Chereads / Akala Ko Siya Na / Chapter 15 - Pangwalong Tula

Chapter 15 - Pangwalong Tula

Mahal nagpatuloy pa rin ako,

Kahit wala ka,

Hindi ko alam kung hihintayin pa ba kita,

O dapat na ba kitang kalimutan.

Mahal iniwan mong may tanong sa isip ko,

Bakit hindi mo nilinaw?

Akala ko'y may pag asa,

Yun pala'y wala na.

Ito na pala ang diploma ko,

Sana'y kasama kita ng nakamit ko ito,

Mahal patawad kung nawalan ako ng oras,

Hindi lang ito para sa akin kundi sa ating dalawa.

Sana'y masaya ka,

Sana'y makatapos ka,

Maabot ang iyong pangarap,

Na walang pagsisi.

Ikaw ang isa sa aking mga pangarap,

Na hinintay ko ng pagkatagal,

Pero sandali ko lamang naramdaman,

Naglaho din ng pang madalian.