Chereads / Triangular Love (The 3 Sided Love) / Chapter 8 - Chapter 8: Kobe meets Mina

Chapter 8 - Chapter 8: Kobe meets Mina

Dahil sa pagmamadali ni Mina ay may nakabangga siyang lalaki at mukhang galit ito sa kanya.

"HEYY!!! Stupid girl! Wala ka bang MANNERS? Tumatakbo ka na bumabangga ka pa! Hindi ka man lang tumitingin?!!", galit na sinabi nito at nagulat itong si Mina.

Nagulat si Mina at narealize niya na ang nakabangga niya ay si... Kobe?!

Mina's POV: Teka?! Ito ba yung si... S-si? Si Kobe? My Gawd! Nakabangga ko pa siya? Ito nga siyang nagce-cellphone at di tumitingin sa nilalakaran at ito pa siyang galit! Wow ah! Tapos sasabihin niyang wala akong MANNERS?

"How DARE you?! Ikaw nga 'tong nagce-cellphone jan at di tumitingin sa nilalakaran!", sagot naman ni Mina na galit din.

"Wow?! Ikaw nga 'tong tumatakbo eh! Tapos ako sisisihin mo! So STUPID!", sabat naman ni Kobe.

"Anong so STUPID?! Di ako tanga noh! Di kagaya mo tatanga tanga! Kung ako sayo, di ako magce-cellphone at titingnan ko ang nilalakaran ko!", sagot naman ni Mina na di papatalo sa kanyang isasagot.

Marami nang nakatingin na tao sa kanila at biglang nahiya naman si Mina.

"Che! Dyan ka na nga!", sigaw ni Mina patakbo ulit at tinakasan na si Kobe.

Kobe's POV: A STUPID Girl! How stupid she is?! Tinakasan pa niya ko! Humanda siya kapag nakita ko ulit siya! Hah! Lintik lang ang walang ganti!

Si Mina naman ay nakapunta na sa kanilang practice room.

"Mina? Why are you late?", tanong sa kaniya ng kanilang trainer.

"Ah... Maam kasi...", si Mina ay kinabahan at ayaw na man niya sabihin ang nagyari kanina kaya iba na lang ang sinabi niya.

"Ahh... Maam kasi sumakit tiyan ko papunta na sana ako dito eh... dumiretso naman po ako sa CR, nilabas ko lang po ang sama ng loob ko! Di po ba masama po yung pinipigil natin ang sama ng loob?kaya nilabas ko po! Sa CR nga lang!", sagot ni Mina habang ang kanyang mga co-dancers ay nagtatawanan dahil sa kanyang sinabi.

"Hahaha! Hay nako Mina! Ang sabihin mo kasi pumunta ka ng CR para di ilabas ang sama ng loob mo, pumunta ka ng CR para ilabas ang TAE MO!!! HAHAHA!!! Ayaw mo pa kasing sabihin eh, may sama ka pang loob na nalalaman! HAHAHA!!!", asar ng isang co-dancer niya at nagtawanan ang lahat!

Mina's POV: TAE na yan! Bakit yun pa kasi lumabas sa bunganga ko! Nakakahiya tuloy! Nakakainis naman!

"Hey Mina! Nice joke huh?!" , sabi ng isang co-dancer ko sakin na mukhang matatawa.

"Ah! Salamat! Gusto niyo pa ba?", naki ride na lang ako sa kalokohan nila.

"Lakas ng trip mo nuh?! Bakit ka ba natae?", tanong pa ng isa.

"NAKITA KO KASI MUKHA MO KAYA AKO NATAE!!!", sigaw ko sa kanya na nagtawanan ang lahat.

"NAKAKATAE nga naman kasi yang mukha mo! Mukha kang GORILLA!", pang aasar pa ng isa naming co-dancer sa kausap ko.

"Wow ah?! Hiyang hiya ako sa MUKHA mo! Ikaw nga eh... Mukha mo nangudngod sa harina! Para kang espasol! Masyadong maputi yan mukha mo ikumpara mo naman sa katawan mong kay itim! WAHAHA!!!"

"Edi NYE?! Mas malala naman sayo! Mukha kang GORILLA! Kamag anak mo ba si KINGKONG? WAHAHA!!! UH UH HA HA! UH UH HA HA!"

"Edi WOW! Ikaw nga dapat itawag sayo BLACK and WHITE! WHITE sa mukha, BLACK naman sa katawan! MUKHA KANG NEGRA NA NAGPA-GLUTATHIONE PERO ANG PUMUTI LANG... YUNG MUKHA!!! PANO NANGYARE YUN? HAHAHA!!! KAYA SA GABI ANG NAKIKITA LANG... YUNG MUKHA NIYANG KAY PUTI! PARA BANG MAY LUMULUTANG NA ITLOG!!! BUWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!"

"Wwoooooowww!", sigaw naman ng mga co-dancer kong abnoy na namangha!

"Abay gusto mo ata ng sabunutan eh?!", napikon na sabi ng isa.

"Punyet*?! O SIGE BA!", naghahamong sabi ng isa.

