Chereads / Akala Ko Siya Na / Chapter 11 - Pang limang Tula

Chapter 11 - Pang limang Tula

.Mahal, ang ganda ng talento mo,

Paano mo iyon nagawa?

Naglihim ka sa akin,

Pinagmukha mo kong tanga.

Plano mo mahal?

Sa plano ko ikaw ang kasama,

Pero sa plano mo iba na pala ang iyong kasama,

Magandang plano yan mahal.

Ang durugin ako ng biglaan,

Di ako tinapat sa totoong nararamdaman,

Yung pangarap natin na binuo,

Sa iba mo pala bubuuin.

Salamat mahal,

Sinampal ako ng reyalidad,

Kahit gaano pala katagal ang pinagsamahan natin,

Hindi pala iyon naging sapat para ako lang ang mahalin.

Nais kong sabihin sayo,

Masaya ako kung nasaan ka man,

Napatawad na kita,

Kasi ganon kita kamahal.

Napatawad na kita at maging siya,

Masaya ko kung nabuo niyo ang pangarap niyo,

Huwag mo ng tanungin kung ayos lang ako,

Dahil heto ako pilit na ngumingiti kahit ang sakit-sakit pa rin.