Biglang kinabahan si Mina dahil ang katunayan niyan iniisip nito si Jeno.
"Ahh... Eh... ang iniisip ko yung test natin mamaya! Kasi naman ang hirap ng lesson! Sasabog ata utak ko!", pagrereklamo ni Mina.
"Huh? Test?! Wala naman tayong test?! Ano pinagsasabi mo? Lutang ka gurl?!", sagot ni Jeno.
"Ay!... Wala ba?", sabi ni Mina sabay kamot sa kanyang ulo.
"Ano na naman kasi yang iniisip mo?! Hindi ka na naman nagsasabi sa'kin! Nakakatampo ka huh!", pagkakalungkot na sinabi niya.
"Wa-wala yun! Sa-sadyang lutang lang talaga ako! Wag mo ng intindihin!", sabi ni Mina na nauutal pa.
"Bakit parang nauutal ka? Atsaka kanina napakalalim ng iniisip mo?", tanong ni Jeno na nagiintay ng sagot mula kay Mina.
Sa kanilang pag-uusap, bigla na lang sumingit ang isang pinakamaldita sa paningin ni Mina na si Rheesy kasama ang kanyang mga alipores na sina Gucci at Chanel.
"Oh! Hey Mina? How are you?", isang pagbating pamamalastik ni Rheesy.
Bigla na lang napalitan ng galit ang emosyon ni Mina sa pagkakakita niya kay Rheesy.
"You're looking pretty today!", hirit na naman ni Rheesy.
Mina's POV: Sigurado akong pinaplastik ako nitong babaitang ito eh! Pagkakita ko pa lang sa kanya nang gigil na ako! Gusto ko siyang ingudngod sa sahig kung kaya ko lang talaga! Nagtitimpi lang talaga ako eh!
"You're looking pretty today! Kasi naman may kasama siyang pogi! Kaya nagpapagandaaa??! Para lumandeee??? Ganun ba Mina?!", pangaasar ni Rheesy kay Mina.
"For your information Rheesy! Bestfriend kami ni Mina kaya wala kang karapatan na sabihan siyang malandi dahil 'di kanya katulad mong mas pokpok pa sa pokpok!", pagtatanggol ni Jeno na biglang lumaki ang boses.
"OMG sis! Sinabihan ka ng pokpok?!", pagkagulat sinabi ni Gucci kay Rheesy.
"Well... Sis! Si Prince Charming pinagtatanggol ang prinsesang palaka, Anuena sis?!", sabat pa ni Chanel kay Rheesy.
Si Rheesy ay biglang naduwag sa pagtatanggol ni Jeno.
"How dare you to say it to me?!", sabi ni Rheesy na napikon sa sinabi ni Jeno.
"Kung wala kang sasabihin na maganda, umalis ka sa harap ko!
At kung mamalastik ka ng kapwa mo?!! Dun ka sa basurahan!!!Marami kang ka-uri don?!! Mag-usap kayo ng mga kaplastikan!", sagot ni Mina kay Rheesy.
"Humanda ka sa'kin Mina!", pambabanta ni Rheesy kay Mina.
Nagulat si Rheesy sa kanyang narinig kay Mina, napikon ito at bigla na lang umalis.
"Tama lang yun sa kanya! Wala siyang magawang tama sayo!", sabi ni Jeno kay Mina.
"Ewan ko ba sa babaeng yun! Matindi ang galit sa'kin! Wala naman akong ginagawang masama sa kanya!", sagot ni Mina.
"Huwag kang mag alala ipagtatanggol kita Besty!", sabi ni Jeno.
"Salamat, Besty!", sabi ni Mina na may lungkot sa kanyang mukha.
Napansin ni Jeno na malungkot si Mina.
"Parang... Malungkot ka ata gurl?!", tanong ni Jeno kay Mina na parang nag aalala.
"Huh?! Wala 'to! Ano ka ba?! Masaya nga ko eh, pinagtanggol mo ko sa babaeng yun!", safot ni Mina.
"Palagi ka na lang walang sinasabi sa'kin! Ano ba?! Nakakatampo ka Besty!", sabi ni Jeno na parang nagtatampo na kay Mina.
"Tara na! Bilis!", pagkasabi ni Mina at biglang hinawakan ang kamay ni Jeno at biglang tumakbo.
"WwOoYy!!! Saan tayo pupunta Besty! Ano ka ba?! Daming tao!", sigaw ni Jeno.
"Sa room san pa ba??!! Late na tayo sa klase!!!", sigaw din ni Mina.
Mina's POV: Ang dami na nangyari! Umaga pa lang! Hay Nako! Pagkatapos ng aming klase sa umaga, syempre lunch na!
"Woy Besty! Lunch na tayo!", sigaw ni Mina.
"Para kang SPEAKER sa sobrang lakas ng bonganga mo!!!", sigaw rin ni Jeno.
"Wow! Parang 'di rin siya!", pagbibiro pa ni Mina kay Jeno.
