Chereads / Triangular Love (The 3 Sided Love) / Chapter 9 - Chapter 9: Preparation

Chapter 9 - Chapter 9: Preparation

Umaga na naman at wala silang pasok kaya umaga pa lang nag iisip na si Mina kung paano niya gagawin ang pagsusuprise niya kay Jeno.

Mina's POV: Ano naman kaya ang gaawin ko? First time ko lan naman kasi mang suprise eh, dati kasi puro bigay regalo lang ang ginagawa ko kapag birthday niya dapat suprise naman! Mmm...

Habang nakaupo at nag iisip si Mina sa kanilang sofa ay napansin siya ng kanyang Ate Raychel na nag iisip.

"Hoy! Ano ginagawa mo ah?! Malalim pa sa dagat ang iniisip mo ano?!", pang gugulat pa ni Ate Raychel sakin!

"Ah... Ano to kasi ate... Nag iisip ako kung paano isusuprise si Jeno sa birthday niya! Puro bigay regalo ako sa kanya eh, dapat maiba naman para exciting! Tulungan mo naman ako ate?", pagpapacute ko pa kay Ate Raychel.

"Mmm... Suprise para kay Jeno??? Ayieee.... Pinageeffortan para mapansin?...", asar sakin ni Ate Raychel.

"Eh... Keshe nemen ete! Teka?! Ano ba?! NAABNO na naman ako!"

"G*g* ka! Di ba nasaktan ka na? Tapos ngayon susuprise mo pa? Para kang tanga!"

"Kinalimutan ko na yun ate! Ano ka ba?! Masaya na nga ako eh! Past is Past!", sabi ko sa kanya nang nakangiti pero deep inside nasaktan din ako.

"Oh siya sige sige! Ano ba dapat gawin diyan?"

"Ikaw nga tinatanong ko Ate eh! Ano ba mainam?"

"Siguro... maganda niyan... dun ka sa bahay nila Jeno magsuprise dapat! Mauna kang umuwi... Magdahilan ka tapos magdecorate ka na sa bahay nila, ipagluto mo siya ng favorite food niya! Tanungin mo siya kung ano gusto niya tapos yun ang gawin mong gift!", sagot ni Ate na mukhang seryoso na siya.

"Tatanungin ko pa sa kanya? Baka sagutin niya house & lot?! Ate ano ka ba? Di ko afford yun... Yung something special Ate! Yung iki-keep niya forever...", pagtatanong ko kay Ate.

"Mmm... Siguro kapag diyan... Ikaw na lang ang mag-isip! Ikaw naman ang magreregalo eh hindi naman ako! Tinatanong mo ako eh di ako magreregalo ikaw di ba? Ikaw?!", sabi sakin ni Ate Raychel.

"Oh right, Oh right! Sige ako na!", sabi ko naman.

Pumunta na ko sa mall para mamili ng dapat bilhin para sa birthday ni Jeno, bibili na rin ako ng gift niya.

Ano kaya pwede iregalo kay Jeno??? Mmmm.... Bakit di na lang lipstick? Ay! Oo nga pala pagbukas niya baka makita nila Tita Anji magulat pa yun at magkaproblema... Pano kaya kung wallet?... Ay marami nga pala siyang wallet wala naman halos lamang pera... Joke! Hehe!!! Pano kung..... PERA na lang ibigay ko?! Wala naman kasi ako maisip eh! AHA! Ito na nga lang teddy bear! Ay..... Ito pala lagi kong nireregalo sa kanya baka magsawa na siya sa puro teddy bear! Hmmmm..... Ano kaya pwede???

Habang nag iisip si Mina sa ipangreregalo kay Jeno ay may nakita siyang magkasintahan na magka-holding hands while walking.

Mina's POV: Hayyy.... nakakainggit naman! May pa HHWW pa sila! Holding Hands While Walking! Well..... Kailan kaya kami maghoholding hands while walking ni Jeno?... hindi kasi kami naghoholding hands nun eh! Wait?! WOW AHHH!!! Meron pa pala silang couple bracelet! Grabe ahhh! Nakakainggit na talagaaa! AHA! Teka nga lang? Bakit di kaya mmm... REGALUHAN ko siya ng COUPLE BRACELET!!! Mag... couple kami??? Wait kinikilig ako! OMG!!! How to HINGA?! Oh my! Para parehas kami di ba? Parang magCOUPLE, hehe! Nakakakilig naman! Saan kaya ako makakabili nun...?

