Chereads / Triangular Love (The 3 Sided Love) / Chapter 6 - Chapter 6: Misunderstanding?

Chapter 6 - Chapter 6: Misunderstanding?

Pagkauwi nila, si Mina ay dumiretso na sa kanyang kwarto at nakatulala malapit sa bintana.

Mina's POV: Napakaraming nangyari ngayong araw! Kaninang umaga nalate ako ng gising pagkatapos pagkapasok namin ang daming girls na magulo tapos kinilig ako kasi hinawakan ni Jeno kamay ko tapos pinuntahan kami ni Rheesy na mamalastik pa! Pagkatapos naglunch kami pinunasan niya yung dumi malapit sa labi ko tapos sumigaw pala ako ng bakla sa kanya... Ang daming tumingin na tao tapos namahinga kami sa paborito naming tambayan, tapos naguwian na nilibre ko sya ng paborito niyang fishball tapos nung kiniss ko sya... Na-speechless siya... Habang naglalakad kami nagtanong siya na bakit ko siya kiniss?! Aba! Dati ko ng ginagawa yun tapos ngayon pa siya umangal kasi nagdadalaga ako at nagdadalaga din siya?! Gosh! Medyo nainis ako dun pero nung nagsalita ulit siya na hindi raw kami talo dun na ko NASAKTAN... Alam mo yung wala pa kong sinasabi sa kanya na gusto ko siya, na may lihim na pagtingin ako sa kanya pero... Nasaktan ako kasi parang wala na kong pagasa para bang kaibigan na lang... Hanggang kaibigan na lang ang turing niya sa'kin! Wala na ba talaga akong pagasa?! Ilang taon ko na siyang CRUSH! May kirot sa'king puso na parang 'di ko matanggap! Sabagay simula pa lang... ganun na pagtingin niya sa'kin atsaka... Paano siya magkakagusto sa'kin eh BAKLA siya?! Ang gusto niya lalaki hindi BABAE! Siguro... kakalimutan ko na lang ang nangyari kahapon dahil sa gusto parin niya naman ako maging kaibigan, dahil nga BESTFRIEND kami, bestfriend lang...

Bakas sa mukha ni Mina ang pagkalungkot at nasasaktan sa nangyari... Habang umiiyak si Mina.

Biglang pumasok sa kwarto ang ate ni Mina na si Ate Raychel. At nagulat ito na nakita si Mina na umiiyak.

"Uy Mina?! Anyare sayo? Bakit ka umiiyak? May nanakit ba sayo? Sabihin mo sa'kin at reresbakan natin!", pag aalala ni Ate Raychel kay Mina.

"Kasi ate....", kinabahan si Mina dahil 'di pa nito sinasabi sa kanyang ate na may crush siya kay Jeno.

"Parang wala kang sinasabi sa'kin... Ano ba yun? Sabihin mo sa'kin!", sabi sa kanya ng ate Raychel nya na nagaalala sa kanya.

"Sasabihin ko ba?", tanong naman ni Mina.

"Sabihin mo na sa'kin! Ate mo naman ako!", sabi nito kay Mina.

"Kasi ate Raychel... Kasi... May crush ako kay Jeno, dati pa! Eh...", sagot ni Mina.

"Ganun ba Mina? May crush ka pala kay Jeno ahh! Di mo sinasabi sa'kin! Mmm...", pagbibiro pa ng ate Raychel niya.

"Eto naman si Ate nangaasar pa!", naasar si Mina sa ate niya.

"Sabihin mo na kasi Mina!", sabi ng ate niya na naghihintay ng sagot mula sa kanya.

"Ate... Di ko man ito nasasabi sayo...kasi sekreto lang naming dalawa ni Jeno dahil Ate naman kita pinagkakatiwalaan kita... Sasabihin ko na sayo... Kung lalaki man ang tingin mo kay Jeno nagkakamali ka!", sagot ni Mina.

"Ano sinasabi mo?", pagtatanong nito.

"Bakla si Jeno, Ate! Wag mo ng sabihin sa iba, tayo na lang dapat ang nakaaalam!", sagot ni Mina.

