Chereads / Triangular Love (The 3 Sided Love) / Chapter 5 - Chapter 5: Fishball

Chapter 5 - Chapter 5: Fishball

Tapos na ang klase at uwian na nila habang si Mina naman ay tinatawag si Jeno na nakayuko sa sariling arm chair nito.

"Wuy Jeni?! Jeni!", bulong na tinatawag ni Mina si Jeno.

"Wuy Jeni?! Ano ba?!", ulit nito.

At narinig ito ng isang niyang kaklase.

"Ah... Mina? Sinong Jeni? Wala naman tayong kaklaseng Jeni ah?!", sabi pa nito kay Mina.

Biglang kinabahan si Mina dahil may nakarinig pala sa kanya at nag isip siya ng paraan.

"Ay si Jeni? Je-Jennie ng Blackpink?! Ganda kako ni Jennie, cute pa!", sagot ni Mina sa kanyang kaklase na mukhang nag aalangan sa sagot.

"OMG! Kilala mo pala yun! Hahaha! Hindi mo agad sinabing BLINK ka pala! BLINK ka nga ba?", tanong nito na mukhang nasopresa sa sinabi ni Mina.

"Ahh... Semi-BLINK pa lang...?", sagot ni Mina.

"Ahh... Semi-BLINK ka pa lang...", sabi ng kanyang kaklase na mukhang nagulat sa bagong word na sinabi niya. "Sino bias mo?", tanong ulit nito.

"Ahh ba-bias?... Sa totoo niyan wala akong bias sa kanila, lahat sila maganda at may talent kaya ang bias ko... Silang lahat! Hehe!", sagot ni Mina sa kanyang kaklase.

"Ahh ganon ba? Ayy! Mauuna na pala ako! Chika ulit tayo tungkol sa Blackpink huh?! Ikaw ah 'di mo sinasabi! Ba-bye!", masayang nagpaalam ang fan girl niyang kaklase.

Umalis na ang mga kaklase nila at silang dalawa na lang ang natira.

"WOoYy!!! Jeno! Jeno! Baka tulog ka na huh? Gising!", sigaw ni Mina.

"Ano na naman ba, gurl?", tanong nito.

"Kanina pa kita tinatawag! Ayaw mo kong pansinin!", sigaw ni Mina.

At sumagot si Jeno, "Kasi naman 'di mo pa ko nililibre! Kanina pa ko nagpapalibre sayo ng fishball, ayaw mo kong pakinggan!".

"Ahh... Nagtatampo ka ba? Mmm... Kasi naman maingay ang mga estudyante 'di ko marinig, sige ililibre na kita pagkalabas natin!

Nakalabas na sila ng paaralan at pumunta sa mga nagtitinda ng mga street foods/fishball-an para mailibre ni Mina si Jeno.

"Fishball kayo diyan ate,kuya!", alok ng tindera.

"Dalawang sampung piso nga pong fishball!", sabi ni Mina sa tindera.

At inabot ng tindera ang dalawang cup na may sampung pirasong fishball at nilagyan nila ito ng parehas na sauce na matamis.

"OMG! Yum yum talaga! Thank you Besty!", pasalamat nito kay Mina habang masayang kumakain.

Sagot naman ni Mina, "Your welcome! Muah!

Biglang kiniss ni Mina sa cheeks si Jeno at nagulat ang dalawa.

Mina's POV: Teka?! Teka?! Kiniss ko ba si Jeno? Oh my gosh!! Bakit ko ginawa yun?? Erase, erase kunwari wala lang yun!!!

Nagulat pa rin si Jeno at speechless sa nangyari.

"Basta ikaw Besty, iliibre kita!", sabi ni Mina na nakangiti kay Jeno. Habang si Jeno naman ay ngumiti lang at speechless pa rin. At napasin ito ni Mina.

"Uy! Bakit ganyan mukha mo!", tanong ni Mina kay Jeno.

"Huh? Bakit? Ano ba itsura ko?", tanong din ni Jeno na nakapagsalita na rin.

"Mukha kang nagulat, nashook ganern?!", sagot naman ni Mina habang tinitingnan si Jeno.

"Tara na...Uwi na tayo!", sabi naman ni Jeno na biglang iniba ang usapan.

"Teka? Uuwi na agad tayo? Bilis naman, di ko pa nauubos yung sa'kin!", tanong ni Mina.

"Kainin mo na yan habang naglalakad...", sagot ni Jeno na mukhang seryoso.

"Ah... Oh sige...", sabi naman ni Mina.

Mina's POV: Bakit kaya biglang tumahimik si Jeno? 'Di kaya nung pagkiss ko sa kanya sa cheeks? Mmm...

Habang naglalakad sila pauwi ay bigla na lang nagsalita si Jeno.

"Mina?", tinawag ni Jeno si Mina na mukhang seryoso.

"Ano yun Besty?", tanong naman ni Mina.

Sa kalagitnaan ng daan ay nahinto sila...

Tinitigan siya ni Jeno na mukhang seryoso at nagsalita...

"Mina?... Bakit mo ko kiniss kanina?", tanong nito at siyang ikinabigla ni Mina.

Mina's POV: Tinatanong niya sa'kin kung bakit ko sya kiniss? Well, Naisip niya pala yun?! Kala ko wala sa kanya yun!

"Bakit mo naman natanong?", tanong din ni Mina.

"Kasi.... Ka-kasi nabigla ako... sa ginawa mo...", sagot ni Jeno.

"Haluh! Etong si Jeni talaga! Dati na kaya kitang kinikiss sa cheeks, di ka na ba nasanay?", sabi naman ni Mina.

"Kasi... Iba na rin... Nagdadalaga ka at nagdadalaga din ako... I mean... 'di na tayo bata?!", sagot ulit ni Jeno.

"Di ba pwedeng lambing ko lang yun? Lambing ng kaibigan?", tanong din ni Mina.

"Di yun kasi point ko... Huwag mo sanang mamasamain ang sinabi ko Mina! Magkaibigan parin tayo huh?", sabi ni Jeno na mukhang malungkot.

"Ah... Ok lang! Naiintindihan ko ang ibig mong sabihin!", sabi naman ni Mina na malungkot din.

Mina's POV: Ang ibig sabihin niya lang ay huwag ko na siyang lalambingin?! Ganun ba?? Likas na sa'kin ang pagiging malambing o sweet! At dati pa lang kinikiss ko na sya sa cheeks tapos ngayon pa sya aangal?! Iba din yung pinagbago niya huh!

Mukhang nagalit si Mina sa sinabi ni Jeno pero naintindihan naman niya si Jeno kung ano man ang ibig sabihin nito.

Sa paglalakad din nila... nagsalita ulit si Jeno.

"Pero... pangako mo sa'kin Mina... 'Di tayo talo huh!", sabi ni Jeno na nakangiti ng konti.

"Ahhh... Syempre Besty nga kita eh.... BESTFRIEND?!", sabi ni Mina na ngumiti rin ng konti pero kita sa kanyang mata ang lungkot at sakit.

Mina's POV: Kahit wala pa kong sinasabi sa kanya na gusto ko siya... MASAKIT yun! Di raw kami talo! My gosh! Wala na ba akong pagasa sayo Jeno? Sabagay bakla ka nga pala... Oo bakla ka nga pala... At hindi na mababago yun...

Malapit na sila sa kanilang bahay at nagpaalam na sila sa isa't isa habang pumapasok sa kani-kanilang gate.

"Ba-bye Besty!", paalam ni Jeno.

"Ba-bye din Besty!", paalam din ni Mina na mukhang nasaktan sa nangyari.