Hindi mapakali si Mina sa kilig at hinanap na ang bilihan ng bracelet.

Habang naghahanap si Mina ng couple bracelet na pang regalo kay Jeno ay may nakabunggo siya at parehas silang napadapa sa sahig at bigla naman sila bumangon!

"What the??? Are you just STUPID or what huh?!"

"Teka nga lang?! Sino ka ba para pagsabihan ako ng ganyang salita,hah?!"

"Pagsabihan?! So STUPID! Wait... you look familiar...", sabi nito at tinignang mabuti si Mina.

"Teka...? Ikaw ba yung?...", parehas nilang pinagmamasdan ang kanilang mukha at may mga question mark sa kanilang mata.

Mina's POV: Haluh! Si Kobe pala! Nakita ko na naman ang tukmol na to! Kakainis naman! Bakit kasi lagi ko siyang nakakabangga?! Ayoko NAAAA!!!!

"Ohh... I know it! STUPID GIRL?!! How nice to see you again...", bati niya na may ngiting nakaaasar!

"Anong Stupid Girl?!", sabi ko na naiinis sa kanya!

"Akalain mo nga naman... na magkikita ulit tayo? Grabe noh? Hmmm... Sinusundan mo yata ko eh???", pangaasar niya.

Mina's POV: Assumerong lalaking to! Loko siya hah! Sinusundan? Ano siya chicks? Yak! Kala naman niya na crush ko siya?! Like duh??? Hindi kaya! Crush ko si Jeno nuh!

"Grabe ha? ASSUMING ka ha?"

"Owowowo! Inii-stalk mo lang ako eh! Sa gwapo ko namang to eh...", papalapit yung mukha niya sakin. "Eh... Di ka mai-inlove sa'kin? Hahaha!", tumawa pa siya! Sarap niyang sapakin! Aminado naman akong gwapo siya... Oo gwapo siya, maraming nagkaka crush sa kanya but HELLO?! Wag siya! Dahil para sakin mas gwapo si Jeno!

"Hoy! Di kita crush nuh? Kailanman di ako magkakacrush sayo! Assumero!", sabat ko sa kanya, nakakainis siya!

"Ohh... Lahat ng babae sa campus, nagkakacrush sa'kin pati nga sa ibang school eh, crush din ako! Napakafamous kong tao! Tapos ikaw tong di nagkakacrush sa'kin? Iba kang babae ka!"

"Oo! Iba ko sa ibang babae! Di lahat magkakacrush sayo! UNGGOY!", pagkasabi ko sinabayan ko siya ng layas at tumakbo na ko ng palayo. Nakakaasar yang Kobe na yan! Assumerong lalaki!

"WT?! Tinakasan na naman ako ng babaeng yun?! Dapat itawag sayo TAKAS GIRL ehh!", sabi ni Kobe at sinundan si Mina.

Mina's POV: Nakakaasar na lalake yun! Napaka-assumero niya! Kala naman niya crush ko siya! Ano siya huh? Bakit siya na lang ba ang lalaki sa mundo para pagkaguluhan na mga babae?! Naku, wag siya! Buti na nga lang... natakasan ko siya! Kundi matatagalan ako sa pamimili ng gift kay Jeno. Asan na nga pala yung hinahanap ko? Nawala na naman ako sa concentrate! Kakainis yung Kobe na yun!

Nakita na rin ni Mina ang hinahanap niyang bilihan ng couple bracelet.

Ang gaganda ng mga designs at gawa ng mga bracelet sa bilihan na to. Nilalagyan pa nila ito ng mga pangalan kung ito man ay ipinare-request ng bumibili, gawa sa magagandang materyales ang bracelet. Pinili ni Mina ang silver na may heart na bracelet!

Haban pumipili si Mina ng bracelet, sinusundan naman siya ni Kobe.

Kobe's POV: Ano ba ginagawa ni STUPID GIRL slash TAKAS GIRL dito? Bilihan ng couple bracelet? Hmm... May bf kaya siyang pagbibigyan? Ow I see... Kaya nagmamagaling siya na di niya ko crush coz she have boyfriend na... Ha! Well... Let me know that!

Sinusundan pa rin ni Kobe kung saan papunta si Mina, bawat layo ay siya namang palapit ng palapit at napapansin na ito ni Mina na sinusundan siya ni Kobe.

"Teka nga lang?! Ikaw kanina ka pa eh! Sinusundan mo ba ko ha?", sabi ni Mina at tinuro si Kobe.