Nagsabunutan na ang mga co-dancers ni Mina, habang nagsasabunutan ang dalawa ang mga ibang co-dancers niya ay nagtatawanan at nagpupustahan pa, imbis na awatin ang dalawa ay mga nagatatawan pa ito. Nang dumating ulit ang trainer nila....

"Hoy GIRLS?! Ano ba? Para kayong mga hindi babae! Magsi-practice na kayo! Need na natin magpractice ng mabilis baka gabihin pa kayo! Oy oy kayong dalawa! Halikayo! Nagsasabunutan pa kayo ah! Sumunod kayong dalawa sakin! Oy kayo namang natira magsipractice kayo!", sabi ng kanilang trainer habang kasakasama ang dalawa na mukhang nalugi.

"Oh right girls! Magpractice na tayo! 1 , 2 , 3!", sabi naman ng aming leader.

Pagkatapos nilang magpractice ng kanilang sayaw ay umuwi na rin si Mina. Umuwi ng mag isa si Mina dahil nagpaalam na rin naman ito kay Jeno dahil may practice nga sila ng sayaw. Habang naglalakad si Mina ay nagce-cellphone ito at napansin ang petsa at kinlick ang calendar, napansin niya na malapit na ang birthday ni Jeno.

Mina's POV: Haluh?! Malapit na pala Birthday ni Jeno, di ko naman namamalayan magte-twenty na siya! Ano naman kaya gagawin ko? Ano ireregalo ko sa kanya? Hmmm.....? Pano kaya kung.... Kung isuprise ko siya! Sasabihin ko kay Tita Anji! Para naman hindi lang ako ang magsusuprise di ba? Dapat pati pamilya niya para happy siya sa birthday niya! Haha! Kailangan bongga yung birthday party niya, kasing bongga niya! Matawagan kaya si Tita Anji!

Tinawagan ni Mina ang nanay ni Jeno na si Tita Anji para magpatulong ito sa kanyang binabalak na suprise para kay Jeno.

"Ah... Hello po Tita Anji?"

"Oh! Mina?! Napatawag ka? Kailangan ko bang tawagin si Jeno?", sabi naman ni Tita Anji.

"Ay hindi na kailangan tita! Andyan po ba si Jeno? Katabi nyo po ba? Baka po kasi marinig niya... hehe, may sasabihin po kasi ako sa inyo eh... Secret lang po natin"

"Ah, nasa kwarto niya natutulog na, kakatapos lang namin kumain ng hapunan, ano ba sasabihin mo?", tanong naman ni Tita Anji.

"Kasi po..... Di ba po malapit na po birthday ni Jeno?"

"Ay! Oo malapit na nga, may gagawin ka ba?", sabi ni Tita na mukhang nagulat.

"Ano po kase... Sosopresahin ko po sana si Jeno... Kailangan ko lang po ng tulong niyo para masopresa siya!"

"Oh sige Mina! G ako jan!", sabi ni Tita na mukhang G na G siya.

"Hehe Yes! Salamat po Tita Anji! Bukas na lang po!", sabi ko naman na naeexcite.

Mina's POV: Nag usap na kami ni Tita Anji para sa gagawin namin na suprise para kay Jeno. Dahil ang gusto lang din namin na mapasaya si Jeno sa kanyang birthday. Pagkatapos ng usapan namin ni Tita nakauwi na rin ako sa wakas at sinalubong naman ako ni Ate Raychel.

"Hoy Babae! Bakit ngayon ka lang?! Anon oras na?!", pagalit na sabi sakin ni Ate Raychel.

"Ano ka ba Ate?! Nagpaalam na ko sayo kaninang umaga di ba?"

"Eh bakit di mo kasabay si Jeno?!", tanong niya sakin na mukhang nagtataka.

"Pinauna ko na siya para di na siya mag intay ng matagal, tsaka matagal practice namin ate", paliwanag ko sa kanya.

"O sige sige, kain na tayo!", aya naman ni Ate Raychel.

"Ano ulam natin Ate?", masayang tanong ko.

"Pinakbet", sagot ni Ate.

"Ano? Pinakbet? Gulay?! Ayoko ng gulay Ate!!!", reklamo ko.

Mina's POV: Napaka ayoko ng GULAY grabe!!! Sa lahat ng ulam ayoko ng GULAY! My gosh!

"Alam mo Mina, hindi ka na bata! Kaya hindi ka man lang tumatangkad eh! Di kagaya ko! Ang tangkad tangkad ko! Napakaselan mong babae ka!", sermon ni Ate Raychel, haha natutuwa ako sa mukha niya kapag nagagalit siya mukhang siyang unggoy haha.

"Ouch ate! HINDI TUMATANGKAD? Atleast lumalaki rin naman ako nuh! Hump!".

"Anong LUMALAKI?", tanong ni Ate.

"LUMALAKI? Eto! *pointing at my b**bs ^.^ * HAHA! WALA KA KASI NETO! Puro ka TANGKAD! TANGKAD!", pagmamayabang ko pa sa kanya na mukhang napikon haha!

"G*g* ka! Palo ka! Hump!", sabay palo sakin ni Ate Raychel.

Mina's POV: Masaya kaming nag aasaran ni Ate Raychel habang kumakain di ko na rin maiwasan kumain ng pinakbet ni Ate kasi naman pinipilit niya ako! Huhu *kawawa self!