa bata na siyang inosenting nagsalita. Bigla ay parang kinabahan ako habang tinitingnan ang naka-pout niyang labi na may bakas na ng kinakain niyang chocolate ice cream.
"N-No, baby--"
"Then why are you shouting at him?" Deretsahang aniya. "You're bad."
Napanganga ako. Ako pa ngayon ang bad? E 'yong tito mo nga 'yong bad eh! Masyadong paasa sa mga babae!
"Oh, no, baby. We're just talking and your future tita just gets excited over something that's why she shouted a bit. Just continue eating, okay?" He patted the child's head gently.
"Excited of what? You know her tito?" Inosenting tanong nung bata.
"Yes, baby," bahagyang kinurot ni Mountain ang pisngi nito bago bumaling sa akin, may pilyong ngiti sa mukha. "Excited na ata siyang sagutin ako, Baby. Sa gwapo ba naman ng tito mo? Sinong hindi, diba?"
"Ohhh---" namamanghang napatingin ang bata sa akin bago sa tito niya. "And I'm very pretty tito, right? You said that!"
"Of course! Nagmana ka sa'kin e!"
Malaki ang ngiti ng bata bago muking bumaling sa pagkain ng ice cream. Sa buong panahong pag-uusap naman nila, wala akong nagawa kundi mapanganga at mamangha sa kahanginan nila!
Walang duda, magkadugo nga sila! Pareho silang mahangin!
"Hindi mo nga siya tinuturuang magsalita ng masama, tinuturuan mo naman siyang lumaking mahangin. Nice one, Mountain."
"Anong mahangin dun, babe? Totoo naman diba? Kaya nga hindi mo ako matanggihan eh."
Napangiwi ako bago ngumisi sa kanya. "Then, tigilan mo na ako. Basted ka na."
Humalakhak lamang siya habang pinagmamasdan ako. "I always find you to be a badass girlfriend."
"Wow, nahiya naman ako sa kapal ng mukha mo."
"Kung sa kapal lang kita makukuha, then, why not?" Inilapag niya ang dalawang siko sa mesa bago humalukipkip sa harap ko. "I want you, Juls... ever since I transfered in that school. Kung noon hindi ko makuha-kuhang sumaya na kailangan ko pang manirahan dito sa Pilipinas sa taong ito, ngayon ay halos ipagpasalamat ko na ang pagkakataong ito---"
"Shut up, Mountain. Baka nakakalimutan mong magmula ng magkakilala tayo ay kaliwat-kanan ang babae mo? At talagang pati ako pinupunterya mo ah? Hindi pa ba sapat?"
"Magiging sapat lang naman ang lahat pag naging girlfriend na kita."
"Then hayaan mong maging kulang ang buhay mo, dahil hindi ka kailanman magiging parte ng buhay ko. Not a playboy like you."
Natahimik siya at tiningnan ang bata na natahimik na kumakain. Bahagya akong nakonsensya pero pilit kong isinantabi iyon.
Playboy si Mountain, at ang isang taong tulad niya ay hindi nagbabago. Kung nagbabago man ay panandalian lamang. Parang nakadroga lang, nakatanim na 'yan sa sistema nila at talagang hahanap-hanapin nila 'yon.
"Excuse me, but I have to go." Paalam ko kalaunan bago sinuot ang sling bag.
Nilingon niya ako. "Ihahatid ka na namin."
"No, thanks. Kaya ko namang mag-taxi."
Napabuntong-hininga siya bago ako tinanguan. "Please take care, Julie. Kailangan mo pa akong sagutin."
"AYIEEE! SANA ALL MAY MANLILIGAW NA HOTTIE!"
Sabay kaming napalingon sa sumigaw. Isang bakla na makapal ang make-up, ngayon ay sinasaway na ng kanyang mga kaibigan.
"Ako nalang ang ligawan mo please?! Promise sasagutin kita agad!" Sigaw pa niya.
Napakunot-noo ko.
"Tumahimik ka nga Junjun! Mahiya ka naman sa kanila!" Saway sa kanya nung babaeng kasama niya. "Pasensya na po kayo. Nabasted sa crush niyang may jowa na pala e, kaya ganyan. Peace po tayo ha?"
"Okay lang--"
"No worries."
Nagkatinginan kami ni Mountain. Inirapan ko ang nakangisi niyang mukha bago tuluyang lumabas. Hindi ko alam pero parang ang gaan ng pakiramdam ko. Napangiti ako na agad ring napawi. Hindi ito dapat.
Monday morning ng maabutan ko ang nagkakagulong paaralan. Chismiss dito, chismiss doon. Masyadong maingay na kahit ako, nalilito sa kanila.
"Oh my god! Ang gwapo niya! Sino siya?"
"Oo nga ang gwapo! Tsaka ang bango, girl!"
"Balita ko magtatransfer daw 'yon dito, nae-excite ako!"
Rinig na rinig ko ang iilan nilang bulungan habang papalapit ako sa classroom. Gulat pa ako ng maabutang may iilan pang babaeng nakasilip sa loob ng classroom namin. Parang nung pagdating lang ni Mountain dito sa campus, instant celebrity.
Don't tell me hindi parin sila makaget-over sa kanya? Alam kong gwapo siya at talagang malakas ang dating pero kailangan bang harap-harapang mamangha sa kanya?
"Crush ko na siya!" Hagikgik ng iilan.
"Ako rin! Sana all! Ang gwapo niya!"
"Ang swerte ng Grade 12! Dalawang hottie nasa classroom nila! Kung ako ang nandyan, for sure, kanina pa ako nahimatay!"
Ang OA na ah?
Ngunit parang pati ako nagulat sa nadatnan. Iilang kaklase ko, nagkakagulo at nagpapakilala sa bagong mukha... ng tingin ko'y kaklase pa namin.
What is he doing here?
Malaki ang ngiti niya habang nagpapakilala sa lahat ng naglalahad ng kamay sa kanya. Kahit si Kelly na walang alam sa kanya, nandoon at nakuha pang magpakilala.
"JULIE! Ba't ngayon ka lang? May bago tayong kaklase! Halika, ipapakilala kita sa kanya!" Sigaw ni Kelly na kumuha sa atensyon ng lahat.
Iniwasan kong magpakita ng emosyon ng pati siya ay mapatingin sa akin. Mukhang hindi na kailangan, Kelly, dahil kilalang-kilala ko na siya.
"Julie..." aniya.
Tumango ako bago nag-iwas ng tingin at dere-deretsong naglakad papunta sa sariling upuan.
Ba't nandito ang Ex ko?
***