"Wow?! Baka nga ikaw tong sumusunod!", sabi nito na ngumiti ng nakaaasar.

"Makaalis na nga!", sabi ni Mina na mukhang naasar kay Kobe.

Kobe's POV: Hutek! Napakasnobbera naman ni STUPID GIRL slash TAKAS GIRL. Mmm.... gawa kaya ako ng MOVE?...

"Ah... Sorry pala? Narealize ko lang na mali ako... di ka dapat tawaging stupid girl... I'm so sorry...", sabi ni Kobe na nagchange bigla into nagpapaawang mukha.

Mina's POV: Aba?! Nahanginan ata UTAK nito?! Nagsorry naman siya... Edi Wow!

"I'm so sorry... Kung di mo pa ko kilala... Ako nga pala si Kobe Charles Qinwood, 19 years old, nakatira ako saaa..... PUSO moo! Ang pinakagwapo sa buong mundo! Ano? Nice di ba?", sabi niya na may action pa!

Mina's POV: Muntik na kong masuka! Jusko! Ang yabang eh! Confidence level: Cannot be reached!

Patuloy pa rin si Mina sa pamimili at hindi nagsasalita, habang si makulit na Kobe ay patuloy pa rin sa pagpapakilala.

"Kung di mo alam o wala ka mang alam tungkol sa'kin... Ehem? Isa ako sa mga actor,Ehem? sa school na palaging nagpaparticipate sa role play at theater play sa campus... Ayy!... Oo nga pala di ko pa nalalaman name mo?... Amm... Can I know your name po?", pagpapacute pa nito.

Naawa naman ako dahil kanina pa nagsasalita si Kobe na parang tanga... Madaldal din tong lalaking to eh!

"Ahh... Mina! Mina is my name!", sabi ko naman with a fake smile, kala niya hah!

"Ohh... Mina? How pretty and sweet is your name! Nice to meet you Mina!", sabi niya na nakangiti.

"Nice to meet you din?", sabi ko with a fake smile again.

"Ah nga pala couple bracelet ba bibilhin mo?"

"Ay hinde?! Nakita mo na naman siguro yung shop di ba? At hindi naman ako nandito kung hindi naman ako bibili.... Hindi ba obvious na nandito ako?!", pamimilosopo ko.

"Ahh.. Oo nga naman... Ibibigay mo siguro yan sa bf mo noh?", tanong niya na nakangiti.

"Ahh... Wala akong bf... Sa kaibigan ko to! Magbe-birthday kasi siya kaya reregaluhan ko siya ng bracelet!", sabi ko naman.

"Ah kala ko may bf ka... Sweet mo namang kaibigan!"

Mina's POV: Ano bang nasa isip ng lalakeng to?

"Jeno ba pangalan ng friend mo? Lalaki pala friend mo kala ko babae...", sabi niya na nakatingin sa bracelet na pinagawan ko ng pangalan.

"Actually, childhood friend kami! Hanggang ngayon palagi kaming magkasama at magkasabay din kami palagi pagpasok sa school", sabi ko naman, parang gumaan ang loob ko sa kanya... mukhang ang bait naman niya... Mmm... Siguro di naman siya ganun talaga...

"Oh I see...", sabi niya na mukhang ang lalim ng iniisip.

"Wow! Mukhang maganda yung isang to! Matingin nga yung iba..", mukhang nalibang na ko sa kakatingin ng mga designs ng bracelet ang gaganda naman kasi! Nilapag ko muna yung binili ko malapit sa counter atsaka tumingin ulit sa ibang design ng mga bracelet.

Habang tumitingin si Mina ng mga bracelet kinuha bigla ni Kobe ang biniling bracelet at tumakbo.

"Hoy Kobe! Ano ba?! Bwisit ka! Yung bracelet koo!!"

Mina's POV: Ano ba yun! Asan na yung lalake na yun! Kinuha yung binili kong bracelet, bwisit!

Kobe's POV: Hahaha! Kala niya haha! Wala siya sa'kin! Nasa akin na ang couple bracelet niya! Bahala siyang habulin at kulit kulitin ako haha!!!

Mina's POV: Kakaasar naman! Aha! Kala niya hahabulin ko siya?! No way! May pambili kaya ako! Bakit? Yun na lang ba ang bracelet sa buong mundo? Hah! Huwag siya!

Bumili na lang ako ng couple bracelet na mas maganda pa dun at umuwi na rin ako! Kala mo Kobe maiisahan mo ko? Ano ako huh!