Chereads / Triangular Love (The 3 Sided Love) / Chapter 7 - Chapter 7: Act Normal

Chapter 7 - Chapter 7: Act Normal

Magkasabay silang dalawa na pumasok parehas silang walang reaksyon. Pero maya maya rin ay nagkausap din sila...

"Mina! Gurl?! Parang ang aga mo ata gumising ngayon ah!", biro ni Jeno habang sila ay naglalakad.

"Ay! Oo gumising talaga ako ng maaga para 'di kana mag intay ng matagal...", sagot naman ni Mina na nakangiti.

Mina's POV: Wow ah! Napakanormal lang... parang walang nangyari... Pero ang awkward ng feeling ko...

"Mina... May practice ka ba mamaya?", tanong ni Jeno.

"Ahh... Oo, meron kaming practice!", sagot ni Mina.

"Hindi pala tayo magkakasabay umuwi...", sabi naman ni Jeno na mukhang malungkot.

Habang papasok na silang dalawa sa school... Nakarinig sila ng nagtitiliang mga babae... Mga tumatakbo ang mga ito papuntang stage para makita ang kanilang tagahanga... hindi si Jeno! Kundi si... KOBE! Si Kobe ang kanilang sinusubaybayan sa isang role play, magaling umacting si Kobe at gwapo kaya naman marami sa kanya ang nagkakacrush.

"Teka?! Ano bang meron? At bakit naman nagtitilian ang mga babae?", tanong ni Mina na tila di maintindihan ang mga pangyayari.

"Ano nga ba yun, gurl? Nagkakaguluhan sila dun oh!", turo ni Jeno.

"Ate, ate? Ano bang meron at nagkakaguluhan ang mga babae malapit sa stage?", tanong ni Mina sa isang babae na mukhang tagahanga rin.

"Ah... Di nyo po ba alam? May ginanap pong role play dun! At ang gaganap lang naman ay si gwapong Prince Kobe! OH MY GAWD!!!", sagot naman ng babae na patakbo na rin duon.

"Ano Mina? Tignan natin!", sabi naman ni Jeno kay Mina.

"OH sige ba!", sagot ni Mina na G na G.

Pumunta na sila sa isang tanghalan at naupo para makita kung sino yung Kobe na hinahangaan ng maraming babae.

"Sino kaya yung Kobe na sinasabi nila? Pogi kaya?", tanong ni Mina sa kanyang sarili.

At narinig naman ni Jeno ang sinabi ni Mina.

"Kung pogi man siya! Akin siya!", sabi naman ni Jeno.

"Haluh?! Baka mamaya pangit pala yun noh!", asar naman ni Mina kay Jeno.

"Gaga! Sigurado akong pogi yun, may pangit bang pinagkakaguluhan ng maraming babae?", sagot naman ni Jeno.

"Hahaha! Meron kayang ganun! IKAW!!! Haha! Pangit ka eh!", biro naman ni Mina.

"Sasabunutan kita jan eh! Manood na nga lang tayo!", aniya ni Jeno na mukhang hinahanap kung sino nga ba si Kobe.

Habang nanonood sila lumabas na si Kobe at turn na niya para umacting. Ang kanyang ganap sa role play ay isang prinsipe. Nang siya ay lumabas na ay nagtilian na ang kaniyang mga tagahanga at nagsipalakpakan pagkatapos.

"Hindi kaya siya yun?", tanong ni Mina habang tinuturo si Kobe.

"Ate, siya ba yung Kobe? Yung gumanap na prinsipe sa Role Play?", tanong nito sa kanyang katabi na tagahanga.

"Ay! Opo! Siya nga po! Si Prince Charming Kobe!...", sigaw ng tagahanga na katabi niya.

Mina's POV: Grabe naman si Ate Gurl! Well... Pogi naman si Kobe... Pero di naman ganun kagwapuhan mas pogi pa rin si Jeno! Ewan ko ba!

"Si Kobe nga raw ba yun?", tanong naman ni Jeno kay Mina.

"Oo, yun nga raw si Kobe! Di naman kagwapuhan!", sabi naman ni Mina na mukhang ikinagulat ni Jeno.

"HUH?! Di ka ba nagagwapuhan sa mukhang yon? Ako nga eh poging pogi sa kanya! Hihi!", sabi ni Jeno na mukhang kinikilig.

"Lande?! Nakakita lang ng pogi eh... Don't tell me crush mo na siya?!", tanong ni Mina na nagtataray.

"Ay! Kahit na napopogian ako sa kanya! Di ko siya crush nu!", sagot naman ni Jeno.

"Sinasabi ko sayo ah!", sabi naman ni Mina.

Palabas na sila ng panooran.

Mina's POV: Mukhang crush niya yung si Kobe! Hump! Bakla kasi! Di naman pogi yung Kobe na yun! Wait?! Teka?! Anong oras na? May practice pa pala kami ng sayaw!

"Ah Jeni?! Kailangan ko ng umalis! May practice pa kami ng sayaw!", paalam ni Mina na mukhang nagmamadali.

"Ah... Oh sige! Baka mahuli ka pa sa practice mo!", sabi naman ni Jeno.

"Sige! Ba-bye! Bukas na lang ulit tayo magkasabay umuwi ah!", sigaw pa niya.

Dahil nagmamadali si Mina ay tumakbo na ito papunta sa practice room nila habang tumatakbo ay may nakabangga siyang isang lalaki at mukhang galit ito sa kanya!