"Tara na nga! Lunch na tayo!", sabi ni Jeno.
Papunta na sila ng canteen at kumain na sila ng lunch.
"Uy! Mina! May dumi ka sa...", sabi ni Jeno habang nagiintay naman si Mina.
Mina's POV: Ano yun Jeno?
"May dumi ka malapit sa labi mo", sabi ni Jeno habang pinupunas niya ang dumi sa labi ni Mina gamit ang tissue.
Nakatulala lang si Mina kay Jeno dahil sa ginawa nito.
Mina's POV: O-M-G! Grabe... Pinunasan niya yung dumi malapit sa labi ko, parang kaming nasa drama lang o kaya movies na napapanood ko sa TV. Ganun yun ginagawa nila eh...pinupunasan nila yung leading lady! OMG talaga!!! Teka ka lang Mina! Ano ka ba?! Masyado kang pumapantasya!! Toktok ka sa ulo!!!
"Wooy! Sumubo ka na ng pagkain mo! Itong si Gurl! Malala!!!", sigaw ni Jeno.
"Ah... Kain na nga tayo!", sabi naman ni Mina na parang kakagising lang sa pagkatulala.
"Kain lang gurl! Walang tayo!", sabi ni Jeno.
Mina's POV: Ouch yun ah! Sakit naman Jeno! Oo nga naman kain lang! Kain lang!
"Edi kain, kain na!", sabi naman ni Mina.
"Para kang lalaki eh! Baboy mo kung kumain! Tingnan mo yung pinagkainan ko ang linis! Ikaw may tira-tira pa!", sabat naman ni Jeno na parang nanay.
"Asus?! Ikaw ba bakit BAKLA ka?!", sigaw ni Mina habang ang lahat ng tao nakatingin sa kanya.
"Bwiset ka Mina! Nakakainis tong babaeng to!", bulong ni Jeno sa sarili na nainis sa sigaw ni Mina.
"Aayyyyyyy.....", pagkasabi ni Mina ng mahina at narealize ang ginawa nyang kalokohan kanina.
Mina's POV: Haluh!! Daming nakatingin samin ni Jeno... Yung iba tagahanga niya na mukhang galit sakin... Kasi nga sinabihan ko siya na bakla... Sorry talaga Jeno.... Ano na gagawin ko....
"Ano ba naman kayo! Bakit ganyan kayo makatingin?! Na-misunderstand lang kayo kasi...ah... Bakla kasi tawag ko sa karamihan lalo na mga kaibigan ko! Oy, bakla! Hi, bakla! Ganun ako!"
, sabi ni Mina sa lahat ng taong nakatingin sa kanya.
Nang nagsalita na si Mina ay umalis na ang ibang tao at di na sila tiningnan.
"Kainis ka Mina! Dun nga tayo!", habang binubulong ni Jeno si Mina ay hinila niya ito papunta sa kanilang paboritong tambayan sa school.
Pumunta na sila sa paborito nilang tambayan na tanging sila lang ang nakakaalam at malayo sa mararaming estudyante. May upuan duon at may mga puno din kaya naman mahangin duon kapag sumapit na ang katanghalian.
"Muntik ka na duon! Kung hindi ka nagsalita agad sa kanila! OMG GURL! Sasabunutan kita eh!", sermon nito kay Mina.
"Kasi naman nadala lang ako sa sinabi mo kanina! Sorry na Jeni, hindi na mauulit! Tsaka malay naman nila na bakla ka! Eh... galing mo magpanggap na lalaki, papogi ka pa! Kaya maraming nagkakacrush sayo eh!", sabi ni Mina kay Jeno na may ngiti.
"Eh... aasarin lang naman nila ako eh atsaka baka isumbong at mabalitaan nina Mother and Father yun at malalagot ako!", pagaalala na sinabi ni Jeno.
"Hay sus Jeni! Kaya magaling kang magpanggap! Pwede ka ng ARTISTA! Sa maraming tao lalaking lalaki ka, kapag tayong dalawa na lang baklang bakla ka!", pangaasar pa ni Mina.
"Eh... Syempre naman Besty ganon talaga!", sagot naman ni Jeno.
"Pero alam mo... gwapo ka eh, kaso baklush ka!", sabi ni Mina.
At sumagot si Jeno, "MAGANDA kasi Gurl! MAGANDA!".
"Hay naku... Si Besty talaga! Kanta nga tayo!", request ni Mina kay Jeno.
"Kakanta ka pa eh wala ka nga sa tono, gurl!", biro naman ni Jeno.
"Jeni naman oh!", nainis ng konti si Mina.
"Sige na nga!", sagot na ni Jeno na may ngiti.
"Isa, dalawa, tatlo!
Magkaibigang di papatalo
Magkasama palagi
Umaraw man o bumagyo
Kaya huwag malulungkot
Walang iwanan, hanggang dulo!
Peksman! Heart, Heart!
Muah! Muah!