Chereads / Triangular Love (The 3 Sided Love) / Chapter 1 - Chapter 1: The Story Begins

Triangular Love (The 3 Sided Love)

🇵🇭dasom_ruv19
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 37k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1: The Story Begins

Noon pa lang ay magkaibigan na sina Jeno at Mina, sa madaling salita sila ay "Childhood friends" o magkababata. Matalik na magkaibigan din ang kanilang mga Ama dahil nung binata ang mga ito ay magkasama noon sa Philippine navy.

Magkalapit lang ang kanilang mga bahay kaya naman 'di makakaila na mapalapit sila sa isa't isa. Si Mina ay lumaki sa mayamang pamilya. Ang mga magulang ni Mina ay nagtatrabaho sa bansang US dahil may kompanya sila duon na namana ng kanyang ama, isa rin ang ina nya sa nagpapatakbo ng kanilang kompanya. Kaya minsan lang sa isang taon umuuwi ang kanilang mga magulang, kaya silang dalawa ng kanyang ate ang magkasama sa bahay. Dahil dalawa lang sila sa bahay, minsan pumupunta si Mina sa bahay ni Jeno o kaya naman ay pumupunta sa kanila si Jeno.

Ang mga magulang naman ni Jeno ay nasa bahay lamang dahil ang kanyang ama ay nagretired na sa pagiging Philippine navy at ang nanay niya naman ay tumigil na sa pananahi ng mga bag at wallet. Dahil 'di na nila kaya magtrabaho ay pinagdesisyunan nila na alagaan ang kanilang bunso na si Jeno dahil tapos naman sa pag-aaral ang kanilang 4 na anak. Masasabi natin na ang pamilya ni Jeno ay may kaya lang, hindi mahirap at hindi rin mayaman, dahil 5 sila sa magkakapatid (4 na babae at isang lalaki) kaya nahihirapan din ang mga magulang ni Jeno sa pagpapa-aral sa lima.

Dahil iisa si Jeno na lalaki sa kanilang magkakapatid ay siya ang pinaka paboritong anak ng kanyang ama na si Mang Danny, dahil hinihiling ni Mang Danny na magkaroon siya na anak na lalaki, kasi puro babae ang kanilang anak at walang magdadala sa kanilang apelyido (dahil ang babae nga naman ay mapapalitan ng apelyido kapag ito ay nakasal na, di tulad ng lalaki na di napapalitan kapag ito ay nakasal), kaya laking pasasalamat ni Mang Danny na nagkaroon siya na anak na lalaki at ipinanganak nga si Jeno, kaya binabantayan nya ito at ayaw ni Mang Danny na may anak sya na bakla dahil di sya papayag dito. Kaya nga lang...nang lumaki na si Jeno ay nakikita sa kanya ang pagiging iba sa lalaki, kung paano ito kumilos, magsalita, ito ay malamya na parang babae at malapit ito sa mga kalarong batang babae, kahit ito man ay napapansin nila hindi na nila ito iniisip dahil bata pa naman daw si Jeno at baka magbago rin ang kaniyang kilos, hanggang sa...magkaisip ito... pinagdesisyunan niyang itago ang kanyang pagkatao sa kaniyang mga magulang dahil siguradong di siya tatanggapin nito. Ang tanging nakaaalam lang ng kanyang pagiging bakla ay si Mina dahil pinagkakatiwalaan nya ito at bestfriend nya for life!

Sa tuwing makikipaglaro si Jeno sa mga kalaro niyang batang babae ay 'di maiiwasan na pag-tsismisan siya na bakla ng mga kapit-bahay.

"Oy! Hindi ba anak ni Aling Anji at Mang Danny yan?" ,tanong ng isang chismosang kapit-bahay.

Sagot ng isang chismosa, "Oo nga! Nag-iisang lalaki pero bakla?!".

"Paano na kapag nalaman ni Mang Danny yan! Ayaw ni Mang Danny na may anak siyang bakla!" ,sambit pa ng isang chismosa.

"Naku,naku! Kapag nalaman yan ng tatay niya! Sigurado akong bubugbugin siya sa galit!".

Biglang dumating si Aling Anji at sumingit sa mga chismosang kapit-bahay. "Ehem?! Ano yang pinag uusapan nyo?" ,sabi ni Aling Anji.

Nagulat ang mga chismosa, hindi nila alam ang kanilang gagawin, baka narinig sila ni Aling Anji.

"Ah?Eh? Wala naman, kumareng Anji..." ,tugon ng isa.

"Di kita kumare! Wag ka!" ,mataray na sabi ni Aling Anji.

"Naguusap lang kami tungkol sa..." ,napatigil bigla sa pagsasalita nang sumagot agad si Aling Anji.

"Na ano? Huh?! Pinag uusapan niyo na naman anak ko?" ,pagalit na sinabi niya sa mga chismosa.

"Oo! Pinag uusapan namin ang anak mo!" ,sabi ng isang chismosang naghahamon.

"Bakla ang anak mo Anji! Bakla! Bayot!" ,isa pang chismosang nang aasar pa.

Nagagalit na si Aling Anji sa mga chismosa, sagot niya, "Di ako naniniwala sa inyo! Lalaki ang anak ko!".

Habang nagsasalita si Aling Anji asar ng asar ang mga chismosang mga kapit-bahay, "Bayot ang anak! Bakla ang anak!".

Pauwi na si Jeno galing sa paglalaro, nang narinig niya ang mga boses ng mga chismosa.

Nakita niya ang kaniyang ina na nakikipag away sa mga chismosa bigla siyang sumingit.

"Nay? Nay! Mano po!" ,pangiting hinarap ang kaniyang ina habang masamang tingin naman ang kaniyang binigay sa mga chismosa.

"Anak, tara na!, pumasok na tayo!, Huwag tayong mag aaksaya ng panahon sa mga chismosang walang ginawa kundi pakialaman nang may buhay na may buhay!" ,galit na pinaringgan ang mga chismosa.

"Bleeeh!!! Wala kayo sa Nanay ko!" ,asar naman ni Jeno sa mga chismosa.

Habang ang mga chismosa ay naasar, "Che! Makaalis na nga!".