"Bakla?... Pero crush mo siya?", tanong ulit ng Ate Raychel niya.

"Oo Ate! Crush ko siya...DATI pa...

Alam kong bakla siya dati pa... Nagbabaka sakali lang ako kung magkakaroon ba siya ng pagtingin sa'kin pero sa tingin ko wala na kong pagasa dahil kanina lang kiniss ko bigla siya sa cheeks at nagtanong kung bakit ko siya kiniss at sigurado akong ayaw niya nun at sabi pa niya na hindi kami talo! Wala pa kong sinasabi sa kanya na gusto ko siya pero sinabi niya na agad sa'kin yun! At dun ako nasaktan! Sa tagal tagal kong nagkacrush sa kanya! Ito lang ang mararamdaman ko sa kanya! Masakit Ate! Masakit na umaasa lang ako sa wala!", sagot ni Mina habang umiiyak.

"Grabe pala! Umaasa ka na baka magkaroon din ng pagtingin sayo si Jeno?! 'Di ba alam mo namang bakla siya! Eh bakit mo siya nagustuhan?", tanong ulit nito.

"Bakit ko siya nagustuhan? Alam mo ba yung lahat na hinahanap ko sa isang lalaki? Lahat na sa kanya na! Gwapo, matangkad, mabait, caring, honest, matalino, marunong sa lahat ng bagay pati sa gawaing-bahay, maka-diyos, masipag at higit sa lahat ay mapagmahal na anak sa kanyang mga magulang, sigurado akong kapag nagkaroon siya ng girlfriend mamahalin niya ito ng sobra!", sagot ni Mina.

"Eh... ano na ang mangyayari sa inyo?", tanong ulit ni Ate Raychel niya.

"Bahala na! Gusto pa rin naman niya ako maging kaibigan eh, ganun din naman ako. Siguro kalimutan ko na lang ang nangyari kahapon! Aarte na lang ako nang normal na walang nangyari! Ganun na lang ang ang gagawin ko!", sabi naman ni Mina sa Ate niya.

"Siguro... Ganun na lang ang gawin mo, kaysa naman hindi kayo nagpapansinan, di ba?", sabi rin ni Ate Raychel.

"Oo ate... Ganun na lang! Ayaw ko rin naman ng may kagalit lalo na at may pinagsamahan naman kami", sabi ni Mina na mukhang malungkot pa rin.

"Tara na at kumain Mina! Kalimutan mo na ang kailangan kalimutan! IKAIN mo na lang yan!", masayang sabi sa kanya ni Ate Raychel.

"Oh sige Ate! Siguro nga at kailangan ko lang ito ikain! Siguradong MASARAP yung niluto mo Ate!", tugon ni Mina na napalitan ang mukha ng saya.

Habang kumakain nang masaya ang magkapatid ay nagpapatugtog sila ng paborito nilang mga kanta. Si Mina ay naging masaya sa oras na yun pero sa kanyang puso ay ramdam pa rin ang sakit.

Sa kabilang banda, si Jeno ay mukhang tulala at nag iisip...

Jeno's POV: Hindi kaya mali ang sinabi ko kay Mina? Bakit parang ang lungkot niya nung nakauwi na kami? Pero kanina kiniss niya ako... Pero bakit may nararamdaman ako na parang may mali... Nung pagkakiss niya... Bumilis ang tibok ng puso ko, bakit ganun? Kinakabahan ba ko o ano? Kapag natitigan ko siya, bakit parang may mga bubbles na nagliliparan sa mga paligid niya? May mga spark ako nakikita kapag tinititigan ko siya?! Sa tuwing nakatitig naman siya sa'kin, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko... Bakla ako pero... Bakit ko nararamdaman 'to? Hindi kaya...

Hindi kaya naiinlove na ko?! Teka gurl?! Hindi pwede to! Bakla ako di pwede yun! Hindi pwede yun?! Erase! Erase! Kalimutan na dapat yun!

Kinabukasan, magkasabay ulit silang dalawa na pumasok... Ano kaya ang gagawin nila?