Chereads / Triangular Love (The 3 Sided Love) / Chapter 2 - Chapter 2: Childhood Memories

Chapter 2 - Chapter 2: Childhood Memories

Nagising agad ng maaga si Mina dahil maglalaro ulit sila ni Jeno. Masayang masaya na bumangon si Mina at binilisang kumain at maglinis, para makapunta na ulit siya sa paboritong palaruan nila ni Jeno sa Bahay Kubo sa likod bahay nila Jeno. Madaling madali si Mina at nagpaalam sa kanyang ate.

"Ang bilis mo namang kumain! Ikaw ba'y si Flash?" ,biro ng kanyang Ate Raychel.

"Haha! Maglalaro po kasi kami ni Jeno,ate!" ,tugon ni Mina.

"Mmm... Napapadalas ata yang paglaro mo, huh!? Nakakalimutan mo yata ang magbasa ng books! ,sabi ni Ate Raychel.

"Ah? Eh? Bukas na lang ate!" ,sabay takbo palayo ni Mina.

"Ahh!! Ang galeng mo ah! Tinakasan mo na naman ako! Lagot ka sakin mamaya!" ,bulong ni Ate Raychel.

Mina's POV: Kasi naman nalulungkot ako sa bahay, si ate kasi laging nagbabasa ng paborito niyang books kaya di kami masyado nakakapag usap o bonding man lang, masaya ako kapag nakaka alis ako ng bahay madami akong nakakasalimuhang batang kagaya ko ,nakakapaglaro ako at ang lagi kong kasama si Jeno! Dahil magkakapit-bahay lang kami, lagi rin niya akong inaaya sa bahay kubo nila sa likod para maglaro dahil mahilig daw siya maglaro ng barbie nagkasundo kami dahil mahilig rin ako maglaro ng barbie. Sabi niya rin sa'kin na tawagin ko raw siya na Jeni kasi gusto raw niya ang name na yun, imbis Jeno ang itatawag ko sa kanya Jeni na lang daw, kapag kami lang dalawa ang magkasama saka ko siya tatawagin na Jeni dahil ayaw niya na malaman ng iba na siya ay beki o bakla.

Masayang pumunta si Mina sa bahay ni Jeno.

"Oy! Jeni! Tara na! Laro na tayo! tok*tok* ",sigaw ni Mina habang kumakatok sa bahay nila Jeno.

Bigla nakita ni Mina si Aling Anji.

"Ah...Mina? Sinong Jeni?" ,tanong ni Aling Anji.

Kinabahan si Mina dahil pangako niya kay Jeno na hindi niya ito sasabihin kila Aling Anji at Mang Danny.

"Ah? Eh? Mali po nadinig nyo... Jeno po, si Jeno nga po pala?" ,kinakabahang sagot ni Mina.

"Jeno?! Jeno, tawag ka ni Mina, yung bestfriend mo!" ,sigaw ni Aling Anji na tinatawag si Jeno.

"Eto na po! Parating na nay! Hi Mina! Tara laro na tayo!" ,nakangiting sabi ni Jeno habang bumababa ng hagdanan.

"Ang tagal mo naman eh! Tara na sa palaruan natin!" tugon ni Mina.

"Nay! Laro lang po kami ni Mina!", paalam ni Jeno kay Aling Anji.

"Oh sige! Mag ingat huh!? Huwag masyado malikot at pasaway! Baka mapano kayo huh?!" ,sabi ni Aling Anji.

"Oy Jeje! Lagi ata kayo magkasama ni Mina?! Huh? Baka magkatuluyan kayo niyan?! yieeee!!!!" ,biro ng kanyang ate Jaja.

"Oo nga! Yieee!!!" ,hirit naman ni Ate Juju.

"Oy,oy! Kayong dalawa! Jaja at Juju! Hindi talaga kayo magandang halimbawa sa kapatid niyo! Tigilan nyo yan!" ,sabi naman ni Aling Anji.

"Oo nga naman, mag aaral muna si bunso bago mag-girlfriend! Diba bunso?" ,sabi naman ni Ate Jiji.

"Syempre naman Ate Jijj, Sige po ba-bye!" ,paalam ni Jeno.

Mina's POV: Pansin nyo naman siguro nickname ng mga ate niya at ganun din siya, diba nakatutuwa? Siya ba naman Jeje, hahah, parang jejemon?! 'Di joke lang! Iinaasar pa nila si Jeno sakin pero ang totoo niyan dati palang mga bata palang kami may crush na ko kay Jeno kahit bakla siya,oo kahit bakla nga siya,tanggap ko naman yun, kasi naman pogi niya lagi pa siyang nakangiti kahit kanino para siyang araw napakabright niya, ang bait din niya kasi eh caring pa... Ang nakaka touched ay yung nakikita ko siya na tinutulungan ang nanay at tatay niya sa mga gawaing bahay ang sipag niya! Bata pa lang marami na siyang alam na gawaing bahay daig pa akong babae.

Naglakad na rin kami papuntang palaruan namin, habang nagkukwentuhan sa daan...

"Grabe! Hirap magpanggap na lalaki sa bahay!" ,sabi sakin ni Jeno na huminga pa ng malalim.

"Eh... Ikaw ba naman kasi ayaw mo pang sabihin!" ,sagot ko naman.

"Syempre kapag sinabi ko ang totoo sa kanila baka itakwil nila ako at di na ko tanggapin sa pamilya, alam mo namang ayaw nila sa bakla eh..." ,sinabi niya sakin na malungkot.

"Huwag kang mag aalala! Andito ko para sayo! Kaibigan mo ko diba? Ako susuporta sayo!" ,sagot ko sa kanya.

"Buti ka pa Besty suportado ka sakin, kaya love na love kita eh!", sagot niya sakin.

Mina's POV: Nung mga araw na yun di ko mapigilan ang aking ngiti dahil sa sinabi niya sa akin na love na love niya ako at love na love ko rin siya!

Habang papunta sila sa Bahay Kubo kumakanta sila ng theme song nila!

"Isa, dalawa, tatlo!

Magkaibigang di papatalo

Magkasama palagi

Umaraw man o bumagyo

Kaya huwag malulungkot

Walang iwanan, hanggang dulo!

Peksman! Heart, Heart!

Muah! Muah!" ,sabay nilang kinanta ang kanilang theme song ng masaya.

"Tara Besty! Laro na tayo ng barbie mong dala! Akin si Stella huh! Wag mong aagawin!" ,masayang sabi ni Jeno.

"Itong baklang to! Kala mo siya ang may-ari! Oh sige, sakin na lang si Joyjoy!" ,sagot ni Mina.

"Magfashion-show tayo Besty! Rampa rampa huh! Dami mo naman damit na gown at dress ng barbie eh!" ,excited na sabi ni Jeno.

"Magandang ideya yan! Rampa na Jeni!" ,excited din na sagot ni Mina.

"Pagkatapos nito kain tayo fishball huh!? ,sabi ni Jeno.

"Oh sige!" ,sagot ni Mina.

"Teka lang!", sabi ni Jeno.

"Ano yun, Jeni?" , tanong naman ni Mina.

"Picturan lang kita huh?! One, two, three, cheese..." ,sabi ni Jeno kay Mina habang si Mina ay nakatingin sa camera at nakangiti.

"Photographer na bakla!? Ngayon lang ako nakakita nun?!" ,biro ni Mina kay Jeno.

"Duh! Ano ka ba?! Syempre hilig ko lang magpicture!" ,sabi ni Jeno na nainis ng konti.

Masaya silang naglalaro sa kanilang paboritong palaruan, ang bahay kubo. At kumain ng paborito nilang street food na fishball.