Chereads / Triangular Love (The 3 Sided Love) / Chapter 3 - Chapter 3: Present

Chapter 3 - Chapter 3: Present

Simula nang sila pa ay bata pa at ngayong college na sila ay magkasama at magkaibigan pa rin ang dalawa.

Maagang pumunta si Jeno sa bahay nila Mina dahil palagi silang magkasabay nito sa pagpasok sa paaralan. Ngunit parang natutulog pa ata si Mina...

"Mina?! Andito na ko sa harap ng bahay niyo! Kanina pa! Bilisan mo! Baka ma-late tayo niyan?!" ,sabi ulit ni Jeno na naiinip na.

Jeno's POV: Ang tagal naman ni Besty! Nagpuyat na naman kaya ito kagabi?! Sigurado akong ngayon palang gigising niyan! Hayss...

"Mina? Mina? tok*tok*" ,sigaw ni Jeno habang kumakatok sa pintuan.

Habang si Jeno ay sumisigaw sa kakatawag kay Mina. Biglang nagising si Mina dahil sa sigaw ni Jeno.

"HALLUHH!?Ano ba yan! Anong oras na? Natanghali na naman ako ng gising! Sira na naman yung alarm ko nakakainis naman!" ,sabi ni Mina na nagulat habang nag aalis ng muta sa mata.

Mabilis ng kumain at gumayak si Mina para hindi matanghali.

"MINAaaa!! Ano na ba Besty?! Ang tagal mo namen!" ,sigaw ni Jeno na inip na inip na.

"Wait lang malapit na talaga ako, promise!", sagot ni Mina.

"OMG! GURRLL?! Ang tagal mo! Male-late na tayo!" ,sabi ni Jeno.

"Pasensya na talaga Jeni...Hindi na mauulit! Promise! Kasi naman nasira yung alarm ko! Badtrip nga ih, kaya tuloy natatanghali ako sa pag gising!" ,sagot ni Mina.

"Pagawa mo na nga yang alarm mo na yan! Diba may alarm din sa cellphone? Bakit di ka dun mag alarm?" ,sabi ni Jeno.

"Eh kasi... Nalolowbat ko yung cellphone ko sa gabi" ,sagot ni Mina.

"Ah kaya pala! Nagpupuyat din kaya di makagising ng maaga! Imbis na itulog mo ng maaga nagpupuyat, teh?" ,sermon ni Jeno kay Mina.

"Galit naman si Besty, OPO na matutulog na po ako ng maaga, tara na lakad na tayo! Baka tuluyan na tayong ma-late!" ,sabi ni Mina.

"Dapat lang na maglakad na tayo, kanina pa,jusko!" ,galit na sabi ni Jeno.

"Ito naman highblood ka masyado, sorry na oh? Di na talaga mauulit!" ,nakangiting sabi ni Mina.

"Hay nako Mina! Huwag mo nang uulitin yun! Ang tagal mo kaya! Dahil... may kasalanan ka sakin, libre mo ko fishball mamaya! Huh?!" ,sagot ni Jeno.

"Ay?! Yun lang ba? Oh sige! Ililibre kita!" ,sagot ni Mina.

Papasok na sila ng school. Habang naglalakad sa loob ng school ay may nakasalubong silang mga nagtitilian na babae at papunta kay Jeno ang mga ito.

"OOooWwwEEeeemmMJjjJIIiii!!!!!!!!!!!! Jjjjeeennnnoo!!!!" ,sigawan at tilian ng mga babae papunta sa amin.

"OMG! Gwapo naman talaga ni Kyahh Jeno sa malapitan!!! Kkyyaahh pPaapPiIcCtTuRee???!!!" ,isa pang babae na may saltik ata sa utak.

Mina's POV: Grabe naman ang mga babae na to! Sakit sa tenga! Napanganga na lang ako eh! Akalain mo yun! Maraming tagahanga si Jeno sa school na to, iba din ang kagwapuhan ni Jeno! Pero hindi nila alam na ang hinahangaan nila.....................beki, bbwwusshhh......wawhahahahaha!!!! Sorry namern! Pero hindi ko rin makakaila na isa rin ako sa mga nagkakacrush sa kanya hayss...

"KYAAAHH Jeno?!!! Pepekshur nemen poh pleessh??...Crush na crush poh keshe keta eh" ,pagpapabebe ng isang tagahanga niya.

Mina's POV: 'Di kaya nakalunok na ng brace yun? Parang di na nakasuot eh, nakalunok na! Hay nakuu!!

"Mina? Tara na bilis!", bulong ni Jeno sakin habang tumatakbo kami palayo sa mga babae na nagpapapicture sa kanya.

Pero biglang bumilis din ang pag tibok ng puso ko ng hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko habang kami ay tumatakbo. Napakalambot ng kamay niya dug*dug*dug* parang tumatalon ang puso ko sa kilig!!!

Habang tumatakbo kami...

Dampi ng hangin sa aking mukha...

Hawak kamay...

Sabay pagtingin ko sa kanyang nakakaamong mukha...

'Di mapigilan ang bilis ng pagtibok ng puso ko...

"HOYYY MINAAA!!!" sigaw ni Jeno diretso sa'king tenga.

"Ang sakeett HAH!!! Nabingi na ko!!!" ,sigaw rin ni Mina kay Jeno.

"Eh pano naman di ka sisigawan, eh... Nakatulala ka dyan!!! Ano ba iniisip mo? HUH??!!" ,sumbat ni Jeno.